Nakarating kami sa opisina ni papa ng walang litrato na kumakalat, bakit kapag sa melisande, meron? Sa mga buencamino, wala?
" This is Khent and Lilac, sila ang magiging designer mo para sa office mo anak." Bumati sila saakin. Ngumiti naman ako. Si sierra ay wala sa tabi ko, siguro ay kumain o uminom.
" Hello, Cerinna Alexandria La Valse." Dumiretso kami agad sa kwarto na ito. Wala talagang laman, even curtains, wala pa. May inilabas si lilac na mga papel, at may laman itong mga kulay, ibat ibang kulay, siguro para sa pader at kisame.
Kinuha ko ito, dumating si sierra at ate reese na may dalang tray ng pagkain, at saka maliit na lamesa. Doon nila pinatong. May isang guard din na naglagay ng upuan dito.
" I like the grey and white combination po, iyon nalang siguro." Tumango naman si lilac bago kinuha ang mga iniaabot kong papel at saka umupo muna kami. Naka heels ako kaya medyo mahirap tumayo ng matagal.
" Gusto niyo po bang maglagay ng mga paintings ma'am? Or may nakatago po kayong painting, pwede niyo po silang ilagay dito para may kaunting display ang mga pader."
" Actually, i have one, malaki naman iyon kaya ayos na siguro, magpapalagay din ako ng isang malaking shelf dito sa gilid." Tumayo ako at saka tinuro kung saang part ko gustong ilagay ang shelf, hindi ako pwedeng magkamali ng sabihin, dapat ay sigurado na kaagad, dahil ini sketch ng lalaki ang mga plano ko para sa kwarto na to.
" Dito sa side na po na ito ma'am? Gusto niyo po bang maglagay ng sofa set? " Wala na ang mga pagkain na nandito dahil kinuha na, nakatayo na kaming lahat, pumunta naman ako ngayon sa pwesto kung san ko gustong ilagay ang sofa set.
Ginuhit nanaman iyon ni khent.
" Ano pong gusto niyong kulay ng sofa? I think, white is the best color po para sa theme ng kwarto na to." Nakatingin si sierra saakin. Nasa gilid lang siya at pinagmamasdan ang kilos ko. May ibang guards na andito sa loob kaya naman safe parin.
" Yah, i like your idea, miss lilac, white sofa set will do." Sinulat niya naman iyon. Ang pintuan ay wala naman ng problema, kaya hindi na namin pinakialaman pa. Sinabi ko din na kailangan ko ng ilang mga flower vases para may kaunting sigla sa office ko.
" Your idea is good ma'am, i think you will enjoy staying at your own office while working?" Nakangiti niyang sambit ng makalabas kami ng opisina na iyon. May dalang papel si sierra at inabot niya iyon kay lilac.
" Kailan pala kayo mag start dito? I can't wait."
" Uh, hihintayin po namin ang tawag ni Mr. La Valse bukas ,kung anong oras po kami pupunta dito para masimulan na kaagad." Ngumiti ako, prinint pala ni sierra ang na sketch ni khent kanina. Kumuha siya ng copy para meron akong remembrance, i think, i don't need this tho.
" Okay, see you, thank you for coming, i think, papa will do the rest, uh, yung payments and other stuffs, sa mga sekretarya mo nalang itanong." Ngumiti silang dalawa. They are so nice and gusto ko ang taste nung babae.
Umalis na silang dalawa. Hinatid sila ni sierra. Ako naman andito lang sa opisina ni papa at naghahanap ng magagawa. Last task ko na ang kanina, kaya wala na kaming gagawin, mag aabang kami ng ipapagawa ni papa ulit.
Hinanap ko ang cellphone ko at saka nag hanap ng magagawa. I have my friends, yes, but they are busy with their stuffs too. Hindi na nga din kami nakakapag kita, pero siguro sa presscon ay dadalo sila.
Melisande and La Valse is scheduled for a presscon, what will be the topic this time? Is this for their collaboration? The most awaited collaboration, or the two heirs of the company will announce something big?
Basa ko sa isang article na nakita ko somewhere. Kalat na kalat na talaga ang balita, baka dumugin kami ng mga tao.
Spotted earlier at Melisandes place, Cerinna Alexandria La Valse is with Alleandro Kielle Melisande.
Melisandes only son, Alleandro, spotted leaving his company and media saw him at La Valses place wherein, this picture captures the peoples attention.
Isang larawan ang ipinakita sa article, which is blurd siya pero kita padin sa picture na nakahawak siya sa beywang ko at papasok kami sa isang kwarto. So this is the news, na kumakalat ng mabilis sa mga tao?
Well...
" Nagpatawag na ako ng mga pulisya para bukas, Mr. Melisande, nothing to worry about." Agad kong sinara ang telepono ko ng marinig ang naguusap sa labas. Nasa labas si Mr. Melisande? Andito nanaman siya?
Hinintay kong bumukas ang pintuan, kaya lang wala ata silang balak pumasok.
" I'm not worried about myself or my situation, Mr. La Valse, i'm worried for your daughter--"
" Iha." Napatayo ako ng wala sa oras ng pinihit ni papa ang pintuan at agad na pumasok silang dalawa. Malay ko ba papasok sila?
" Tapos na ang meeting mo with the designers?"
" Yes pa." Bumalik ako sa upuan ko. Sila naman ay naupo sa sofa. Hindi naman na nila ako pinapansin kaya, nilagay ko ang ulo ko sa lamesa at pumikit.
" I don't know how to wake you up." Isang kalabit ang gumising saakin, nakaidlip pala ako? Nakakahiya, kanina lang ay naguusap sila, ngayon, wala na si papa. May meeting nanaman siguro.
" I'm sorry, Mr. Melisande." Umupo siya sa harapan ko. Nakatingin ng mataman saakin. Medyo nahiya ako, baka may dumi ako sa mukha? Kaya siya nakatingin saakin?
" Is there something wrong with my face?" Kinuha ko pa ang salamin ko sa bag at saka tinignan ang sarili, wala naman.
" Nothing, you're beautiful." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nginitian ko siya. At saka ibinalik ang salamin ko sa bag.
Tumayo siya at saka nag ayos ng sarili. Hindi ko alam ang gagawin kaya nanatili akong nakaupo.
Bukas na pala ang presscon, kaya siguro andito siya dahil inaayos nila ang lugar para bukas.
" About tomorrow, don't worry, i'll take care of you, alexandria"
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...