23rd CHAPTER: Final Encounter

362 17 1
                                    

 A/N:

Seryoso? 4.7k reads na? YAY! 

New cover po tayo ng GRN Salamat sa aking butihing matalik na kaibigan na si @Mr_Sarcastic para sa cover. ^^

Basa na po. :)

Jiro’s POV

Sh*t. Ang sakit pa ng katawan ko. Halos di ako makabangon. Medyo sinisipon rin kasi ang lamig kagabi pero basang-basa kami ng umuwe.

“Hatchoooo!”

Si Gaven na balot ng kumot. Nandito kami sa may fire place. Medyo maaga pa naman kaso kailangan na naming pagplanuhan ang mga gagawin. 

“Ang lamiig! Rin payakap!” si Chase. Loko to ah.

“Yakap mong mukha mo!” at binato siya ni Rin ng isang pillow.

Kahit mukhang napahamak talaga kaming lahat hindi mawawala ang pagiging light ng mga kasama ko. Nakangiti lang din sina Ice at Ayu habang nakatingin sa nagkukulitang sina Chase at Rin. Si Gaven mukhang sinipon ah. Teka di naman siya nabasa? Nilipad siya ng hangin? Bakit kasi di siya nagteleport.

Tumayo na ako kahit iika-ika pa. We haven’t eaten yet kaya dapat siguro magluto na ako. Medyo may alam rin naman ako kahit papaano sa pagluluto.

“Hey Jiro, where are you going?” pansin ni Ayu.

“Kitchen. You want some crab and corn soup?” tanung ko sa kanila.

“Hey I’m coming with you.” Si Ayu at tumayo na rin. Tumango naman yung iba sabay ngiti.

“Sige. I’ll just prepare it. Pakiantay na lang guys.” Sabi ko at nginitian sila.

Nagtungo na nga kami ni Ayu sa kitchen at inihanda ang mga kakailanganin sa pagluluto. Tinutulungan naman ako ni Ayu sa pagreready ng ingredients.

“Anung iniisip mo? Kanina ka pa kasi tahimik eh.” Pagbasag niya sa katahimikan.

“Ah wala. Medyo nahihilo lang kasi kanina. But now I’m okay.”

“Wag mo na pakaisipin yung nangyari kagabi. Pare-parehas lang tayong walang nagawa. I wasn’t able to shut down their reiki because I’m in shock. Nagulat lang ako sa ginagawa nung dalawa.” Sabi niya habang naghihiwa ng sibuyas.

Nailagay ko na ang egg sa tubig at inihanda na rin ang crab meat. Inantay ko na lang magboil. Nalagay ko na ang corn kernels.

“Hindi ko naman iniisip yun. Tama ka naman na nashock tayo sa kanila at talagang kailangan nating pagplanuhan ang next move natin. Siguro pahinga at pagpaplano muna ang gawin natin ngayon.” Sabi ko.

Nanahimik na naman sa kusina.

Isang air manipulator at isang water manipulator yung nakaharap namin kagabi. Then Chase said na electric manipulator yung Stan. So the basic elements? Very cliché na nagsasama sila as one group.

Matapos ang niluluto namin ni Ayu ay nilagay na namin sa mga bowls bago dalahin sa kanila ng nakatray.

“Hope you like it.” Sabi ko at nginitian sila.

“Sarap naman nito. San mo natutunan to?” tanung ni Gaven.

“Kay Sister Anne. Yung nagbantay sa amin sa ampunan.” Sabi ko at napatahimik dahil sa namimiss ko na nga si Sister Anne. Kumusta na kaya siya? Ang ampunan kaya?

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon