34th CHAPTER: Diversions
Ice's POV
"Ice! Watch your back!" rinig kong sabi ni Gaven at mabilis na naiteleport ako palayo sa kalaban ko.
"Ugh! Bitiwan mo ko!" angil ko sa kanya.
"Pero kita kong titirahin ka niya ng supersonic waves!"
"Akala mo ba hindi ko alam 'yon?!"Chance ko na yun para matalo siya!" halos masabunutan ko na siya sa sobrang inis.
"Uhm. Sorry! GTG!" at nawala na nga ang walanghiya.
That guy! Hindi na lang asikasuhin yung kalaban niya na ngayon ay pinagtutulungan si Chase.
Three-man team kaming pinalabas sa GRN para sa misyong 'to. Tatlo lang naman kasing Reiki user ang kailangan naming masupress para madala sa Academy. Dalawang winged man. I assume na makakasama sila sa Transmuter class. Isang enhancer type reiki user. Siya yung kalaban ko. Naeenhance niya ang boses niya para maging supersonic waves.
"Malapit nang magunaw ang mundo!" parang nababaliw na sabi nito.
"Hell I care! Bakit kayo nanggugulo? Bakit kayo pumapatay ng mga kriminal?" sabi ko.
Sabi ng mga Intel na nakalap ng GRN, napakamisteryoso nang pagkamatay ng mga preso sa ilang lugar sa Maynila. Basta-basta na lamang ang mga ito nakikita sa selda na walangbuhay. Ang malala pa, napakabrutal ng kanilang pagkamatay. You can never imagine a human being reduced to shreds of meat. Gross.
"Kailangan ng paglilinis! Alisin ang mga masasama para sa kaligtasan ng mga mabubuti." Iyon lamang at akmang magpapakawala ng supersonic waves.
Hindi na ako nagsayang ng oras at nagdive ako papunta sa kinaroroonan niya at mabilisang sinuntok siya sa sikmura. Hindi na siya nakasigaw dahil agad kong nahanap ang pressure point sa leeg niya at nawalan na siya ng malay.
"Guys, I'm done—"
"Kanina pa kami tapos." Nakangising sabi ni Chase at dala nga nilang dalawa yung kambal na anghel sa balikat na parang mga sako ng bigas. "Balik na tayo sa GRN. Nagugutom na ako." Dagdag pa niya.
-------
Napapaisip na naman ako sa mga narinig ko mula sa baliw na transmuter na yun. Para bang may masama ngang mangyayari.
"Malapit na tayo." Sabi ni Chase na siyang nagdadrive ng sasakyan.
Nakita ko na muli ang gate ng Academy na kung titingnan ng mga inactives ay para lamang normal na gate ng isang university. Nagswipe na si Chase ng kanyang ID para makapasok kami pero hindi bumukas ang gate.
"Hala. Bakit ayaw gumana?" nagtatakang tanong niya.
"Let me try mine." Sabi ni Gaven at lumabas ng van para magswipe ng ID niya. Napabalik siya kaagad at umiling-iling. "Identification not found daw. Ano ba ang nangyayari?"
Lumabas na ako at pumunta sa gate. Nilabas ko ang ID ko at iniswipe ito.
*ERROR. IDENTIFICATION NOT FOUND. SECURITY PROTOCOL WILL ENGAGE IN 20 SECONDS*
What the heck! Dali-dali akong tumakbo pabalik ng van at inutusang patakbuhin agad ni Chase ang sasakyan palayo sa vicinity ng Academy. Di pa kami nakakalayo ay nakita ko na nga ang security holograms na nagconjure ng mga lasers na unti-unting lumalapit sa amin.
"Faster Chase! We'll be severed to pieces pag inabutan tayo ng mga lasers na yan." Sabi ko at talagang kinakabahan na sa mga nangyayari.
"Kumapit kayo! Hindi tayo aabot. I need to do this!"
"What—"
Di ko na naituloy ang sasabihin nang may parang vortex na nagbubukas sa harapan ng van. In a matter of seconds ay nahigop kami neto at napadpad kami sa isang highway.
"Whoah. Chase paano mo yun nagawa?" gulat na sabi ni Gaven. Maging ako ay nagulat sa nangyari.
"Easy—" yun lang at muntik na kami makasagasa kung hindi ko agad nahawakan ang manibela. Nasa bullet seat ako at inutusan kong ilipat ni Gaven si Chase sa tabi niya.
"He's exhausted. Malamang naubos niya ang reiki pool niya dahil sa pagbubukas ng dimensional rip." Kalma kong tugon at ipinagpatuloy ang pagdadrive.
"Ano bang nangyari at bakit di tayo papasukin sa GRN?"
"Yun din ang hindi ko maintindihan Gaven. Masama talaga ang pakiramdam ko sa mga nangyayari." Sabi ko.
Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive at hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang toll gate. Alam ko na kung nasaan kami. We're in a highway going to the East District.
"Hey, Ice. Saan na tayo pupunta? Hindi ko macontact sina Jiro. Mukhang naoffline na 'tong ID ko." Si Gaven.
Kinuha ko nga ang ID ko at tama nga siya nang sinabi. Offline na ito at wala nang silbi.
"We have a resthouse sa East. Doon muna tayo pansamantala habang inaalam pa natin kung ano ba talagang nangyayari sa Academy."
"How about those three?" turo niya sa tatlong captives na nakatali sa likod ng van. Matagal pa bago magkamalay ang mga 'yon dahil sa ginawa namin.
"We'll try to bring some senses to their minds when they wake up."
Malapit na kami sa resthouse nang biglang nagkamalay si Chase.
"Guys, this is bad!" Agad niyang sinabi pagkagising.
Napahinto agad ako ng sasakyan dahil sa narinig.
.
My dad. He's been forced to resign as president of GRN.
------------------------------------------------------------------------------
A/N Welcome back El-El the author! HAHAHA. JK. So ayon eto na ang update na inabot nang ilang years. Pasensya na po. Buhay estudyante si ako nung mga nakaraang buwan. Hirap kaya ng Engineering aba. Pasalamat nga kayo. Nagbalik pa si ako. Kid!!!
Onga pala. Dun sa mga nag-eenroll pa. pasensya na di ko pa po maeentertain yung form niyo. Masyado po kasing magulo pa ang mga nagaganap sa akin ngayon at kinailangan talaga nang matagal na kumbinsihan bago ako makaupdate. Yung Dear Jasper sana ang uunahin ko tapusin since mga 10 chaps lang siya pero siningit ko na muna 'to.
Dami ko na dada. Happy 22K+ reads nga pala! *sabog confetti*
See you next update!
Read. Comment. Vote.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...