" Good morning ma'am!"
" Good morning, Ms. La Valse."
" Good morning po!"
" Morning." Maikling bati ko sa mga tauhan dito sa hotel, wala si jackson dahil may importanteng meeting siya. Pero mamaya ay nandito na siya.
" Kamusta po kayo ma'am?" Bati nila sakin. Nginitian ko sila. Naka glasses ako, simula ng sabihin ni sierra ang balita kagabi, hindi ako nakatulog.
" Ayos naman, pupunta na ako sa opisina."
Tumango sila bago ako naglakad diretso doon. Andon na si sierra sa opisina. Pinauna ko na dahil alam kong mali late ako, kulang na kulang ako sa tulog.
" Kamusta? Maayos ba ang tulo--"
" Shut it, sierra, hindi ako nakatulog sa sinabi mo, sana ngayong umaga mo nalang binalita yan." Napailing siya at nangisi. Umupo ako sa upuan ko. Andito na nga ba siya?
" Alam mo kung ngayon ko pa sasabihin, ikaw nalang ang huling taong makakaalam non, magmumuka kang nega kapag nasundan ka ng media at tatanungin kung alam mo bang nakabalik na si Mr. Melisande, bulgar na bulgar na ang pagbabalik niya dito sa pilipinas." Mahabang litanya ni Sierra. Nakapameywang pa ito sa harapan ko. Hindi din siya mapakali, ayaw umupo dahil kinakabahan daw.
" Okay, nakabalik na nga talaga--"
" May kasamang babae." Diretsahang sambit ni Sierra. Agad na nag init ang gilid ng mata ko. Napatingin ako sa kaniya. Inexpect ko na yan, kagabi pa. Sa loob ng limang taon, posibleng hindi siya makahanap ng babaeng kapalit ko.
" Okay, expected ko na yan, sierra." Ilang minuto siyang hindi nagsalita, halata sa kaniya na nagaalala siya para saakin. Hindi dapat. Ayos ako.
Ayos nga ba ako?
" Paano kung pumunta siya dito at magkita kayo nung babae?" Tanong uli ni sierra sa harap ko. Hot seat. Magkatabi pala kaming dalawa ng upuan, paano kapag napunta sila dito nung babae niya?
" Edi magkikita, anong magagawa ko?" Tumawa si sierra na parang kabado. Napasabunot ako sa sarili ko. May babae na siya, so ibig sabihin, ex ko na siya, mag ex na kami. Kahit na wala namang may alam saming dalawa na hindi kami naghiwalay, at walang pormal na kaganapan na naghiwalay kami.
" Any minute, baka bibisita dito si Mr. Melisande, magabang ka na." Lumayas siya sa opisina. Bigla akong kinabahan. Pero hindi ako nag abala pang mag ayos ng sarili, anong mapapala ko? Kahit na maghubad ako sa harapan niya, hindi na yon magkakagusto saakin dahil may babae na nga siya.
" Hello?"
" Sweetheart.." Napangiti ako sa sinabi ni jackson, talagang pinanindigan niya ang endearment na sinabi niya saakin kahapon.
" Jackson, makakapunta ka na dito?" Tanong ko, kinakabahan ako, pero kailangan kong umarteng cool sa harapan nila mamaya kung sakaling pupunta nga at magpapakita sila dito.
" Hindi pa, may isa pa akong meeting, last na to, magtetext ako o tatawag sayo kapag tapos na." Tumango naman ako kahit na nasa telepono ang kausap ko.
" Okay, see you."
" See you."
Nag iisip ako ng malalim sa opisina, wala na akong magawa, wala namang paper works dito, sa opisina ko sa building ni papa, marami.
" Cerinna, may business man na gustong makipag usap sayo sa baba."
" Okay."
Bumaba ako mula sa ground floor. May isang business man nga na nakatalikod sa akin. May kasama siyang babae pero nasa mid 40's na ang mga ito.
" Hello, Ms. La Valse, as i promise last night, i invited all my friends to say here at your hotel habang nasa vacation sila." Ngumiti ako at isa isang nakipag kamay sa mga kaibigan niya.
" Wow, thank you for keeping your promise ma'am, i hope you'll enjoy staying here."
" Of course, Ms. La Valse." Sabay sabay na sambit ng mga kaibigan niya. Nag stay ako sa kanila habang nagfi fill up sila for rooms. May pinipirmahan sila at may tinatanong naman ang mga tauhan ko. May ibinigay na susi naman ang tauhan ko pagkatapos nila sa mga gawain nila.
" By the way, we're going Ms. La Valse, see you."
" Thank you ma'am, thank you for choosing La Melisande hotel."
Nagpaalam na sila. Ilang minuto ang nakalipas, may naririnig akong nagbubulungan ng mga tauhan ko, nakatingin sila sa labas ng hotel pero hindi ko iyon pinansin dahil kinakausap ko ang staff na kumausap sa mga nag check in na mga businessman.
" Ilang rooms ang kinuha nila?" Tumingin naman kaagad ang staff sa logbook niya. Tumingin siya saakin muli.
" Lima po kasi silang nag check in ma'am, dalawang exclusive rooms po ang kinuha nila at isang deluxe naman po." Tumango ako at saka ngumiti. Hindi ko na inabala pa ang mga staff dahil may sari sarili silang ginagawa. Hindi ako mapakali sa tinitignan nila sa labas.
" Sierra, can you check what's happening outside." Tumango si sierra at saka umalis.
Nakita ko namang naglilinis ang isang janitor kaya naman umaayos ako ng pwesto ko. Tumigil siya kalaunan ng makita ako at kinausap.
" Ma'am, napaka ganda ninyo, kaya ang ibang empleyado hindi kayo makausap minsan dahil nahihiya sila." Tumingin ako sa kaniya. Ang ingay sa labas. Nadidistract ako.
" Salamat po, pero hindi naman po nila kailangang mahiya. Tao din naman po ako." Tumawa kami sa sinabi ko. Napabuga siya ng hangin. Naka uniporme na siya.
" Napakabait ninyo, kaya maraming lalaki ang namamangha sa inyo, kaya pati si Mr. Buencamino naakit sa inyo." Sambit niya. Napangiti nanaman ako, bakit pala wala parin si Jackson hanggang ngayon, anong oras na.
" Nako, magkaibigan lang po kami ni Mr. Buencamino."
" Sana nga e mas lumalim pa ang pagsasama niyong dalawa, Ms. La Valse."
Hindi ako mapakali sa ingay sa labas. Ng nagpaalam na ang janitor agad akong naglakad palabas. May mga taong bumubulong, ang iba naman ay nagkakagulo sa labas. Hinanap ko si sierra pero hindi ko magawang mahanap siya. Baka naman nadumog na din? May mga guards na nagkalat.
Lumabas ako ng building at saka balak na tanungin ang mga tao na andito sa labas.
" Hello, may problema po ba dito?" Sambit ko, pero walang sumasagot. Ang mga guards ay wala ding pakialam.
Ilang minuto akong naghintay na makaalis sila.
" Excuse, ano bang meron dito--" Kumalabog ang puso ko ng makita ang lalaking matagal ko ng hinihintay.
" Nice to see you again, Ms. La Valse."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...