25

60 21 1
                                    

" Bukas na ang presscon, kailangan nating mag ayos." Habang wala pa si Ali upang sunduin ako. Tumulong na muna ako sa pag aayos ng mga upuan at lamesa para sa presscon bukas.

" Ma'am, Mr. Melisande called, he's on his way here." Tumango lang ako. Nag aayos ako ng mga gamit dito. Naka rubber shoes na ako ngayon. At saka ang damit ko, hindi na ako naka skirt. Kaya hindi niya na siguro mapapansin ang suot ko.

Nagtutulungan kami sa paglalagay ng thumb tax sa mga lamesa para maging maganda ito. Ang ilan naman ay nagbibigay na ng meryenda saamin.

" Ma'am kain po muna kayo." Naka fashion sando  ako ngayon, hindi ko alam kung bakit ito ang sinuot ko. Pero ayos lang naman siguro.

Kumain ako. Pagtapos non ay tinuloy namin ang ginagawa namin dito. Hindi ko namalayan ang oras.

" Ms. La Valse?"

" Uh, A-ali." Bumaba ako sa upuan na tinutungtungan ko kanina dahil sa pagkakabit ng mga thumbtax. Tumalon ako. Nakatayo lang siya sa harapan ko.

" Are you fine? Pupunta na tayo sa site." Tumango ako at saka nauna ng maglakad. Nakita kong hindi siya sumusunod sa akin at nagtataka sa ikinikilos ko. I'm just happy today, i don't know. Tumakbo ako sa pwesto niya at saka hinila ang kamay nito.

" Ali, bakit ka nakahinto doon?" Kumusilap ako sa hangin habang naglalakad kaming dalawa. Walang guards at walang sekretarya na nakasunod. Kaya naman dalawa lang kami.

" Damn, baby, you're--" Tinignan niya ang suot ko, anong problema? Naka fashion sando ako at saka naka pants. Hindi ako naka office outfit today. Naka sapatos din ako, yung binigay padin ni Ali saakin.

" What's wrong with my outfit? Don't you like it?" Umiling ito at saka ngumiti. Naglakad kami papunta sa opisina ko. Kinuha ko lang ang bag ko at saka nagpaalam kay papa.

Sa kotse ako ni Ali sumakay, ibang kotse naman ang gamit niya. Ang yaman naman nito.

" Nag uumpisa na ba silang mag trabaho doon?" Sambit ko habang pinapaandar niya ang kotse. Tumingin muna siya saakin bago inistart ang kotse.

" Yeah, pinaumpisahan ko na kaagad." Tumango ako. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si sierra. Sumagot naman ito, may naisip ako.

" Pwede bang ikaw ang makipag usap sa sekretarya ko? May gusto to sayo e, para mawala lang saglit ang stress niya, please?" Tumingin siya saakin at saka tumango. Ang bilis naman ata niyang pumayag.

Ni loud speaker ko ang cellphone ko at saka itinapat sa bibig ni Ali.

" Hello? Cerinna?" Nagtakip ako ng bibig ko ng nagsalita na si sierra. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

" Hello, sierra." Nanahimik ng saglit ang linya ni sierra. Siguro iniisip niya bakit iba ang boses na tumawag sa kaniya. 

" M- Mr. Melisande? Saan po si cerinna? May nangyari po ba sa kaniya?" Tumingin naman saakin si ali, may ibinulong ako sa tainga niya.

" Sabihin mo nagkamali ka ng dinial na number sa phone ko." Ngumisi siya ng umalis na ako sa tainga niya. Bumuga siya ng hangin at saka nagsalita.

" Sorry, nagkamali ata ako ng tinawagan sa phone niya."

" S- sir magkasama kayo ni cerinna? Kayo na ba?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya. Pupunta na sana ako sa tainga ni Ali para sabihin ang gagawin nito kaya lang sumagot na siya kaagad.

" Yes, we're together." Shit. Agad kong pinatay ang tawag kay sierra. Tinignan ko ng masama ang nakangisi na si Ali sa tabi ko.

" Bakit may media?" Sambit ko habang nakahawak sa kamay ni Ali at pababa na ng sasakyan niya. Ng makita nila kami, agad na nag flash ang mga camera nila. Hindi naman sila nakakalapit saamin dahil may line na hanggang doon lang sila.

" Hello!" Nakangiti kong bati sa mga media. Agad na yumuko ang iba at bumati, bakit ba nasa good mood ako ngayon?

" Ali, picture daw o! haha." Hinila ko si ali at saka kumaway sa mga media. Gusto pala nila ng picture na maikakalat edi gagandahan na namin. Ngumiti ako, hindi ko nakitang ngumiti si ali kaya lumapit ako sa kaniya at saka nilagay ang kamay ko sa mga labi niya para mag form ng smile.

" Let's go." Hinapit niya ang beywang ko at saka dumiretso na kami sa site na ito. May mga malalaking trucks nga na andito na at saka wala na din ang kaunting mga bato.

" Yan lang ba ang mga truck na andito?"

" May susunod pa."

Pinanuod lang namin ang mga truck na ito habang nag aayos sila dito. May mga flash padin ng camera, nakapayong din ako.

" You're sweating." Sambit niya. Ramdam ko na nga ang pawis ko. Pero hindi ko naman iyon pinansin.

" Pagkatapos ng mga ito, ano ang susunod na gagawin nila?" Tumingin saakin si Ali. Sabay kaming tumawa bago siya sumagot. Uminit ang pisngi ko.

" May mga lupa na dadating dito bukas, ipapatag na ito, pagkatapos ay uumpisahan na din ang mga paglalagay ng harang." Sambit ni Ali. Tumango ako sa kaniya at saka naglakad papunta sa lilim. Ang init na kasi.

" Bukas, presscon, mag ayos ka ng maganda bukas, my mom and dad wants to meet you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Gusto nila akong makita? Bakit?

Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Ali.

" W-why?, hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sambit ko. Ngumisi siya at saka ngumiti saakin.

" Akong bahala--, avril, aalis na kami, may presscon pa kami bukas." Kumaway si Ali sa mga media bilang pagbati na aalis na kami. Yumuko naman ako ng bahagya bago kumaway. Nauna akong pumasok sa kotse niya.

" Saan tayo?"

" Saan pa ba?" Sambit ko, nakarating kami sa opisina ko. Hindi na kami nagpakita pa kay papa, pinasabi nalang namin kay ate reese na andito na kami.

" What do you want to do?"  Sambit ni Ali habang nasa sofa ko. Nag aayos naman ako ng sarili ko. Nakatingin ako sa whole body mirror namin.

Nanlamig ako ng nakita ko si Ali na dahan dahang lumapit muna sa likod ko.

Hindi ako  nakagalaw.

" A- ali.." Hindi ako nakagalaw ng tuluyan ng inilapit niya ang distansiya  sa aming dalawa. Naramdaman ko ang mga maiinit niyang palad na gumapang sa aking beywang paharap.

Niyakap niya ako mula sa likod.

" I love you, Ms. La Valse."

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon