36th CHAPTER: New Orders

25 1 0
                                    

36th CHAPTER: New Orders

Rin’s POV

Naalimpungatan ako sa kaluskos na narinig. Pupungas-pungas pa akong bumangon para malaman kung saan galing ang mga tunog na iyon. Dagli akong napatayo nang makita ang isang hologram image na nagproject mula sa kung saan.

*ALL STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE AUDITORIUM.*

Hindi pala kaluskos kung hindi static ang narinig ko kanina. Agad kong tinungo ang banyo para maligo at makapaghanda na sa pagpuntang auditorium. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naaalalang hindi ako napili para sa misyon. Tatlo lamang ang kinailangan doon at ibinase ang pagpili sa performance sa Battle Training noong nakaraan.
As usual, nangunguna si Ice. Ibang klaseng agility at tact ang ipinakita niya noong Training. Hindi ko maiwasang mainggit dahil bihasa na siya sa paggamit ng kanyang omniscient reiki.

I was stunned when I heard that Chase and Gaven got the second highest score. Well, aside from the fact that those two were not as serious as I was back then, the fact na magtie sila ay talagang nakakagulat. I can still remember their funny fist bump gesture when they heard it from Ms. Sato.

Nagpupunas na ako ng buhok nang marinig na may kumakatok sa kwarto ko. I immediately open the door and saw Raishell.

“Hi, pinapatanong ni Jiro kung ready ka na? Sabay-sabay na daw tayo pumuntang auditorium.” Sabi nito.

“Give me a sec.” sabi ko at nginitian siya. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakarating kami sa lobby at nakita si Jiro at Ayu na nag-uusap.

“Where are the others?” agad kong sabi dahil walang maingay na sumalubong sa amin. Agad naman akong napatakip ng bibig nang makita ang nagtatakang mukha nila.

“Oh, crap. I forgot. May mission nga pala sila.”

Iiling-iling na ngumiti sa akin ang dalawa. Agad ihinook ni Ayu ang braso niya sa akin at sinabayan akong maglakad. Papunta na kami sa elevator nang bumulong siya.

“You miss him?” nilingon ko siya at nakangiti siya ng nakakaloko.

“Yes? What—no. Who?” naguguluhan kong sagot ngunit alam kong alam niya kung sinong tinutukoy ko.
She laughed.

“You’re so cute Rin pag si Chase na ang usapan.” I hushed her as we walk our way to the auditorium.

May designated places ang bawat Class sa napakalawak na auditorium. The air inside is cool and refreshing. I don’t know how they do it but its not the typical air-conditioned room feeling. More like a natural cool wind is blowing all over the room. Nakita ko pang kumaway sa akin si Eli from the side of the Enhancers bago kami naupo sa part namin.

Maraming tao. And I try my best not to be overwhelmed by their thoughts. These past weeks, I’ve been training to improve my telepathy. I don’t know what the extent of my reiki was but I’m sure I was improving. Nakakayanan ko nang makontrol na hindi magslip sa utak ko ang mga thoughts ng maraming tao. Gaya ngayon.

Buong student body ang pumunta. Maraming nagbubulungan ng kung anu-ano pero hindi ko na binigyan pa ng atensyon ang mga ito. Ang pagkakaalala ko, founding anniversary week ngayon at may mga sets ng program na nakalaan to celebrate it. Pero wala sa schedule ang meeting na ito with the student body.

*”You’re wondering what this is all about?”** hindi ko pa rin maiwasang magulat sa tuwing gagawin ni Raishell ito. Ang makipag-usap sa akin telepathically.

*”Yeah. Wala kasi ito sa schedule natin. I don’t know.”** I answered her.

Lumingon ako sa kanya at nakikipag-usap siya kay Jiro. Katabi ko si Jiro sa right at siya naman sa left. Then nasa right ko si Ayu. I wonder how she does that. Talk with Jiro and communicating with me telepathically.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon