12th CHAPTER: The Logic of History

600 34 1
                                    

 A/N:

Oy ano po yung ranking? #10 po kasi Sci-Fi nakikita ko eh itong GRN? O.O

BTB Happy 900+ reads! so Happy po! Atsaka mas mamomotivate po ako kung may comment.

Another BTB yung mga bagong enrollees next arc na po ang characters niyo. mga nasa mga chaps 30 and up po siguro kasi tapos na yung unang arc ng hanggang 30 po eh. Sorry po!

Okay eto pa po ang isa. Wahahaha. Enjoy! 

Jiro’s POV

Nandito ako sa RBG habang muling pinapanuod ang mga nasaksihan namin kahapon. Oo nasa past na naman ako para makita muli yung mga nangyaring laban kahapon.

May naglalaban ngayon na nabibilang sa magkaibang Class. Ang laban kasi dito ay random at maaring manggaling sa ibang Class ang makakaharap mo basta kalevel mo. Ibig sabihin kapag Beginner ka, mga Beginner din yung makakalaban mo. Since wala namang masyadong rules sa paggamit ng reiki dito kahit anung gawin ay pwede. Basta walang killing attempt pag napabagsak na ang kalaban. Mananalo ka lang pagsumuko na ang kalaban mo o hindi na nito kaya pang lumaban.

.

So ayun nga at mga nasa Adept level na ang naglalaban ngayon. Tiningnan ko naman ang sarili ko na nanunuod. Sina Ice at Ayu nagdadaldalan lang. Si Chase mukhang bored. Si Rin naman namamangha at si Gaven nako wag niyo na itanong.

.

Isang galing sa Conjurer Class at yung kalaban naman niya ay galing sa Manipulator Class. Nagsimula na nga ang laban at nakakamangha talaga ang mga taglay nilang reiki abilities. Yung nasa Conjurer Class ay may kakayahang magparami ng sarili. Parang kagebunshin ni Naruto sa manga. Oo manga ang binabasa ko at hindi ko pinapanuod pa ang anime series nun. Mas gugustuhin kong magbasa kesa manuod ng tv.

.

Yung galing sa Manipulator Class naman ay may kakayahang pagalawin ang mga halaman, Plant Manipulation. Cool. Nagsimula ng magpadami yung Conjurer na halos mapuno na ang kalahati ng Grounds ng copies niya. Grounds ang tawag sa arena na pinaglalabanan ng mga estudyante. Medyo nagulat man ay inilahad na nung Manipulator ang mga kamay nito at naghulog sa lupa ng mga buto ata yun ng halaman. Hindi nga ako nagkamali dahil after nung bumagsak sa lupa ay sumuloy na ang mga maliliit na halaman hanggang sa nag-overgrow ito at naging sobrang laking vine na patuloy sa pagtaas. Sumakay naman dun yung Manipulator at pinagmasdan lang ang mga vines na inaatake na ang mga copies nung Conjurer. Naglalaho ang mga copies sa tuwing matatamaan sila ng mga vines. Yung iba namang copies ay nag-aakyat sa malaking stalk ng halaman para puntiryahin yung Manipulator. Sinusundan pa rin sila ng mga baging pero ambibilis kumilos nung Conjurer copies.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang kinaroroonan ng Manipulator at nilapitan ito. Isang malakas na sapak ang natamo ng Manipulator na ikinahulog niya mula sa stalk. Bago pa siya tuluyang bumagsak sa lupa ay nasalo siya ng isang gigantic na dahon. Astig.

Nagpatuloy lang yung mga baging sa pagpulupot sa mga copies. Yung conjurer naman ay patuloy rin sa pagsugod at pagpaparami pa ng copies. Yung Manipulator naman ay naglahad ulit ng kamay at ngumiti sa Conjurer. Umilaw yung lupa na binagsakan ng plant seed na ihinulog niya at lumitaw dito ang unti-unting lumalaking Venus FlyTrap na halaman.

“Whoaaaaaa! Ang laking halaman nun ah!” si Chase na mukhang napawi na ang pagkabored ng makita yung malaking Venus FlyTrap.

“Shet! Astig!”, si Gaven.

Napukaw din nun ang atensyon nung dalawa na nagdadaldalan lang.

“Dionaea muscipula, a carnivorous plant native to subtropical wetlands on the East Coast of the United States in North and South Carolina. It catches its prey—chiefly insects and arachnids—with a trapping structure formed by the terminal portion of each of the plant’s leaves and is triggered by tiny hairs on their inner surfaces.” Sabi ni Ice na nakatitig sa malaking Venus Flytrap.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon