13th CHAPTER: The Split and Shock

399 28 2
                                    

 A/N:

Here's 13th Chapter!!! 

Third Person’s POV

Hindi mo na ko mapipigilan.

.

You’re not strong enough to chain me here.

.

Nawawalan ka na naman ng control.

.

Masyado kang mahina.

.

Hayaan mong ako na muna.

.

Ako na muna ang magtatake ng control dahil ako naman talaga ang may kakayahan.

Yan ang mga salitang patuloy na naririnig ni Ayu. Nasa kadiliman siya. Walang matatanaw na kahit na anumang liwanag. Malawak na kadiliman. Nakakabinging katahimikan. Na patuloy namang binabasag ng isang tinig na lubhang pamilyar sa kanya. Ang tinig niya.

“Hindi. No. You’re not doing it again. I won’t let you.” Garagal niyang sabi.

Takot na takot siya ngayon. Ayaw na niyang maulit muli ang nakaraan. Isang nakaraang nagdulot ng isang malagim na pangyayari.

As if namang mapipigilan mo ko?

Mahina ka pa rin gaya ng dati.

Kaya ka nga naaapi di ba?

Kaya mo nga ipinaubaya sa akin ang lahat noon di ba?

.

“No! Hindi! Niloko mo ko! Sabi mo—“ nagsisimula na siyang umiyak. “S-sabi mo tutulungan mo ko! Pero hindi! You fooled me!” sabi niya na patuloy pa rin sa pagluha.

Ahahahahahahahaha!

Isang malutong na pagtawang malademonya ang umalingawngaw sa madilim na paligid.

--------------------------------------------------------

Mariing nakikinig ang anim habang nagpapaliwanag si Sir Shou. Na discuss na nila ang tungkol sa iniwan nitong activity na may kaugnayan sa bola ng tennis. Si Ice na nagpresintang magpaliwanag nito sa harap ng klase na sinang-ayunan naman ng lahat ang mga nabuong konklusyon nito ukol sa kaugnayan ng bola sa mga reiki nila.

“I think we should start discussing about Newton’s Laws of Motion. So who among you know the First Law of Motion?” pagpapatuloy ni Sir Shou sa discussion nila.

“Newton’s First Law of Motion stated that an object, when viewed in an inertial reference frame either remains at rest or continues to move at a constant velocity, unless acted upon by an external force.” Sabi ni Ayu na hindi tumitingin sa propesor.

“Good. At ayon nga sa law na ito hindi magkakaroon ng movement or motion ang isang bagay kung walang external force na magpapaibo dito. Hindi exception dito ang mga reiki abilities dahil kahit sa paggamit ng mga reiki natin, nag-eexert tayo ng force na nakakapagbigay sa isang bagay ng motion. Sometimes referred to as the Law of Inertia.”

“The second law anyone?” pagpapatuloy niya.

“Newton’s Second Law of Motion stated that the net force of an object or vector sum of the forces is equal to the mass of that object multiplied by the acceleration vector of the object. “ si Ayu pa rin ang sumagot.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon