32

53 20 1
                                    

Naglalakad na ako pabalik sa opisina ko, bukas nalang kami pupunta ng site sinabi ni Ali. Hindi kami nakapunta ngayon. At hindi din ako pupunta kapag andoon si Ms. Ravel.

" Good job, Alexandria." Sambit ni jackson, nakipag apir siya saakin, kaya sinalo ko yon.

" Salamat."

" Cerinna, nakaalis na si Mr. Melisande." Tumango ako sa kaniya at saka nagpakuha ng makakakain namin ni Jackson. Nagmemeryenda na din si papa, binati na niya ako kanina kaya andito na ako sa opisina ko.

Nakaupo kaming dalawa sa sofa. Maya maya ay dumating si ate reese may dalang ipod.

" Ma'am, kumakalat po ito ngayon sa social media, sinagot po kayo ni Ms. Ravel sa sinabi niyo kanina sa mga media." Kinuha ko ang ipod at nakita ko ang isang video niya. Marami na kaagad views ito kahit na 16 minutes ago niya palang pinost sa social media.

" Paano ko siya hindi rerespetuhin, when i opened the door, all of them greeted me and stand habang pumapasok ako, and yang La Valse na yan, nakaupo lang and acting like a spoiled brat." Tumawa ako sa narinig ko. Tumawa din si jackson. Ngumisi ako.

Ako pa ang spoiled brat? Ngayon? Mali siya, kung pwede lang tawagin ang mga kasama namin ng mga oras na yon, baka mapahiya siya.

" Cerinna, anjan si Ms. Ravel sa labas ng building, may mga media siyang kasama." Tumayo ako, tumingin muna ako sa whole body mirror habang inaayos ang sarili, this is stressing me out, pero hindi dapat ako magpatalo kay Ms. Ravel.

" This is the first live broadcast--"

" Andito po tayo ngayon upang--"

Panay media ang sumalubong saakin. Lahat sila ay live na nagrereport, nagsuot ako ng glasses dahil masyadong malikot ang flash ng camera nila. Hindi ata ako napapansin ni Ms. Ravel dahil may umaayos sa mukha niya. Seryoso?

" Nasan ang amo--"

" Why are you searching for me, Ms. Ravel?" Natigil ang mga make up artist niya at saka pumunta sa likod niya. Si sierra naman ay nasa likod ko din at saka si jackson, katabi ko.

Nag flash ang camera nila ng makita ako. I'm excited.

" Nagpapakalat ka ng maling isyu? Gusto mo bang tawagin ko pa ang mga engineers at architect na kasama mo nung oras na yon?" Hinayaan ko lang siyang magsalita. Ngumisi ako sa kaniya. Nakita ko ang takot sa mata niya. Pati paglunok niya, kitang kita ko.

" Call them if you want, baka nga binayaran mo pa sila para magsalita ng ibang impormasyon." Hinayaan kami ng media mag sagutan, walang lumalapit kahit isa. Ang mga guards ko ay nasa gilid ko at harap, samantalang siya, wala.

" You bitch, pinapaniwala mo ang mga tao na hindi ako karespe respetong tao--"

" Na totoo naman, Ms. Ravel, sa ikinikilos mo palang ngayon, nakakahiya ka na." Akma siyang susugod ng higitin ni Jackson ang beywang ko at saka inilayo ako sa pasugod na Ms. Ravel.

" I'll tell this to Kielle, you bitch.-- akala mo kung sinong mabait? Sinungaling naman--"

" Ang meeting room ni Mr. Melisande ay may CCTV camera, if all of you want a proof, na nagsisinungaling ako, ipapakalat ko ang buong tape ng CCTV camera bukas." Nanlaki ang mata niya. Hindi niya alam kung paano makipag away?

" Paano mo pa iyon maipapakita sa mga tao kung bukas ipapabura ko na iyon kay Kielle?" Ngumisi ako. Tinignan ko ang telepono ko ng may biglang mag notif dito. Nginitian ko siya.

" Oh, ate reese just texted me, nakuha na niya daw ang footage." Ipinakita ko sa harapan niya ang text ni ate reese.

" Ma'am cerinna, i just got the CCTV footage of you and Mr. Melisandes meeting. Pabalik na po ako sa opisina."

Ng mabasa ni Ms. Ravel ang message ni Ate reese saakin. Nagsi atrasan sila.

" Sabihin niyo sa mga tauhan natin na sundan ang reese na yan--"

" Guards."

Parang action movie ang nangyayari saamin ngayon, ng tawagin ko ang mga guards, pumalibot sila sa amin. Pati sa mga aalis na sana na tauhan ni Ms. Ravel para sundan si Ate reese.

Ilang minuto lang ay dumating na si Ate reese na may dalang mga guwardiya at pulis. Ngumisi ako.

" Ma'am, here's the footage."

" You did a great job ate reese."

Pumwesto si ate reese sa likod ko katabi ni Sierra.

" Ms. La Valse, what can we do for you?" Tinignan ko si Ms. Ravel na nakatingin saakin at saka kumusilap, nagbubulungan na din ang media dahil kay Ms. Ravel.

" I don't want to see a Ravel in our company-- thank you for coming medias." Umalis na ako sa harapan nila. Habang naglalakad kami, nakatutok parin saakin ang mga camera nila. Sumisigaw naman si Ms. Ravel habang pinapaalis ng mga pulis.

" Hindi pa ako tapos sayo, sasabihin ko to kay Kielle!!!"

" You slut, bitch!!!"

Napaupo ako sa upuan ko ng makarating kami dito. Hindi ako makapaniwala, napahiya ko nanaman siya. 4 points for myself.

" Cerinna, gamot mo, baka himatayin ka nanaman." Agad kong kinuha ang gamot ko at saka ininom. Si jackson naman ay kararating lang galing sa labas.

Hinihingal ito at saka humarap saakin.

" Alexandria, Mr. Melisande wants to talk to you--"

" Let him in, leave us alone."

Umalis silang dalawa. Narinig ko ang pagpasok ni Ali, habang naglalagay ako ng gamot sa aking ulo.

" What did you do--"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng makatkim siya ng sampal mula sa akin. Nag igting ang panga niya sa ginawa ko.

" Pagsabihan mo yang babae mo, hindi ako natutuwa sa inyong dalawa."

" Ale--"

" Kung pwede lang na ihinto yung project, matagal ko ng ginawa!!" Sigaw ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib. Shit.

Tumalikod ako sa kaniya. Napahawak ako sa sofa na nandito.

" What's your problem huh?" Humarap ako sa kaniya at saka lumapit sa kaniya.

" Ako ba ang may problema sa ating tatlo? Tangina, Ali, magisip ka naman." Umiinit ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.

Nakatingin ako ng mataman sa mga mata niya. Kahit siya ay ganon din ang ginagawa niya.

" I'm sorry, love.."

" Mr. Melisande, i want us to stop the project."

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon