" Hello sir, welcome to La Melisande Hotel." Sambit ko. May nagaganap na party dito sa may pool area ng hotel, panay business man ang kasama ko, may babae naman na mga kasama pero iilan lang.
" This place is nice and comfortable, Ms. La Valse, napaka ganda ng project na to." Sambit ng lalaking kausap ko. Lumapit siya sa table namin ni Jackson, si jackson may kausap din na ibang businessman.
" Thank you sir, pinag isipan po talaga namin ang project na to."
" Iba talaga ang La Valse at Melisande mag isip." Ngumiwi ako. Yes, iba nga. Natotorete ang utak ko habang ginagawa ang hotel na to. Nakipag cheers siya sa iniinom niya, kaya naman tinanggap ko ito.
" Thank you sir, enjoy your stay here."
" You're welcome." Umalis siya. May mga secretary na nagkalat, mga secretary ng mga business man na nandito. Sinuot ko yung dress na binili namin ni jackson kahapon. Marami na rin ang nakapuri dito.
" Hello, Ms. La Valse, you're so pretty tonight." Sambit ng isang business man. Napaka lagkit ng tingin saakin ng lalaking ito. Hindi pa naman ito katandaan. At saka may appeal din.
" Thank you, you look good also."
" I like the place, i invited all my friends to stay here for while." Ngumiti ako kahit na naaawkwardan na. Lumalapit siya saakin.
" Nice, thank you for inviting them, sana kayo din, mag stay dito." Sambit ko. Pampalubag loob. Napansin ata ni jackson na kanina pa ako umaatras.
" Sure, if you want me to stay here, kung ganyan ka sexy at kaganda ang may ari ng hotel na to, why not?" Ngumiti ako. Magkatabi na kaming dalawa ngayon. Jackson, i need your help.
Patuloy ako sa pag atras. Napansin na ni jackson ang galaw ko kaya hinapit niya ang beywang ko at saka siya tumabi saakin.
" It's nice to see you, Mr. Buencamino." Sambit ng lalaking nasa harapan ko. Ngumiti si jackson, sila na ngayon ang magkatabi, nasa beywang ko padin ang kamay ni jackson.
" It's nice to see you too, Mr. Abrantes." Nagkamayan sila. Nakikinig lang ako dito sa tabi nila habang umiinom ng wine. Halata sa mukha ng lalaking kausap ko kanina na hindi siya kumportbleng nakalayo ako sa kaniya.
Nasa akin parin ang mga tingin niya kahit na si jackson ang nasa harap niya.
" Can i talk to Ms. La Valse for--"
" No, we have some important matters to do in the office later." Sagot agad ni jackson, mas lalong himigpit ang kapit niya sa beywang ko, hindi naman ako nasasaktan kaya ayos lang.
" Oh, really? Okay, gotta go." Ng nakaalis na siya ay binitawan na ako ni jackson, hinarap niya ako.
" Are you fine?, may ginawa ba siya sayo?" Sambit niya. Tinignan niya ako sa mga mata. Ngumiti ako.
" No, wala naman, hindi lang talaga ako kumportable sa tingin niya--"
" You should, he's a pervert." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya alam? Buti nalang nakita ako ni jackson kanina.
" Jackson, don't drink too much, okay?" Tumingin siya sakin dahil sa sinabi ko.
" I'm not, don't drink too much also, your father will kill me." Natawa ako sa sinabi niya. Bukas naman may party sa bahay, andon din si jackson, para naman yon sa success nga ng pagtatayo ng building, sa bahay na kami magse celebrate para hindi kami madumog ng tao.
" Hindi naman ganon si papa, magagalit lang."
Ilang oras ang nakalipas, nakauwi na ang ilan, maiiwan kami ni Jackson dahil hihintayin naming makaalis ang mga guests, hindi naman pwedeng kami ang mauna dahil hindi tama iyon.
" Thank you for inviting us, i'll call my friends and invite them also to try your hotel." Bineso ko ang isang business woman, kasama niya ang asawa niya. Sana all.
" Okay ma'am, i'll wait for you, thank you for coming." Nagpaalam na sila ng asawa niya. Napabuga ako ng hangin, paano kapag ganyan din kami ni Ali? Sa tingin ko, masaya yon.
" Alexandria..." Napabaling ako sa tumawag saakin. Wala ng mga bisita. Nagliligpit nalang ang mga tauhan dito. Masaya ako dahil may ilan ng naka check in dito kahit na kabubukas palang namin nung isang araw.
" Why? Are you drunk?" Tumawa siya at saka hinigit ang beywang ko. Pumasok kami sa opisina.
" I'm not, sinabi mong hindi dapat ako uminom ng marami, kaya sinunod kita." Sambit niya. Tumango naman ako, nakaupo kaming dalawa sa magkaiba naming upuan. Nanahimik kami ng ilang minuto.
Maya maya, pumasok si Eunice at Sierra sa opisina namin.
" Cerinna!, look! Viral ngayon ang litrato niyo ni Sir Jackson nung lumabas kayong dalawa." Pinakita samin ni Sierra ang ipod. Nakita ko nga iyon, nung magkahawak kamay kaming papasok sa mall, nung hinigit niya ang beywang ko, at nung kumakain kami at kinukuhanan niya ako ng litrato.
" Sino daw ang nagpakalat nito?"
Tanong ni Jackson habang nakatingin sa akin. Just like before when Ali and I met. Naissue din kami dahil sa mga photos." Nasundan kayo ng media, mga paparazzi ang mga yan, talagang gumagawa sila ng issue between you and Mr. Buencamino." Napatango ako. Hindi naman big deal to dahil talagang magkasama naman kami ni Jackson ng mga oras na yan.
" Dahil dito, madudumog nanaman kami ni Alexandria?"
" Yes, nagpatawag na po ako ng back up." Singit naman ni eunice. Bati na ata ang dalawang ito, dahil anjan naman na sila at magkasama.
" Good, Alexandria, baka hinahanap ka na ng papa mo, ihahatid na kita." Sa ibang sasakyan sumakay sila eunice at sierra. Naka lamborghini parin kami. Sa bahay niya daw ako ihahatid kaya pumayag ako.
" Jackson, what about tomorrow? Sa bahay ka na kakain ng gabihan, okay?" Tumingin siya ng saglitan saakin. Bukas may party.
" Okay, after that, may pupuntahan tayo." Tumango ako. Nakaramdam ako ng antok kaya naman sumandal ako sa may bintana ng sasakyan niya. Tumingin naman siya sakin.
" Are you tipsy?"
" I am." Umiling siya. Madali akong tamaan ng alak, kaya kinokontrol ko ang sarili kong uminom kung minsan.
" Gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo."
Makalipas ang ilang minuto ay nakaidlip pala ako. Nagising lang ako ng may naramdaman akong humalik sa labi ko.
" I love you, Ms. La Valse."
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceTotoo kayang kapag nagmahal ka, at na-attach ka sa taong iyon, mahirap mo siyang makalimutan? Totoo kayang kahit matagal na kayong nagkahiwalay nang landas ay may panahon na siya parin ang hanap-hanap mo? Mahirap nga namang makalimutan ang isang r...