33rd CHAPTER: Pajama Party (For Girls' Only); Demon's Lair Prologue
Rin's POV
Tahimik akong naglalakad sa lobby ng Main Building. Pabalik na ako sa dorm namin. Galing kasi ako sa City para bumili ng chips at snacks. Maggigirls' night out kami sa kwarto.
Kasama ko kanina si Raishell kaya lang nagpaalam siya na may nakalimutan siyang gawin kaya ako na lang mag-isa ang namili nitong mga snacks at chips. Ilang araw na rin mula nung pumasok si Raishell dito. Nagulat nga din ako sa pagpasok niya.
Telepath din siya. Kaya siguro blanko ang isip niya or she must be doing something para di ko siya mabasa. Pero may telekinesis din siya. A manipulator reiki. Kaya siguro naclassify siya as Specialist kasi dalawang reiki classification ang kanya. If telekinesis lang she would've gotten into the Manipulator Class.
"6th Floor please." Sabi ko matapos makapasok sa elevator. Well nasasanay na ako sa kakaiba at masyadong advance na technology dito. Yung mga pasulput-sulpot na hologram images, yung sudden ID calls, kakaibang announcements, 'touchscreen' screens, at kung anu-ano pa.
Sa tinagal namin dito, di na ako masyadong nagugulat sa mga kakaibang nangyayari. May mga maaangas na labanan sa RBG, kakaibang subjects, mas kakaibang way of teachings, at pinakakaibang mga professors.
May time sa history class na hindi na namin pinagtutuunan ang history ng GRN dahil pinagbibigyan ni Ms. Asama ang mga requests ni Gaven. That childish jerk. Napunta tuloy kami sa world of dinosaurs dahil one time gusto niya daw makita yung history ng mga yun. And since history din yun, which is Ms. Asama's specialty, with the help of her Projection Eye reiki ay nadala niya kami sa age of dinos. Not to mention the breath-taking scene nang ngumanga sa amin yung isang Tyrannosaurus Rex. Daig pa namin ang nasa 4D theatre. More of parang totoo talaga.
Then sa physics class naman, medyo nahahaluan na namin ng paggamit ng reiki yung mga lessons ni Sir Shou. Telekinesis nga pala ang reiki niya. At siya ang top manipulator nung mga panahong nag-aaral pa siya.
Bumukas na ang elevator at dali-dali na akong nagtungo sa kwarto ni Ice dahil dun kami magna-night-out. Night-out nga ba eh nasa loob kami ng kwarto? Ah basta.
Kumatok na ako nang marinig ang hagikhikan nila sa loob.
"Pasok!" si Ice.
Pagpasok ko nakita kong nakaIndian sit sila sa ibabaw ng kama ni Ice. Nakapantulog nga pala kami. Napatakip naman ako ng bibig ng marealize ko yun.
"Kayo ha! Di niyo man lang pinaalala na nakapantulog lang ako kanina! Lumabas ako papuntang City ng ganito ang suot!" ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hiya.
Tapos naghalakhakan lang silang dalawa kaya binato ko ng unan mula sa couch na nasa gilid. Nagpillow fight kami.
"Dapat nakita mo yung mukha mo kanina! Priceless Rin!" sabi ni Ice sa pagitan ng tawa at hampas ng unan.
"Ang pula-pula ng mukha mo Rin! Parang yung time nung tinatawag kang 'mahal ko' ni Chase!" hirit din ni Ayu sabay ng pagtawa.
Lalo naman akong nakaramdam ng pamumula sa sinabi niyang yun. Ugh. That jerk!
Tumigil na kami sa paghahampasan at unti-unti nang humupa ang pagtawa. Nagsimula na kaming magkuwentuhan ng mga naganap noong nakaraang araw. Kitang kita naman ang pag-iiba ng mood ni Ice nung napag-usapan yung tungkol sa bestfriend ni Gaven. Natatawang tinanong namin siya kung may gusto ba siya kay Gaven.
"HELL NO! Ano ba naman kayo? I'm just pissed that moment okay? Saka parang hindi niyo naman, lalo ka na Rin, naranasan ang pagiging maldita ko when you first saw me. " sabi niya.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...