27th: Copy and Nullify
A/N:
Mahaba-haba po ito. Magkakaibang POVs hirap kasi na one-sided yung paglay-out nung kwento. Sa mga malilito, malito lang kayo. Sorry na. :’(
Neways, malapit na matapos ang arc na ‘to. Malapit-lapit na lumabas yung bagong characters. Tiwala lang guys, lalabas din character niyo. Kaya magcomment naman kayo. Yung motivating. These past days kasi nabablanko ako sa iuupdate kaya sobrang tagal ng bawat update eh. Then busy din nung nakaraang mga araw. Kaya magcomment po kayo! Haha.
Gaven’s POV
Kanina pa ako naiirita sa kakenkoyan nung Air Manipulator. Nagmamake face pa siya sa akin habang nag-uusap sina Ice at yung leader nila na may kulay white na buhok na panglalaki ang gupit. Mukhang masungit at controlling ang aura niya. Nakakatakot.
Sa pagtitig ko dun sa leader-kuno nila hindi ko na namalayang naglalaban na sina Ice at yung may pulang buhok. Binabato nung redhead si Ice ng mga fireballs?
“Ang galing ni Sera hindi ba?” napalingon ako sa nagsalita at nakitang nakahawak pa sa baba yung mahangin at patangu-tango pa.
“Psh. Mas magaling kaya si Ice.”
“Sera!”
“Ice!”
Habang busy kami sa pagsisigawan kung sino ang mas magaling sa dalawa ay napalingon naman yung mahangin sa gawi nina Ice.
“Wiiiiwiiiiit!” pagsipol niya.
Paglingon ko bigla na lang akong napatakip sa aking mga mata. Ow. My virgin eyes.
Si Ice nakatwo piece na color black!
“Wag niyo nga bastusin si Ice!” sigaw ko at nagteleport sa tapat nung mahangin.
I punched him right in the face bago siya sinipa sa tiyan. Served him right.
“Aray! Madaya ka! Hindi ako ready!” sigaw niya na hawak-hawak ang mukha.
Nagteleport naman uli ako sa likod niya bago siya sinipa ulit sa likod. Tumilapon na naman siya sa kabilang kalsada.
Hmm. May naisip ako.
Bago pa siya nakatayo ay muli akong nagteleport sa harapan niya at hinawakan ang leeg niya. I feel something coming inside me the moment I touch him. Saka ko ulit sinipa siya sa sikmura.
“Nakakailan ka na.” seryosong saad niya habang pinapahid ang bahid ng dugo sa may labi niya.
Inilahad niya ang mga kamay matapos makatayo ng tuwid. Ang mga dilaw niyang mata ay animo’y nagliliwanag kasabay ng pag-ihip ng hangin. Palakas ng palakas.
“Ako naman.” Sabay ngiti niya ng nakakaloko.
Unang bigwas niya ng mga braso ay bumayo sa akin ang napakalakas na hangin. Napasalag ako ng aking mga braso para pigilan ang impact nito at hindi agad ako matangay.
Pangalawang bigwas ng braso niya ay mas lalo pang lumakas ang hanging umiihip sa kinatatayuan ko. Naman! Hindi ko agad magamit yung reiki niya!
Nang hawakan ko siya I already copied his reiki. Pero dahil baguhan pa ako at hindi ko pa naman alam masyado kung paano magswitch sa mga nacopy kong reiki I have to revert back to my normal copying state. I now possess my grayish blue eyes.
Pinikit ko ang mata ko at inisip na gamitin ang air manipulation niya pero hindi ako makapagconcentrate. Ang lakas ng hangin!
“Mahangin ka!” sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Fiksi IlmiahSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...