28th CHAPTER: Vanished. Forever.
Chase’s POV
“AYU! YOU HAVE TO GET THAT DEVICE FROM HER! PAGPININDOT NIYA YUNG RED BUTTON MAGTITRIGGER YUN NG SELF-DESTRUCT SEQUENCE NA KIKITIL SA BUHAY NG MGA KASAMAHAN NIYA!” gulat na nilingon ko ang gawi ni Jiro matapos marinig ang sigaw niya.
Ano? Papatayin ang mga dating kasama ko?
“You know about all these Stan? Alam mo ba ang lahat ng ito?!” di ko na napigilang sumigaw. Sa kabila ng pagod dahil sa walang tigil na palitan namin ng suntok ni Stan at makapigil-hiningang paggamit ng reiki ay patuloy pa rin akong nakatayo. Hindi dapat ako sumuko.
“Oo Chase. Alam ko. Alam ko ang mangyayari kapag nakipag-alyansa kami sa kanila.” Madilim pa rin ang mukha ni Stan habang hingal na nagsasalita. “Alam ko ang lahat ng ito.”
“Sila? Sinong sila? Wala kang kwentang kaibigan sa kanila Stan! Hinayaan mong malason ng mga sinasabi mong ‘sila’ ang utak niyo!”
“Anong karapatan mo para pagsalitaan ako ng ganyan Chase?! Ano?! Simula nang iwan mo kami, simula nung araw na gumising na lang kami na wala ka na sa tabi namin, inalis mo na ang karapatang mong maging kaibigan o kuya namin Chase!” umiiyak na tugon niya.
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Ako ang tinuring nilang kuya.
“Alam mo ba? Araw-araw umiiyak si Mist noon. Araw-araw niya akong tinatanung kung nasaan ang Kuya Chase niya. Pero ano? Wala akong maisagot sa kanya. Wala. Dahil hindi ko din alam!” garagal na pagpapatuloy niya.
“Sabi ko na lang noon sa kanya na “Mist umalis lang si Kuya Chase, babalik din siya. Kailangan niya muna kasing magtrabaho sandali.” Yun ang sinasabi ko sa kanya dahil ayaw kong magalit siya sa’yo. Ayaw kong imulat sa kanya maging kina Terrence, Klu at Sera na iniwan mo na kami.” Patuloy na tumutulo ang luha niya.
“At si Terrence? Hindi ba sinabi mo sa kanyang wag niyang katakutan ang hindi niya pa nakikita? Na wala dapat siyang katakutan dahil palagi kang nandiyan para sa kanya. Nakakatawa pero magmula nung iwan mo kami mas lalo siyang natakot sa mga bagay na hindi niya nakikita. Mas lalo siyang nasadlak sa kadiliman.” Pinahid niya ang luha sa mga mata gamit ang braso niya.
Nagsimula na ding tumulo ang aking mga luha. Kasalanan ko lahat ng ito. Kasalanan ko.
“Si Klu? Naging malungkutin siya simula ng umalis ka. Hindi na siya yung dating Klu na makulit at palatawa. Yung Klu na hyper lagi at mataas ang energy. Nawalan na siya ng gana sa lahat. Alam mo bang binalak pa niyang kitlin ang buhay niya? Pero pinigilan ko siya. Pinigilan ko siya. “ lumuluha pa rin siya.
“Si Sera? Siya lang ang nagpakatatag noon. Chase, may isip na si Sera noon. Hindi ko na siya magawang imulat sa mga kasinungalingan. Lagi niyang sinasabing umalis ka na at iniwan mo na kami. Na hindi ka na talaga babalik dahil sawang-sawa ka na sa amin. Yun nga ba Chase? Iyun nga ba ang dahilan ng pag-iwan mo sa amin? Dahil pagod na pagod at sawang-sawa ka na sa amin? Sabihin mo!”
Nakatulala pa rin ako. Ano nga bang dahilan ng pag-iwan ko sa kanila? Ano nga ba?
Isang malakas na suntok ang natamo ko. Napatilapon ako sa mga basurahan. Bago pa ako makabangon ay nakaramdam ako panginginig sa katawan. Ilang boltahe ng kuryente ang tinamo ko galing kay Stan. Dapat lang sa akin ito. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkaganito.
Nakailang suntok pa siya at sipa sa akin. Hindi ko na nagawa pang lumaban. Hindi dapat ako lumaban.
“Kuya Chase. Tingnan mo si Bubbles oh, namimiss ka na niya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/25412535-288-k508784.jpg)
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...