30th CHAPTER: New Chapter
Third Person's POV
Sumisikat na ang araw pero hindi pa rin umaalis sa kinalulugmukan si Chase. Puro galos at sugat sa katawan. Unti-unti ng lumiliwanag sa buong paligid. Magkakaalalay naman ang iba pa niyang kasama na wala rin sa maayos na kalagayan.
"Chase." Pagtawag ni Rin na ngayon ay nakalapit na sa kinalulugmukan ni Chase.
Nakaalalay si Ayu kay Jiro, gayun din naman si Ice kay Gaven.
Napatunghay si Chase sa tumawag. Luhaan ito.
"Rin, kasalanan ko." Agad-agad siyang yumakap kay Rin. "Kasalanan ko. Wala na si Stan." Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Walang may gusto sa nangyari. Aksidente lang ang lahat. Hindi mo naman ninais ang mga iyon. Nadala ka lang ng matinding galit at emosyon." Tugon ni Rin.
"Pero-"
"Hush now. Wala na tayong magagawa. All that we can do is hope na may malaman tayong way para makuha siya mula dun sa dimension space. Sabi ni Ice may possibility na mabuhay pa rin Stan sa space na yun."
"They're coming here shortly. Makakauwi na tayo." Si Ice na hawak ang ID niya matapos contact-in ang GRN.
Hindi na naman nagawa pang makatakas ng kanilang mga naging kalaban. Magkakaramay na nakahiga ang mga ito sa damuhan. Tanging si Terrence at Millia lang ang may malay sa kanila. Si Sera wala pa ring malay dahil nabalian ito ng buto sa laban nila ni Ice, si Mist din na halatang pagod mentally at emotionally dahil sa ginawa ni Rin, si Klu na nawalan ng malay dahil sa pagod at labis na paggamit ng reiki sa laban nila ni Gaven at si Millia na tulala lang sa kawalan.
Hindi naman naglaon ay dumating na din si Ms. Sato kasama ang ilang staff ng GRN. Agad niyang dinaluhan ang mga estudyante niya.
"Give them first aid bago natin sila itransport sa campus. We have to do that immediately before the 'inactives' get here." Pag-utos niya sa mga nakaputing unipormeng staff ng GRN.
Agad namang tumalima ang mga ito at sinunod ang utos niya.
"Oh God. You're wounded as well." Pagbaling niya sa mga estudyante. "Kailangang malapatan agad kayo ng first aid. Let's go to the truck." Sabi niya at tinulungan sa pag-alalay kay Gaven.
Nilapatan agad sila ng first aid ng mga estudyante ng Enhancer Class, sa Healing Department pagdating sa truck. Ang truck na ito ay parang isang van sa labas pero pagpasok mo sa loob ay napakaluwag nito na parang nasa loob ng isang cargo ng truck. Nadala na rin sa isa pang truck sina Millia.
Tahimik na bumiyahe ang mga truck hanggang makarating sila sa campus. Makarating ay dinala agad sila sa GRN Hospital para sa patuloy na paggamot sa mga injuries nila.
-------------------------------------------------------------
Nakatulala si Chase habang nakaupo sa bench sa Park. Matapos ang dalawang araw na pagpapahinga sa ospital ay pinalabas na silang lahat.
"Iniisip mo pa rin si Stan?" si Rin. Umupo siya sa tabi ni Chase.
"Hindi ko mapigilang hindi siya isipin Rin." Nangingilid ang luhang sabi nito. Hindi niya tinitingnan si Rin. "Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa pagkawala niya."
"Naging mabuti kang kaibigan sa kaniya, sa kanila Chase. Alam ko yun. kahit pa hindi ko nabasa sa mga alaala ni Mist ang mga nangyari sa inyo noon, alam kong mabuti kang tao Chase. Isang maaalalahin at mapag-arugang kapatid."
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...