36

48 20 1
                                    

" Ipinamukha niya lang saakin na mahal niya si Ms. Ravel, pagkatapos niyang sabihin yon, umalis na siya." Irap ko sa hangin habang kausap ko si Sierra. Siya lang naman ang pwede kong pagsabihan nito. Hindi ko kayang sabihin kila mama at papa, nahihiya ako.

" Cerinna, i think, you ask your father about that, tatawagin ko siya!!--"

" Sierra!"

Wala akong nagawa. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ng narinig ko ang boses ni papa mula sa labas. Mas lalo akong kinabahan ng nakapasok na ito. Kumindat si sierra bago niya sinarado ang pinto para wala akong takas.

" Iha, what's wrong? You're not feeling well? Tell me." Kinabahan ako. Paano ba sasabihin na inlove ako? Paano ba sasabihin na nahulog ako sa isang melisande?

Umupo si papa sa sofa. Habang ako nasa upuan ko lang. Nanginig ako ng uumpisahan ko ng magsalita.

" Tell me--"

" Pa, i like Mr. Melisande." Napanganga si papa sa sinabi ko. Agad nagningning ang mata niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa ekspresyon ni papa o mahihiya. This is my frist time na nagsabi ako kila papa at mama about my personal life.

" I acted like i don't know it, iha. I know, you like him." Literal naman akong napatunganga ngayon, all this time? Alam ni papa? Paano?

Tumayo ako at saka lumapit kay papa.

" How did you know pa?"

" I saw the footage, when Mr. Melisande kissed you, i saw you earlier baking, the way he holds your waist without you getting mad. And the smile on you face everytime you're with him, i badly want to see that everyday, anak." Niyakap ko si papa. Paano ko to sasabihin kay Ali? May rumored girlfriend siya, at kapag nagtapat ako, baka masira silang dalawa at masira din ang pangalan ko. Itatago ko nalang muna siguro to.

" Pa, i don't know what to say, akala ko magagalit ka sakin." Tumawa siya at niyakap ako. Pumikit ako, i'm so lucky. Akala ko ay magagalit sila saakin.

" Anak, it's time for you to have your boyfriend, you're old." Sinimangutan ko si papa. Tumawa naman ito, hinalikan niya ang noo ko.

" Pa, thank you."

" I'm so proud of you anak, and you're brave, hinihintay ko nalang kayong dalawa na umamin." Niyakap ko si papa. Hindi na ako nagsalita pa at hinigpitan nalang ang yakap sa kaniya. Maya maya pa ay pumasok si ate reese.

" Sir, you have your meeting with Mr. And Mrs. Pascua." Tumango si papa at tumayo na.

" I'm going, see you later--"

" Bye pa."

Paikot ikot ako dito sa opisina, hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko kung paano ako aamin. At saka paano ko sasabihin kay Ali to?

Ilang minuto ang nakalipas, may nag notif sa laptop ko, it's an unknown number. Nagtaka ako nung una pero binuksan ko din lang naman iyon.

" A- ali.." Shit! Unti unting namuo ang luha sa mata ko. It's a video of Ali and Ms. Ravel making love. Kitang kita ko talaga na wala silang saplot na dalawa. I don't know kung kusa itong vinideo, o patago nilang nilagay ang camera na to. Kailan to nangyari?

Agad kong binura ang message na yon, isinara ko ng mabilisan ang laptop ko. I--  i don't know how to feel.

Kelan nangyari yon? Bakit ganon? May nangyari na sa kanila?

" Ms. La Valse!" Tawag ni Sierra mula sa labas. Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko. Binuksan ko ang pintuan. Ng makita niya ako, agad niyang nilock iyon at saka niya ako niyakap.

Yumakap ako pabalik at doon humikbi ng malakas.

" Y- you saw the video?"

" Yes."

Hikbi ko, hinahagod ni sierra ang likod ko. Iyak ako ng iyak, dahil kay Ali, naranasan ko lahat ng emosyon na pwede kong maranasan. Hindi ko alam na isang Melisande ang makakagawa nito saakin.

" Hindi ko alam kung kelan nangyari yon, p- pero tingin ko nung isang gabi, pinakita na to saakin ni Avril, hindi ko lang pinaalam sayo, hindi ko akalain na may magpapadala sayo non." Hindi ako umimik, hinayaan kong umiyak ang sarili ko. Hinigpitan ko ang yakap kay sierra. I badly need a hug right now.

" Sierra, what should i do to stop this? Hindi ko na alam ang gagawin ko, masyado na akong nahulog." Hinagod ni ate sierra ang likod ko ng lumabas uli ang hikbi ko. Pinaupo niya ako sa sofa ko. Kumuha siya ng tubig. Ininom ko iyon.

" Hindi ko na din alam, maraming nagsasabi na sila na, at marami ding nagsasabi na hindi pa yon kinukumpirma ni Mr. Melisande." Napasabunot ako sa sarili ko. My make up is now a mess. Tumingin ako kay ate sierra. Hindi ako makaisip ng plano, bukas magkikita nanaman kami, anong gagawin ko?

" Magkikita kami bukas, hindi ako pwedeng ganito, kapag kasama niya si Ms. Ravel baka hindi ko kayanin." Umiling si sierra. Tinignan ko ang telepono ko. Wala kahit isang mensahe kaya lang tadtad ito ng news tungkol sa kumakalat na video nila.

Scandal.

" Anong gagawin mo? Hindi ka naman pwedeng hindi magpakita, mas lalo kang mahahalata, i know by this time, alam na ni Mr. Melisande na kalat na ang video nila." Sambit nito. Mga dugyot. Hindi na nahiya.

Agad akong nag ayos ng sarili. Kailangan kong maghanda para bukas. Hindi ako talunan, at mas lalong hindi ako magpapatalo para lang sa isang model na walang laman ang utak.

" Prepare my things for tomorrow, you should pick a very sexy outfit for me tomorrow." Tumango siya. Bahala na. I'll take the risk. I love him.

" Okay, copy, see you in a bit."

Nagpaalam na siya at saka sinarado ang pintuan ng makalabas siya.

Tinignan ko uli ang laptop ko, agad kong binasa ang mga comments ng mga tao tungkol sa kumakalat na video nila.

"Omygosh, is that Ms. Ravel? Akala ko ba matinong babae yan? Bakit ganyan?"

"  Scam, hindi naman daw si Mr. Melisande yung nasa video, ibang lalaki daw yan."

" Ang lakas ng tama para sabihing si Mr. Melisande yan, siguro one night stand yan."

Napalunok ako. Humanda sila saakin bukas.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon