" Sabi ko na e, timing ang pagbili ko ng bagong damit kahapon." Napatunganga ako kay sierra, hindi ko ineexpect na ganito siya kabaliw para sa tagapag mana ng mga melisande.
" Sierra, could you please stop? Kanina ka pa, andito pa si papa." Tumawa si papa ng sinambit ko yon. Bakit? Siguro ay nasanay na siya kay sierra na ganito iyon. Hindi ko alam na pati si papa support kay sierra.
" Iha, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman mo kapag nakita mo na ang tagapag mana ng mga melisande. " Umiiling iling pa si papa habang sinasabi iyon. Nanlaki ang mata ko, bakit ako nasama? Kahit anong gwapo non, hindi ako tatablan.
" Pa naman, don't start a fight, hayaan mo ng si ate sierra nalang ang kiligin, please?"
" Okay, sinabi mo yan, let's see, tomorrow." Hapon na ng matapos kami sa isa pang task ni sierra. May meetings si papa kada oras. Kaya minsan kaming dalawa lang ni sierra ang nandito, minsan andito din si ate reese para makipag kwentuhan, sasabay ako kay papa umuwi ngayon.
" Mag ayos ka bukas ha? Yung maganda, malay mo magustuhan ka ng mga melisande, kayo pa ang magkatuluyan ng anak nila." Tumango nalang ako, naglilinis nalang kami ng mga papel na nagkalat sa lapag at inaayos ang pagkakalagay ng mga documents sa folders nila.
It's already 6pm at may meeting parin si papa, sa bahay kami kakain ng hapunan, ihahatid pa namin si sierra sa bahay nila. Although, malapit lang naman, pero ayos lang.
" Ikaw ang dapat mag ayos sierra, mukha ka ng manang, okay?"
" Ano? Grabe ka, kung di ka lang anak ni sir." Nagku kwentuhan nalang kami ngayon, patapos na daw ang meeting in 10 minutes sabi ni ate reese kaya lumabas na kami ng opisina ni papa.
" Aalis na po kayo ma'am cerinna?"
" Aalis na si ma'am!"
" Paalis na po kayo?" Well, mabait naman ako sa mga ibang empleyado ni papa, kaya habang wala pa siya, nakipag kwentuhan pa kami ni sierra sa kanila. Hindi ako minsan nakikipag halobilo sa kanila dahil hindi naman ako nakakalabas ng opisina, tuwing break time lang.
" Oo nga, ang layo din pala ng bahay niyo? Pero buti nalang may sundo ka." Sambit ko sa isang tauhan.
" Opo ma'am, buti nga po nakakapasok ako on time, at mabait po si sir kapag nale late ako." Nginitian ko siya sa sinabi niyang iyon. Antagal ni papa kaya naman lumalim ang usapan namin. Yung iba nagpaalam na, na mauuna na sila. Yung iba naman, makikipag kwentuhan pa daw, at yung iba, naghihintay ng service.
" Cerrina, anjan na ang papa mo, tara na?" Nagsimula na ding tumayo ang mga empleyado ni papa ng palapit siya saamin.
Bumati sila kay papa tapos nag ayos narin ng sarili dahil siguro ay sasabay sila saamin palabas.
" Anak, let's go?-- umuwi narin kayo, see you all tomorrow." Bumati ang ilan ng makalabas na kami. Si sierra, hindi magkamayaw ang tingin sa cellphone. At saka siguro nag a update siya about don sa pupuntahan namin bukas.
" Bye sir, bye cerrina!"
" Bye sir, ingat po kayo ni cerrina." Paalam ng mga ibang empleyado na maiiwan pa dito sa kompanya dahil night shift sila. May mga panggabi kasi at iba naman ang mga pang umaga. Ng makalabas kami ng kompanya, nag form ng straight line ang mga guards papunta sa sasakyan namin.
" See you all tomorrow po!" Bati ko bago ako pumasok sa van at isinara nila ang pintuan. Si sierra nasa pinakalikod, kami ni papa, magkatabi sa second row ng van na to.
" Sierra, are you excited for tomorrow?" Chika ko kay sierra ng malapit na kami sa bahay nila. Village iyon, pero hindi na ipapasok ang sasakyan namin.
" Oo naman, mamaya mag aayos na ako ng gagamitin ko." Hindi na ako muli pang sumagot. Nagpahinga ako sa loob ng van at saka hinintay na makalabas si sierra ng sasakyan namin.
Ng nasa tapat na kami ng village, bumusina ang driver namin sa guards na nandoon at saka lumabas si sierra ng sasakyan.
" See you tomorrow!"
Nakarating kami ng bahay at kumain kami nila mom, ngayon ay nasa hapag parin kami, tapos na kaming kumain pero naguusap usap nalang naman.
" Mom, excited po ako for tomorrow, makaka kilala ako ng bagong bussiness tycoons." Ngumiti si mama habang nakasandal sa dibdib ni papa. Magharap kaming tatlo, long table ito, kaya lang nasa gilid lang kami.
" I know iha, your papa is excited too, now-- get some rest and sleep early, okay?" Tumayo na ako at saka umikot sa pwesto nila para humalik.
Hinalikan ko sa pisngi sila mama at papa at ganon din sila.
" Goodnight, ma at pa, see you tomorrow."
" Goodnight, iha, we love you!"
Umakyat na ako at saka ginawa ang night routines ko. Nahiga sa kama at natulog.
" Cerinna, ano sa tingin mo ang outfit ko?" Bungad saakin ni sierra pagka baba namin ni papa ng van, andito pa kami sa labas ng kompanya, binabati kami ng mga empleyado niya.
" Nice, parang ikaw ang anak ng CEO, pft." Puri ko dito, she's pretty and i love it. Hindi halata sa kaniya na secretary lang siya.
Nasa opisina na kami at inaayos namin ang mga papel na ibibigay para makaalis na.
" Goodluck iha, alam mo na ang gagawin mo, right?"
" Yes pa, bye." Excited na sumakay si sierra sa van, hinatid kami doon ng driver, pero hihintayin din lang kami dahil saglit lang naman ang pagkikita. Natatawa ako habang bumabyahe dahil nagpa practice si sierra kung paano magpakilala sa tagapag mana, para siya naman ang kakausapin.
" Shut it, sierra, andito na tayo!" Bumaba ako at saka nag ayos ng sarili. May mga guards na naghihintay saamin ni sierra sa labas. May isang babae na tinuro kung saan kami pupunta.
" Omygosh, siya yung anak ng mga la valse?"
" Siya? Ang ganda naman niya."
" Di talaga nagpapatalo ang mag la valse." Sambit ng mga empleyado dito.
" Good morning." Bati namin sa kanila, yuyuko sila saamin at ngingiti. Nasa likod ko si sierra dahil nga sa sekretarya siya. Tapos sa gilid ko naman mga guards ni papa.
" Andito na po tayo ma'am, naghihintay na po si sir, have a good day po!" Bati ng sekretaryang ito at saka umalis.
" Thank you." Binuksan ko ang pintuan ng opisina ng melisande na ito.
" Hello, Ms. La Valse."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...