5th CHAPTER: Ms. Aeasha Izobelle "Ice" Monteguado

429 26 5
                                    

 A/N:

Si Rin po nasa multimedia. Habang nagbabasa nung book sa library. ^^ enjoy!

Rin’s POV

“I want to? You don’t have the right to tell me what to do.”

Yun ang huling katagang sinabi ng babaeng mukhang model na nakacream-colored loose long sleeves at highwaist fitted jeans na naka 5-inch royal blue wedge heels bago siya naglakad papunta sa akin at sinampal ako.

What’s wrong with her? Dahil lang sa libro nananampal na siya? Anung trip niya?

But there’s something that bothers me the most. I can’t read her. I just can’t read her mind. Nawala na ba ang Reiki ko? Yun daw ang tawag sa ability namin eh ayon kay Ms. Sato.

Habang tinititigan ko ang soft brown niyang mata na nakatitig sa akin ngayon ay wala pa rin akong mabasa o marinig sa mga iniisip niya. Damn! Halos slight na nakatingala ako dahil sa tangkad niya. Plus yung napakataas pa na heels na lalong nagpatangkad sa kanya.

I’ve never been this helpless. Never pa akong nangatog sa takot dahil sa kawalan ng alam sa mga iniisip ng ibang tao sa akin. Ganito ba ang pakiramdam ng mga normal na tao? They were clueless about what other people were thinking about them. And worst? Hindi ako sanay sa ganitong feeling. Feeling na anytime may gawin siyang masama sa akin na nagawa na nga niya dahil hindi gumana ang Reiki ko sa kanya. Gaano ba kalaki ang library na to at hindi man lang naririnig nina Jiro at Gaven na naeeskanndalo na ako rito?

She’s different. I know there’s something about her kaya hindi ko siya mabasa. And I doubt kung malalaman ko pa yung mga iniisip niya. Kung kaya ko nga lang ulitin yung ginawa ko sa stepmom ko bago kami mapunta dito kanina. Pero di ko alam kung pano.

*Flashback*

“Bakit ka nadropped Rin anak? May ginawa ka bang MASAMA sa school niyo kaya ka naexpel?”, sabi nung stepmom kong putok sa pula ang blush-on. Talagang may diin pa yung word na ‘masama’.

“Iba po ang dropped sa expelled Mom.”, cold kong sabi na tinititigan siya sa mga mata niyang over sa taas ang pilik. May kulay blue na mascara ito na hindi naman bumagay sa overall na make-up niya. One word to describe her? Ugly. Kamukha niya si Annabelle.

*”So what? Ganun na din yun kasi pareho namang maalis na kayo sa school noh. Kala mo kung sinong matalino.”** nabasa ko sa kanya.

Hayst. Pangit na nga bopols pa.

“Pero may tatransferan ka naman di ba? Boarding school yun balita ko? So hindi ka makakauwi dito for the whole schoolyear? Naku anak magiging okay ka lang ba dun na wala ako? Kami ni Daddy Greg mo?”, nag-aalala kuno siya.

*”Nice mawawala na siya sa paningin namin ni Greg maisasakatuparan na namin ang planong paglimas ng mana niya galing sa mga ubod ng yamang magulang niya.”**

At yun na ang nagtrigger sa akin na titigan siya ng matalim.

“Anak b-bakit ganyan ka makatingi—“, napatulala na siya.

.

*End*

Inisip ko noon na sana wala siyang maalala tungkol sa pera namin. Na sana mabura ang pagkagahaman niya sa pera. At nanatili lang siya nakatulala noon. Pero sa palagay ko’y may nabura ako sa memory niya. Yun pa siguro ang ibang kakayahan ng Reiki ko.

Pero hindi ko alam kung paano ko yun nagawa. Parang subconscious nangyari ang lahat.

Hawak-hawak ko na ang pisngi kong sinampal niya. Shet namanhid na ito sa lakas ng sampal ng punyetang to.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon