Ang ilang media ay nalihis ang kanilang mga camera kay Ms. Ravel. Dumadagundong parin ang mga putok ng baril sa labas baka nagkaka putukan na doon.
" Ma'am, kailangan na po nating umalis, malala na po ang sitwasyon sa labas." Kinuha ng mga guards namin sila mama at papa.
" Mrs. Melisande, Mr. Melisande, marami na po ang nasugatan sa labas, kailangan na po nating umalis."
Aalis na sana sila tito at tita, pati sila mama at papa pero naalala ata nila na may anak pa sila.
" What about you two?!, sumama na kayo saamin, baka mapano pa kayo!" Sumisigaw na si mama dahil malalakas na putok ng baril ang naririnig. May mga natumba ng mga guards na narito sa loob ng building.
" Ma--"
" Ms. La Valse, are you happy now?" Walang nagawa sila mama ng sinenyasan ko ang guards na kumuha sa kanila na umalis na. Pati sila tita at tito ay dahan dahan na nilang bitbit papunta sa sasakyan namin.
" Hanggang ngayon parin ba?---"
" Ako dapat ang nasa tabi ni Kielle ngayon at hindi ikaw! Alam mo bang ginamit niya lang pala ako para makuha ka?!" Sambit ni Andreana.
" Andreana please--" Hindi na naituloy pa ni Ali ang sasabihin niya ng may humawak sa magkabilang kamay namin. Magkahiwalay nila kaming kinuha. Nanlaki ang mata ko.
" Ali!-- andreana, tumigil ka na!" Napapikit ako ng nakarinig ng malakas na putok, nakita ko ang ilang guards na duguan at nakasalampak nalang sa sahig. Ang mga media ay wala na. Kami nalang ang narito.
" Paano ako titigil? Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha si Kielle." Kinukuha ko pabalik ang kamay ko sa alagad ni Andreana, hindi ko makuha. Si Ali ay nakatingin kay Andreana.
" I'm sorry, Ms. Ravel, hindi ko sinasadyang gamitin ka para lang kay Cerinna, ginawa ko din yon para makabawi sayo." Nanlaki ang mata ko ng naglabas si Ms. Ravel ng baril, kinasa niya pa ito sa harapan namin at saka itinutok sa akin. Pimipiglas si Ali sa nakahawak sa kaniya.
" Kaya nga andito din ako, babawi din ako sayo, Kielle, gagamitin ko din ang babaeng ito--- dalin siya sa van!" Naglakad na ang mga guards kasama ko, pumipiglas ako. Hindi ko pwedeng iwan si Ali.
" Ali--- Ms. Ravel, please!" Pumipiglas padin ako. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Nakawala si Ali sa nakahawak sa kaniya. Nasuntok niya ito sa Mukha kaya naman napatumba ito. May parating pang ibang guards kaya naman mabilisan ang galaw ni Ali.
" Cerinna, you should run, ako ng bahala--"
" Ali, no, hindi kita iiwan." Hawak na ni Ali ang kamay ko. Nakangisi naman si Ms. Ravel habang pinapanood kaming dalawa. Hawak niya parin ang baril niya.
" Ano ba kasing problema mo, Andreana, if you want us to talk, stop this mess."
" I don't want to talk to you, Mr. Melisande, I want you." Nag igting ang panga ni Ali. Wala ano ano ay hinila ni ali ang kamay ko at saka kami tumakbo.
" We should call a police, may police naman sa labas pero bakit parang wala na sila ngayon?" Tanong ko kay Ali habang patakbo kami. Nakarinig kami ng putok. Tumama sa braso ko.
" Fuck!" Hindi ako nagsalita. Hindi na din ako makalakad pa. Good thing wala na sila mama dito. Lumapit samin si Andreana, wala parin kaming takas.
" Ali, sumama ka na sakin, hindi ko na guguluhin si Cerinna, Please." Napapangiwi ako sa sakit ng tama ko sa braso ko. Nakatingin sa akin si Ali.
" Hindi ako sasama sayo, maguusap lang tayo." Nangisi si Andreana. Tinulungan akong makatayo ni Ali.
" Bakit mo ginawa sa akin yon? Alam mong mahal na mahal kita, Kielle, tapos gagawin mo sakin ang bagay na yon?"
" Alam mo kung bakit niya ginawa yon? Dahil sa pangit mong ugali at ng pamilya niyo." Sasampalin na sana ako ni Andreana ng harangan yon ni Ali, umiiyak na ito. Patuloy sa pagdugo ang aking braso, namamanhid na rin ito.
" Hindi kita kinakausap, dahil sayo, ganito ang nangyari sa buhay ko, tiniis ko ang pagpapahiya mo sakin noon, Ms. La Valse, ngayon ako babawi sayo!" Muli niyang kinasa ang baril niya. Hindi na ako nasindak ng gawin niya iyon. Natamaan na akl ng baril na yan, matatakot pa ba ako?
" Love, are you okay--"
" Sumama ka na sa akin, Kielle, please? Parang awa mo na, mahal na mahal kita, at lalo akong nahulog sayo ng nagkasama tayo ng ilang linggo." Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Ali. Hinihingal na ako, hindi din matigil sa pagdugo ang braso ko. Naninikip na ang dibdib ko.
" Still a no, Andreana, itigil mo na to, nababagay yan sayo, maging mesirable ka habang buhay, mas higit pa jan ang ginawa ng pamilya mo, sa pamilya ko." Nagulat ako ng lumuhod si Andreana sa harapan ni Ali. Andito lang ako sa likod niya at nakakapit. Kailangan ko ng makakapitan dahil sa braso kong nagdudugo.
" Tumigil ka na andreana, pinalalala mo lang ang sitwasyon!"
" Tumahimik ka din, this is between Me and Kielle--"
" I'm his girlfriend!"
Humihikbi si Andreana sa harap ni Ali. Naka luhod padin siya dito.
" Ali, please? Ako nalang, bakit ba sinasama mo sa issue natin ang pamilya ko?--"
" Bakit hindi? Binaboy ng pamilya niyo ang pamilya namin! Sa tingin mo hindi ako babawi sa ginawa niyong iyon?!, damn it, Andreana, ginalaw ng papa mo ang mama ko ng hindi nalalaman ng sarili kong ama!" Napalunok ako. Yon ba ang dahilan? Kung bakit ginawa ni Ali yon kay Andreana? Alam ba ng media yon? Omygod.
" Hindi ko alam ang mga ginawa ng magulang--"
" Hindi mo alam? Pero nakita ka mismo sa cctv camera ng pinangyarihan?! Tangina, tuwang tuwa ka pa habang binababoy ng tatay mo ang mama ko!" Umiigting ang panga ni Ali sa bawat sinasambit niya. Hindi ako kumikibo, hindi na ako makagalaw pa, manhid na ang buong braso ko.
" Kung pwede lang na gawin sayo ang ginawa ng ama mo sa mama ko, ginawa ko na, pero nanaig ang respeto ko sayo! Nirespeto parin kita kahit na hindi yon pinakita ng ama mo sa mama ko!" Kinuha ni Ali ang kamay ko para umalis, naglalakad na kami paalis ngunit naririnig parin ang hikbi ni Andreana.
Muli kaming napabaling kay Andreana ng tawagin niya si Ali. Nanlaki ang mata ko ng pinutok niya ang baril niya.
" Andreana!"
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...