A/N:
Hello po! Ang galing 3.4K reads na siya. Comment naman po kayo. Salamat!
Chase’s POV
Naging napakahaba ng araw namin kahapon. At ngayong araw na nga ang last day namin dito sa GRN before we set off for our very first mission. Kinakabahan na ako. I never thought na mapapasabak ako sa ganito. Sana walang mangyaring masama. Sana hindi kami mapahamak. Lalo na si Rin.
Paano kung… No hindi nila malalaman. Ayokong malaman nila. Matagal na yun at kinalimutan ko na. Tama. Walang kaugnayan sa akin ‘to.
Sinong niloko ko? Fvck! Niloloko ko lang ang sarili ko. Sunog after the robbery? Hindi maipaliwanag na terrain movement na dahilan ng pagkasira ng pundasyon ng banko? Brownout ba lagi? No it was not coincidence. They’re doing it again. I never thought na magagawa pa nila ulit ito. I left them thinking that I’m the one responsible sa pagkapariwara nila. Akala ko pag iniwan ko sila hindi na nila maiisip gumawa nun. Hindi na nila maiisip na gawin ang mga bagay na ako mismo ang nagturo sa kanila. I was wrong. Damn wrong.
Napapakuyom na lang ako na palad at napapasuntok sa pader ng banyo habang patuloy na dumadaloy ang tubig mula sa shower. Naghahanda na ako para mamaya. Sa huling araw.
Natapos na ako sa paliligo at wala sa sariling isinuot ang pe uniform na kailangan para sa training. Kinuha ko na rin yung weapon na binigay sa amin ni Sir Cross mula sa WEW.
7:59
Maaring andun na sila. Better not to be late. Inisip ko ang lugar kung saan kami dapat magtraining ngayon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
.
.
Nandito na ako sa tabi ni Rin. I need to wear my mask again.
“Hi!” masiglang bati ko sa kanila.
“Musta Mah- Rin!” at ibinaling ang paningin sa kanya.
Sinamaan lang niya ako ng tingin at muling bumaling sa ngayo’y nasa unahan na namin na si Ms. Sato. Ang cute niya talaga.
“Oh Chase akala namin di ka na dadating ah.” Si Gaven.
“Haha. Ah eh medyo natagalan lang sa panliligo.” Kamot ulo kong tugon sa kanya.
“Anung ginawa mo ha?” at tiningnan niya ako na para bang may kung ano akong masamang ginawa. Teka hindi yun ang ibig niya sabihin.
“Hoy wala ah. Nalate din kasi ako ng gising!” tugon ko sa kanya.
“Okay sabi mo eh.” At iniwanan pa ako ng makahulugang tingin at ngiting demonyo bago ibinaling ang tingin sa nagsasalitang si Ms. Sato.
Napabuntung-hininga na lang ako.
“Today’s your last day before you take your first mission. So let’s make this day a wonderful one? Gawin nating kapaki-pakinabang ang araw na ‘to to prepare you for your upcoming mission tomorrow. So let’s start?”
Nagsimula na nga kami sa battle commencement. Una may mga virtual and 3D na mga goons ata kasi mga mukhang sa mga action movies sila. Pare-pareho ang itsura na nakablack na suit at may tie pa tapos may black na sombrero. Yung sombrero na parang kay Reborn ng Katekyou Hitman Reborn? Yung pangmafia? Ok. Mukhang gets niyo na. Sila daw ang pagpapraktisan namin nitong mga weapons namin. Generated daw ng room na ito ang mga yun. Ang high-tech lang talaga.
Sh*t!. Muntik na ko masuntok ng isang yun ah. Buti na lang I teleported next to him at walang pakundangang iginilit sa kanya ang hawak kong knife. I never hesitated killing him cause I know na computer-generated lang sila. But hindi ko masusure kung magagawa ko ‘to pag totoong tao na. I’m an expert—oh nevermind.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...