A/N:
First Main Character! As Requested by @Mr_Sarcastic
Portayer po niya (@Mr_Sarcastic Request) nasa side ---> si Kasuga Arata from Trinity 7 ^^
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jiro’s POV
“Anak okay ka lang ba dyan?”, tanong ng isang pamilyar na babae sa isang bata.
Nakaupo sya sa front passenger seat ng sinasakyan nilang kotse habang binabagtas ang makipot at matarik na daan papunta sa kung saan. Nasa early thirties pa yung babae, medyo blonde ang shoulder-length nitong buhok. Mababanayad ang maamo nitong mukha na lubhang makikitaan ng purong pagmamahal. Isang pagmamahal ng ina. Oo. Isang ina. At sya nga ang aking ina.
Bahagyang tumango ang bata ngunit nagpatuloy lang ito sa kanyang pagbabasa. Kilala ko ang bata. Napakabata pa nito, more of 7 or 8 years old siguro. Maganda ang pagwave ng dark blue nitong buhok na tumatakip pa sa kanyang mga mata. Patuloy lang itong nagbabasa na animo’y may sariling mundo.
“Jiro, di ba lumalabo ang mga mata mo dyan? Mula pa kanina sa mall mo binabasa yan ah?”, tanung naman ng lalaking nagdadrive.
Nasa mid-thirties na ito at dark blue din ang buhok na marahil sa kanya namana ng bata ang kulay ng buhok nito. Nakatingin ito sa daan ngunit pasulyap-sulyap sa rear view mirror ng sasakyan.
“Opo Pa. lumabo nga po ang mga mata ko.”, sabi ko sa sarili habang inaayos ang aking mga salamin sa mata.
“Hindi po Pa! Maganda po kasi yung libro eh.”, masiglang tugon ng bata.
Oo tatay ko yung lalaki. At sa hindi ko malamang dahilan, may nakikita na naman ako. Eto na naman yun. Ang pinakaayaw kong makita. Ang aking nakaraan.
.
.
.
.
.
Patuloy lang sa pagmamaneho si Papa habang pasulyap sulyap naman sa batang ako si Mama.
“Anak anong gusto mo paglaki mo?”, tanong ni Mama habang nakatingin sa akin. Hindi. Sa batang ako.
“Writer po Ma!”, sabay naming tugon.
Kitang kita na parang kumikinangkinang pa yung mata ko, nung batang ako.
“Alam mo anak, isang magandang pangarap ang maging manunulat at alam kong matutupad at mararating mo yun. Isa kang magaling at mabait na bata eh.”, sabi ni Mama at pinisil pa ang aking pisngi. Hindi. Yung pisngi nang batang ako. Bahagya namang namula ang magkabilang pisngi nito na tanda ng pagkahiya.
“Ma, di na po ako bata!”, pagmamaktol ko, ng batang ako. Nagpout pa ito na lalong nagpacute sa cute na mukha nito.
“Ang cute ko.”, utas ko sa sarili habang nakangiti.
Ilang liko na ang nadaan namin. Tanda ko pa itong huling kanto. Dito na malapit ang aming bahay.
Sa hindi inaasahang pangyayari bigla na lamang may lumitaw na puting pusa sa daan. Iniwasan naman ito ng Papa ngunit may parating pang pick-up truck sa may kanto at sa pag-iwas ni Papa ay bumulusok na ang aming sasakyan sa bangin.
“Aaaaaaaahhhhh!!!!” sabay-sabay naming sigaw habang unti-unting hinihila ng gravity ang aming sasakyan pabulusok sa bangin.
At lumiwanag na ang lahat.
.
.
.
“Jiro, hijo okay ka lang ba?”, si Sister Anne.
“Uhm, opo Sister.”, tugon ko habang hawak ang libro na binigay ni Sister Anne kanina. Yung librong hilig kong basahin noon, na ngayon ko lang ulit nahawakan.
Andito ako sa Saint Therese Orphanage, ang ampunan na pinaglagakan sa akin matapos ang aksidente. Ang aksidenteng kumitil sa buhay ng mga magulang ko. Kumitil sa pangarap kong masaya at maayos at buong pamilya. Kumitil sa pag-asa ko. Pagkatapos kasi ng aksidente, tanging ako lang ang natira. . . . . . sa pamilya namin. At ang masakit pa sabi nila nacoma ako for 2 long years. I am 17 now and the wound is still fresh. Still fresh kasi matapos ang aksidente may nag iba na sa akin. At hindi ko gusto ang pagbabagong iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jiro Park. 17. A Psychometrer. I can see the past or the future related to the object that I touch. And I hate it.
--------------------------------------------------------------------------
Read. Comment. Vote.
![](https://img.wattpad.com/cover/25412535-288-k508784.jpg)
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...