Nasa restaurant kami kanina, kumain kami ng masarap na putahe nila. Sabi ni Ali yon daw ang kanilang specialty, kaya naman hinanda nila para matikman ko.
" Let's swim, love, don't wear any revealing clothes." Nasa salamin si Ali at naglalagay ng cream sa katawan niya. Nagpalit na ako. Naka shorts lang ako at saka white fashion bra, pinatungan ko lang ng see through baril hindi magalit. Naglagay din ako ng cream.
" I'm done, but i can't swim, love." He chuckled. Hinila niya ang kamay ko at saka nagpunta na sa dagat, ang lamig ng tubig, ang sarap sa pakiramdam.
" Don't worry, i'll stay with you-- common." Halos walang naliligo, siguro dahil mainit pa. Pero mas pinili kong maligo sa ganitong oras para kahit papaano ay umitim naman ako. Naglakad kami ni Ali sa may malalim na bahagi ng tubig. Hawak hawak ko ang kaniyang balikat.
" Is there any sea creatures here? I want to see a fish or some sea shells." Nung bata ako, mahilig akong mangolekta ng mga shells galing sa dagat, at gusto kong kumuha ngayon. Nakatingin ako sa baba baka may makita akong shells, pero wala.
" Doon sa may bandang mababaw ang mga shells, Alexandria, mamaya magpapakuha ako sa mga tauhan ko." Ngumiti siya. Ang tahimik ng paligid namin. Dalawa lang kami dito, at wala ding umiistorbo.
" Humihingi saakin si Sierra ng souvenir, bibigyan ko na din si Ate reese, may bilihan ba non dito?" Nilibot ko ang aking paningin. Nakakakita naman ako ng stores, pero karaniwan mga damit ang laman niyon. Baka wala ang hinihingi ni Sierra.
" We have it here, we'll go there later." Hinigit niya ang beywang ko. Kinuha ng isang kamay niya ang mukha ko at saka ako hinalikan sa labi ko.
" This resort will be yours someday, baby, isasama ko ang pangalan mo sa papel pagtapos ng kasal." Ang sarap ng tubig. Si ali naman ay napaka lapit saakin, ayaw ata akong pakawalan. Hindi niya binibitawan ang aking beywang, hindi talaga ako marunong lumangoy, kaya hindi ako sisisid.
" You have your pool here? Gusto kong magbabad doon mamayang gabi." Ngumisi siya.
" May bathtub naman sa kwarto natin, Ms. La Valse, kung gusto mo ng privacy, we can do it there." Hinampas ko ang kaniyang dibdib. Naka shorts lang ito, wala siyang pantaas na damit. Kitang kita ang abs nito at saka kumikislap ang puti niya.
" We just do it last night, love, you really want me to get pregnant?" Tanong ko, nakataas ang kilay ko. Tumawa naman ito.
" I told you, stop using your pills, and stop seeing your doctor, we'll go to your OB once you're pregnant." Hinalikan ko ang labi niya. He's so excited to be a father huh? I want to marry him soon.
" I did stop my pills already, Mr. Melisande, i'm waiting also.." Sambit ko, napangiti siya. Hininto ko talaga ang pagpunta ko sa OB ko, kas sinabi niya, i trust him with this one. I think we're ready.
" Good, we'll do it often then, para mas madali.." Hinawakan ko ang mukha niya, bago kinurot ang pisngi nito.
" Sumusobra na ang Melisandeng ito.." Tumawa siya.
Ilang oras kami doon, pagtapos ay bumalik kami sa aming kwarto. Anong oras na din at kailangan na naming umahon dahil baka magkasakit kami kapag nababad kami ng husto.
" Hello po Ms. La Valse." Umupo sa tabi ko ang isang babaeng tauhan dito habang busy si Ali na kumuha ng inumin. Kakain na kami, at nandito kami sa isang maliit na kubo. Nginitian ko ang babaeng ito.
" Hi, what's your name?" Tanong ko dito. Ngumiti siya, pero ang mga mata ay malungkot. Siguro ay may problema ito. Napapatingin si Ali sa pwesto ko.
" Ako po si Cassandra, idol na idol ko po kayo, ang galing niyo pong sumagot sa media at ang cool niyo pong tignan." Sambit niya. Napangiti ako. Mukang bata pa ito, hindi na kaya siya nag aaral?
" Thank you, uh, nag aaral ka pa ba? Bakit nagta trabaho ka na kaagad?" Takang tanong ko, umiling siya bago umiwas ng tingin. Nasa tabi ko na si ali kanina pero umalis, baka may kinuha saglit.
" Kusa po akong tumigil sa pag aaral, wala pong hanapbuhay ang mga magulang ko, wala po silang mahanap na disenteng trabaho dahil wala din po silang natapos sa eskwela, ako po ang nagta trabaho para may tulong po ako sa kanila." Mahabang paliwanag niya. Agad akong nalungkot sa sinabi niya. Kaya din siguro kinuha ni Ali itong batang ito dahil kailangan niya para sa pamilya.
" Ganon ba? Anong grade mo na ba kung papasok ka ulit?" Tanong ko habang iniinom ang iniabot ni Ali kanina na inumin ko. Wala parin siya. Nakatingin ang babae sa lapag.
" Mag college na po ako kung papasok ako ngayong taon." Ngumiti ako. Nakaisip ako ng paraan.
" Sige, aayusin natin ang papeles mo at requirements sa pagpasok, ipapasok kitang scholar sa isang university, isama mo din ako sa bahay niyo, para makita ang mga magulang mo, pag aaralin kita." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Napatayo siya at nabitawan ang tray na hawak at saka ako niyakap, nagulat ako pero niyakap ko siya pabalik, naabutan kami ni Ali na ganoon.
" What's this?" Nagtatakang tanong niya. Napabalikwas ang babae at saka bumalik sa pwesto niya kanina.
" Love, can you fired her for a while? I want to help her, she needs to finish her studies, pag aaralin ko lang." Napatingin si Ali sa sakin. Hinigit niya ang beywang ko. Nakangiti ang babae, si ali naman ay nakatingin at walang kibo sa harapan ko.
" Sure, she can, what my baby wants, my baby gets." Ngumiti ako. Hinarap ko yung babae at saka siya nginitian ule.
" Talaga po ba ma'am? Matutuwa po ang mama ko kapag nalaman niya po ito." Ngumiti ako. Bumalik na siya sa trabaho niya, bukas ay sasama ako sa kanilang bahay, para makita ang estado nila sa buhay.
" You did great, Ms. La Valse." Ngumiti ako. Kumain kami ng ilang minuto, bago kami pumunta sa pool para magbabad.
" Let's swim, love.."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...