Third Person's POV
Kadiliman.
Katahimikan.
Kaguluhan.
Kalungkutan.
Ngunit hindi kakikitaan ng katiting na Kapayapaan.
.
.
.
.
.
Naging madilim ang kalangitan. Walang buhay na hinihipan ng matamlay na hangin ang mga puno. Maraming usok sa paligid. Sira na halos ang lahat ng makikita. Wala ng buhay na natitira.
.
.
.
.
Anim na kabataan ang nakahandusay sa iba't ibang parte ng kalupaan na nagmistulang kalupaan ng kapighatian at kalungkutan. Mababanaag sa kanila ang pagkapagod at masisilayan sa kanilang mga sugat ang naging resulta ng animo'y digmaang naganap. Natalo sila. At wala ng pag-asa.
.
.
.
.
.
"KATAPUSAN NIYO NA!!!", sigaw ng isang babae. Ang halos pagal na ding boses nito na nagpapahiwatig na malapit na rin siyang tumumba.
.
.
.
.
.
.
Umihip ng malakas ang malamig na hangin. Nagngangalit ang mga kulog na sinasamahan ng pagkislap ng mga kidlat na gumuguhit sa malaabong kalangitan. Bumuhos na ang ulan na animo'y di na kinaya ng mga ulap na tanganan pa ito. Sa bawat pagpatak unti-unting nawawalan ng pag-asa ang anim na ngayong sama-sama nang hinarap ang pasimuno ng digmaan.
.
.
.
.
.
Kumumpas ang babae. Halos ikabuwal naman ng anim ang bawat pagbayo ng malakas na hangin sa kanila. Ngunit naging matatag sila.
.
.
.
.
.
.
.
"Salamat sa pagiging mabait niyong mga estudyante subalit dito na magtatapos ang lahat.", malungkot na turan ng babae na ngayong lumuluha na. Sumisilay ang malademonyang ngiti nito sa maninipis nitong mga labi na may bahid na rin ng dugo. Unti-unti niyang itinaas ang dalawang kamay na hudyat ng katapusan ng lahat.
.
.
.
.
.
"HINDI PA KAMI MAMATAY! HINDI PA NGAYON! HINDI KAILANMAN!", sabay sabay na turan ng mga kabataan na ngayong magkakahawak ng kamay sa kabila ng kahabag habag na histura ng mga ito.
.
.
.
.
.
Naging masalimuot ng mga sumunod na nangyari.Sa isang kumpas ng babae'y lumiwanag ang paligid. Nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kalupaan.At pagdilat ng babae'y gumuhit ang isang makahulugang ngiti.
"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA!!!"
--------------------------------------------------------------------------
Read. Comment. Vote.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science-FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...