32nd CHAPTER: Meeting New "Old" Friends

214 16 3
                                    

32nd CHAPTER: Meeting New "Old" Friends

Jiro's POV

"Tara na Jiro?" nakangiting inilahad niya ang kaniyang kamay para yayain na akong lumabas para maglunch. Katatapos lang ng aming klase sa Logic.

"Ah sige." Naiilang pa ring inabot ko ang kamay niya at tumayo na ako sa kinauupuan.

Nagbitaw naman agad kami ng kamay nung makapasok na sa elevator.

"Tagal niyo." Simula ni Gaven.

"Sorry." Nahihiyang tugon niya.

Hindi ko pa rin maabsorb sa isip ko ang mga nangyari kahapon. I am still in the state of shock. Hindi ko akalaing may reiki din siya. Funny part was, it was classified same as our reiki's. Bakit hindi ko alam? Or the question is, dapat ko bang malaman?

Hanggang nakarating na kami sa usual place naming kinakainan ay tulala pa rin ako. Hindi ko kasi lubos maisip na papasok siya rito. I should be happy right? Dapat masaya ako hindi ba? Pero I'm still bothered.

She's a telekinetic and a telepath like Rin. Yun ang sabi niya sa amin nung tinanong siya ni Ms. Sato sa klase kanina. Being a telepath is special. Kaya hindi ito maaring iclassify as Enhancer, as what other people may think because of the enhanced capabilities of the brain, still, napakacomplicated ipaliwanag ng extent na magagawa ng isang telepath.

According to my research, bukod sa kaya nilang makipagcommunicate telepathically, the ability to restrict movements by the power of the mind, marami pa itong magagawa. At some extent, mind control is possible, and like what my psychometry can do, a telepath can tell what happened in a place, reading the past, with more control than psychometry.

With the use of technology, a telepath may also be able to mass control minds of people around the world. Which is very creepy and for me, threatening. With that, there's no doubt that Rin is a Specialist.

What more if you're gifted with the ability to manipulate objects mentally? Its like Jean Grey and Professor Charles Xavier had a daughter. Just forget about the age conflicts. And she's the lucky girl. The girl that I love.

"Hindi mo pa iniibo ang pagkain mo." Napabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses niya. That same voice. Walang pinagbago. Very caring and melancholic voice of her.

"Nagspaspace out ka Jiro. Por que andyan si Raishell eh." Rinig kong pang-aalaska ni Gaven. Sinaway naman siya ni Ice.

"Oo nga couz. You should be happy. Hindi ka na mag-aalala sa kalagayan niya." Nakangiting tugon ni Rin.

Napatahimik na lang ako.

"Oh malapit na ang next subject. Let's go?" pag-aya ni Chase. Nagsitayuan naman sila kaya napatayo na rin ako.

Nagsimula na kaming lumakad pabalik sa Main Building. Nangunguna si Gaven then sa likod niya si Ayu at Ice tapos nasa unahan namin si Rin at Chase. Sinabayan ko siya sa paglakad.

"I'm sorry." Rinig kong sabi niya. Napalingon ako sa kanya at nakitang nakayuko siya.

"For what?"

"For not being honest with my true self. Dapat nung sinabi mong psychometrer ka, I should've said my abilities too. But naghold back ako. I'm scared. Natatakot ako na baka pagsinabi ko sayo ang kakayahan ko magbago na ang tingin mo sa akin." Maluha-luha niyang pagpapaliwanag.

Patuloy pa rin kami sa paglakad.

"Well, hindi na ako nagulat. Now I know kung bakit natanggap mo agad na may kakaiba akong nagagawa that time. Kung ibang tao siguro pagsasabihan ko nun, baka mahimatay lang or worse pagtawanan pa ako at sabihang baliw." Natatawang tugon ko. "Don't worry about it. Nagulat lang ako." Sabi ko at ipinatong ang kamay sa ulo niya bago medyo ginulo ang buhok nito.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon