45

44 14 1
                                    

5 years has passed, still no calls or texts from tita Quena, gaya ng sinabi niya bago nila ilipad patungong ibang bansa si Ali para sa operasyon niya. Limang taon akong naghintay, limang taon akong umiyak, limang taon akong nangulila, limang taon akong hindi masaya. Limang taon ko siyang namimiss.

" Jackson!" Tumango lang ito at saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako, kaya niyakap ko din siya pabalik. Sa loob ng limang taon, siya ang kasama ko sa pagtatayo ng dapat sana ay project namin ni Ali.

" Anjan na daw ang mga media, konting tanong lang daw ang sasabihin nila saatin, pagtapos non, diretso na tayo sa building para sa opening." Tumango ako. Ilang years bago namin natapos, dapat ay isa o dalawang taon lang, pero dahil sa pangungulila ko kay Ali ng mga panahong iyon, naabot kami ng 5 years, imagine that.

" You're pretty, Alexandria, tara na." Hinila ni Jackson ang kamay ko at saka sabay kaming lumabas para magpakita sa media. Nag flash ang mga camera nila, kaya kumaway kami.

" You can now ask." Sabi ng MC. Dalawa lang kami ni jackson na andito sa lamesa na kaharap ng mga media, dahil kaming dalawa lang naman ang magkasama sa project na ginawa namin, unless andito si Ali.

" Marami ang nagtatanong, bakit ang tagal po ng proseso ng project na ginawa niyo, Mr. Buencamino?" Tumingin sa akin si Jackson, hindi niya pwedeng sabihin na dahil sa pagkamiss ko kay Ali, alam ko namang hahanap siya ng ibang paraan para sagutin yung tanong.

" Actually, kaya kami natagalan dahil sa ibang materyales na kinukuha pa sa ibang bansa, mabagal ang process ng ibang materyales kaya ang iba ay hindi maituloy." Ngumiti si Jackson, sabi na e. Alam kong gagawin niya yon.

" How's your relationship with Mr. Buencamino, Ms. La Valse?" Tumingin muna ako kay Jackson bago ako sumagot sa mga media.

" We're good, we're friends."

" Wala na po bang iuupgrade yon?" Tumawa kami ni Jackson, pati mga media ay natawa den sa tanong niya. All this time, marami na din ang nagshi ship samin ni Jackson.

" Jackson will answer that, i'm sorry. " Natatawa kong sambit habang nilalapag ang mic ko. Hindi namin mapigilan ni Jackson na matawa.

" Gusto niyo bang i upgrade namin? Haha." Sambit ni Jackson, nahampas ko ang braso niya. Napaka laugh trip naman nito.

" What is your plan, Ms. La Valse, sa project niyo dapat ni Mr. Melisande?" Napahinto ako sa pagtawa ng marinig ang apelyido niya. Napalunok ako.

" Hmm, i think, itutuloy ko, nasimulan namin yon e." Sambit ko. Ilang tanong lang ang lumipas ay natapos na namin kaagad ang presscon. Sabay kaming umalis ni Jackson sa venue. Nagpahinga kami saglit sa opisina ko.

" Nakakatuwa naman ang mga media--"

" Wala ba talagang pag asa, Alexandria?" Napahinto ako sa sinabi niya. Naalala ko nga pala, 2years ago, nagtapat sakin si Jackson na gusto niya ako, pero hanggang kaibigan lang talaga.

" Jackson, magpaalam na tayo kay papa, punta na tayo sa building, baka nag hihintay na ang mga media." Ngayon namin bubuksan yung building na naitayo, hotel iyon, may pool talaga sa likod, sinunod ni Ali yung gusto ko.

I miss him.

" Pa, aalis na po kami, bukas nalang po tayo mag celebrate sa bahay, kasama si jackson." Tumango si papa at hinalikan ang pisngi ko.

" Sure, sasabihan ko ang mama mo para makapag handa siya." Lumabas na kami ni jackson, sa sasakyan niya ako sumakay.

" Sierra, kamusta na pala si eunice? Diba ilang araw kayong di nagpapansinan?" Nag away ang mga sekretarya namin, hindi ko din alam kung anong dahilan, pero hindi sila nagpapansinan this past few days.

" Ayos naman na ng kaunti, Cerinna, baka mamaya mag hang out kami kung ayos lang kay sir Jackson." Nakangisi si sierra. Alam ko na ang balak nito.

" Ako ang bahala kay jackson--"

" Sure, you can hang out."

" Thank you sir!"

Nakarating kami sa building. Sinalubong kami ng guards, kaunti palang ang mga tauhan dito, kaya nagpapa apply pa ako, ako na din ang toka sa pagiinterview sa kanila.

" Pasabi pala sa mga mag aapply, bukas ang interview nila, ako na ang bahala." Tumango si sierra. May ginawa sa logbook at saka umalis. Baka pinuntahan si eunice.

" This is one of a kind hotel, Ms. La Valse, kahit may bahay ako ay dito na ako matutulog." Sambit ng isang business man. Ngumiti ako. Hinigit ni Jackson ang beywang ko dahil may mali siyang nakikita dito sa kaharap namin.

" Salamat sir, hihintayin ko kayong mag check in dito." Tumawa kaming dalawa. Umalis na ang businessman at saka at saka naglakad kami ni jackson papasok sa building na to.

Ang building na ito, magkasama ang lamesa namin ni Ali sa iisang kwarto, pinagusapan namin iyon date. Dati. Sinabi niya na dalawa nalang daw kami sa isang opisina para daw lagi niya akong makikita. Sana nakikita niya pa ako ngayon.

" Are you fine, Alexandria?" Tinignan ako ni Jackson sa mga mata. Andito kami ngayon sa opisina dapat namin ni Ali, kung nandito siya.

" I'm fine, thank you for your concern, as always." Hinawakan ko ang upuan ko. Magagamit ko na to bukas, dahil magpapa inteview ako dito for the first time, yung mga ibang applicants kasi dati, sa opisina ni jackson sila ininterview.

" Sabi ko naman sayo, i can make you happy, just be with me, cerinna." Napatingin ako sa kaniya. Hinigit niya ang beywang ko at saka niya ako niyakap. Hinawakan ko ang balikat niya.

" Jacksonn, napag usapan na to, diba?"

" I know, but cerinna, it's been 5 years since that incident at hanggang ngayon, hindi ka parin nakakamove on?" Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi pa. Hindi ko makakalimutan si Ali. At hindi ko siya papalitan, nangako ako sa kaniya. Sana siya din.

" Magpahinga na tayo, bukas magpapa interview ka pa, kailangan maganda ka bukas." Nginitian ko siya. Nakatingin siya ng mataman sa aking mata. Sinalubong ko din ito.

" Ikaw din, dapat gwapo ang isang Buencamino bukas para mas ganahan silang sumagot sa mga tanong ko bukas."

" Mas lalo akong guma gwapo kapag kasama kita, Ms. La Valse."

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon