" Anak, maayos ka na ba? Tumawag kayo ng doctor, gising na si Kielle." Naririnig kong sambit ni mom ng maimulat ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko nakita ang babaeng mahal ko.
" Mom, where's Alexandria? I need her." Nag iwas ng tingin si mom. Hindi niya ako kaagad sinagot.
" Naiwan siya sa Pilipinas, Kielle, hindi siya pwedeng sumama saatin, baka may mangyaring masama sa kaniya." Napapikit ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking dibdib. Agad akong napadaing. Inalalayan ako ni mom.
" She's bleeding also, bakit hindi niyo siya isinama?" Pagalit kong sambit. Kinausap kami ng doctor ng ilang oras. Matagal tagal pa ang pagtira ko dito sa ospital.
" Anak, just rest okay? Makakauwi pa naman tayo sa Pilipinas, kailangan mo munang magpagaling." Hindi ako nakasalita sa sinabi ni mom. Bakit wala siya dito kung kailan kailangan ko siya? Gusto ko mukha niya ang sasalubong saakin pagmulat ko ng mga mata ko. Gusto ko siya ang kasama ko sa pagpapagaling ko.
" What about Ms. Ravel?"
" Sir, the materials will be here on Tuesday. The project will start soon." Napagisipan kong magpagawa ng mansiyon sa dito sa US. Habang patuloy pa ang pagpapagamot ko, ito muna ang naisip ko sa ngayon, pagbalik ko ng pilipinas ay magpo propose na ako sa kaniya.
" I'll wait for that. Thank you for your efforts." Ngumiti ako. I badly want to see her. I miss her so much. Pero hindi pa ako pwedeng umuwi sa Pilipinas hangga't hindi pa ako masyadong magaling.
" Anong plano mo, Kielle? Hindi mo ba tatawagan man lang si Alexandria? Baka nag aalala na iyon sa iyo." Umiling ako habang umiinom ng gamot. It's been a year. Hindi ko pa din siya nakikita. Sana ako parin. Sana ako parin ang nasa puso niya.
" Just don't call or text her mom, malapit na tayong umuwi, doon ko nalang siya susurpresahin." Tumango si mama sa sinabi ko. Gustong gusto ko ng umuwi, ngunit hindi pa pwede. Sana nasa maayos siya. Sana hinihintay niya parin ako.
" I want you to act normal. Minsan ay napaka sungit niyon, kapag may nakikita siyang may kasama akong ibang babae." Tumawa ang pinsan ko. Isasama ko siya pabalik ng Pilipinas. Magpapanggap siyang girlfriend ko. Para naman makita ko kung ako parin ba ang nasa puso niya. Sana.
" Bakit ba kasi hindi mo nalang diretsahin si Ate Alexandria, kuya? Kapag hindi ka na niya mahal, kasalanan mo." She chuckled. Buti nalang ay napapayag ko ito. Muntikan niya pang ayaw sumama dahil mainit daw sa Pilipinas.
" Nasampahan na daw ng kaso si Ms. Ravel, balita ni Avril." Bungad ni mom saakin. Ngumiti ako. Tinignan ko ang larawan ni Alexandria sa aking telepono. Kailan kaya kami magkikita?
" That's good mom, sana ay mabulok na siya doon."
" Can i see your best selling ring?" I asked the saleslady. Nasa US parin ako. Naka schedule na ang pagbabalik namin nila mom sa Pilipinas kaya naman balak ko ng bumili ng singsing ngayon.
May mga singsing na inilabas ang babaeng kaharap ko. Tinignan ko isa isa iyon. Malambot at makinis ang balat ni Alexandria sa kamay. Kailangan babagay ang singsing na ibibigay ko sa kaniya.
" This is our best selling ring, Sir. Diamonds, Pearls are available." Kinuha ko ang isang singsing. May malaking diamond sa gitna nito. Alam kong babagay ito kay Alexandria.
" I like this one, how much is this?" Tanong ko habang inilalabas ang aking black card. May tinignan siya sa kaniyang computer. Ngumiti siya bago tumingin saakin.
" 12 million sir. That is the best ring and best seller ring that we have in here." Inabot ko ang aking card. Kinuha niya iyon at saka niya kinuhanan ng mga detalye. Inilagay niya ang singsing sa isang mamahaling box at saka inilagay sa paper bag. Iniabot niya saakin ang card ko pabalik.
" Thank you.."
" Thank you sir, congratulations in advance!"
" Naka schedule na ang flight natin, Kielle. Nakahanda na din ang mga gamit natin. Naka empake na din si Romeolle." Nakita ko ang maleta namin na nakahanda na. Malapit na kaming umuwi. Malapit na ulit kitang makita. Kaunting tiis nalang.
" Nakabili na po ako ng singsing, kapag balik natin at pasado ang arte ni Romeolle ay magpo propose na ako kaagad." Tinapik niya ang balikat ko at saka niya ako niyakap. My mom is so excited for my wedding proposal.
" I am so proud of you anak, sa loob ng limang taon, hindi ka naghanap ng iba. Siya parin ang nasa puso mo." Nginitian ko si ang mama ko.
" Sana nga ay ako pa din ang nasa puso niya. Baka ngayon ay may relasyon na sila ng Buencaminong iyon." Napailing si mama saakin. Nagtaka naman ako.
" Hindi mangyayari iyon anak, alam kong mahal ka parin ni Alexandria."
Nagkakagulo ang media habang naglalakad kami nila mom at Romeolle palabas ng airport. Hindi sila magkamayaw sa pagkuha ng litrato saamin.
After 5 years, I am back.
" Sir, pwede po ba namin kayong--"
" No."
Sa ibang sasakyan sumakay si mama. Agad kaming pupunta ni Romeolle sa hotel na dapat ay ginagawa namin ni Alexandria sa loob ng limang taon. Kinakabahan ako habang nasa byahe.
" Hindi ko alam na mahilig pala sa supermodel ang isang Melisande." Napangisi ako ng marinig ang pagsusungit niya. Gumagana ang pagpapanggap namin ng pinsan ko. I'm loving it. The way she rolls her eyes.
" Shut it, Ms. La Valse--"
" Gusto kong tanggalin na ang pangalan ko sa kontrata, tutal ikaw naman ang may maraming gastos dito, ako nalang ang aalis." Tinignan ko siya ng mataman sa mata niya. Umiwas ito ng tingin.
" Then do it, Ms. La Valse, let's see."
" Bakit hindi mo sinabi saakin na aalis ka nanaman? Sinabi sa akin ni Sierra na babalik ka na ng US." Hagulgol nito sa aking dibdib. Naamoy ko kaagad ang alak sa kaniyang bibig. Alam kong galing ito sa bar.
" Alis na ako, hindi ka naman ata masaya na nakabalik na ako." Umiling siya. Pinunasan ko ang luha niya. Tumawa ako.
" I'm still into you, Mr. Melisande.."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...