16th CHAPTER: Farewell

392 22 2
                                    


A/N:

Dedicated to @MayuKimmy

Silent reader po ako ng Stonegem Academy niya. Haha! Hello po Ms. Author! ^^

WARNING: Magulo po ang part na ito at kung hindi nyo iintindihin o babasahing mabuti hala kayo. Request nalang kung hindi maintindihan ieedit ko para may guide. ahihihi. thanks ^^

Ayu’s POV

*Flashback*

“AYUMU! HALIKA DITO! ANUNG GINAWA MO?”

Nagtatago ako ngayon sa likod ng aparador sa kwarto ko. Natatakot ako. Sobrang takot.

“AYUMU! HINDI KA LALABAS DYAN O AKO PA PUPUNTA PARA KALADKARIN KA PALABAS!”

Sigaw na naman niya. Oo siya nga. Ang babaeng araw-araw akong pinagagalitan. Bawat pagkakamali ko kahit sobrang liit, makakatanggap ako ng either sabunot, sampal o pingot sa tenga. Wala pa siyang mintis dahil hindi rin naman dumadaan ang isang araw na hindi niya ginagawa yun. Kahit pala walang dahilan nagagawa niya yun.

“ABA’T TALAGANG!” nakarinig ako ng padabog na pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nandito na siya. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagtakip sa bibig para pigilan ang pag-iingay.

Bumukas ang pinto ng aparador at tumambad sa harapan ko ang pinakakinatatakutan kong nilalang. Galit na galit ang malademonya nitong mukha at walang pakundangan hinila ang buhok ko na halos ikatanggal ng anit ko palabas ng pinagtataguan ko.

I was caught by the tigress.

“Ma! Masakit po!.” Daing ko sa kanya na hawak ang kamay na humihila sa buhok ko.

“HINDI KA MASASAKTAN KONG HINDI MO BINASAG ANG VASE KO!” bulyaw niya sa pagmumukha ko.

Aksidente ko lang naman natabig yun.

“Ma! Masakit po!” muling pagsusumamo ko.

“TALAGANG MASASAKTAN KA!” at dumampi ang isang napakalakas na sampal sa maliit kong mukha.

*PAKKK!

Lalo lang bumukal ang mga luha ko. Napakasakit ng sampal na namanhid na ang mga pisngi ko.

“SIGURO MAGDADALA KA NA!” at isa pang sabunot at pingot sa tenga ang inabot ko.

“ALAM MO BANG NAPAKAMAHAL NG VASE NA YUN! ANTIQUE YUN!” sigaw pa niya at pinagsasampal pa ang maliit kong mukha.

Tama na.

Ilang ulit na niya tong ginagawa. Halos buong existence ko sa bahay na to ganyan ang kanyang ginagawa. Wala naman akong mahingan ng tulong dahil—dahil busy si daddy sa GRN. Pero ako ngayon nandito sa harap ng madrasta ko. Oo madrasta ko lang siya dahil namatay si mommy sa panganganak sa akin.

“Ma. Tama na po. Huhuhu.”, pagsusumamo ko.

*Pakk!

*Sabunot.

“HINDI KA NAGTATANDA EH!”

.

.

.

Tutulungan kita.

Sino ka?

Ako ay ikaw. Ikaw ay ako.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon