4th CHAPTER: Welcome to Gakuen no Reiki Nouryoku!

732 24 3
                                    

 A/N

Guys! Pakilagay naman po sa reading list kung babasahin niyo to para naman maupdate kayo sa progress. Ahahah. Wala naman po sigurong mawawala. THANKS!!! Comments are well appreciated po. 

-syjoh-

Third Person’s POV

*Welcome to Gakuen no Reiki Nouryoku! Please put your right hand on the Identification Reader to verify entry. Thank you!*

Yan ang bumungad sa kanilang tatlo matapos ang nakakasilaw na liwanag na lumamon sa kanila sa coffee shop.

Nasa tapat sila ng mataas na gold na gate na parang kumikinang-kinang pa. Manghang-manghang pinagmasdan nila ito at pilit tinanaw ang maluwang na loob pero blanko ang nakikita nila sa loob.

“Hala bakit wala akong makita sa loob eh hindi naman to dingding o something na pwedeng maghinder sa ating paningin.” Gulat na bulalas ni Gaven at kinukusot-kusot pa ang mga mata na hindi makapaniwala.

“Ewan.” seryosong sabi nung dalawa niyang kasama na halata ding namamangha sa nakikita.

*Transferees, please put your right hand on the Identification Reader to verify entry. Thank you!*, ulit nung parang projected monitor sa taas ng entrance ng gate. Isang virtual na babae ang makikitang nagsasalita dun. Parang 3D Hologram ang peg. May lumutang ding parang isang machine na may transparent na pad. Umiilaw yun na para bang may inaanalyze sa kung anumang mapadikit dito.

“Sige una na ko.” sabi ni Gaven at inilagay ang kaliwang kamay sa transparent na pad.

*Error Verification.*

“Baliw kanan.” cold na sabi ni Rin.

“Ay oo nga no? Stupid me.” napakamot naman si Gaven at inilagay na ang kanang kamay.

*Verifying… Mr. Gaven Cloud Cray. Identification acquired. Please insert your form.*

Iniinsert naman ni Gaven yung papel sa slot nito at wala pang isang segundo ay lumabas agad ang isang transparent na ID na may printed na picture na ni Gaven at mga basic info sa kanya. May blangkong part ito na ang title ay “Reiki Classification”. Kinuha na ito ni Gaven at pinagmasdang mabuti.

“Gwapo ko dito ah.” Sabay ngisi ni Gaven matapos pagmasdan ang sariling picture sa ID.

Napabuntung-hininga naman ang dalawa at iiling-iling pa na nakangiti.

Sumunod na si Rin. Ipinatong din ang kamay sa transparent pad na tinatawag nung babaeng Identification Reader.

*Verifying… Ms. Sung Rin Park. Identification acquired. Please insert your form.*

Sinunod niya ito at nakuha agad ang ID niya. Sumunod na si Jiro.

*Please remove the gloves before putting your hand on the Identification Reader.* paalala nung babaeng 3D.

Nagdadalawang isip man ay hinubad ni Jiro ang gloves sa kanang kamay niya at pinatong na ito sa transparent pad. Nakapikit pa ito at napamulat naman ng walang nangyaring kakaiba ng mahawakan ang pad.

*Verifying… Mr. Jiro Park. Identification acquired. Please insert your form.*

Sinunod niya ito at nakuha ang kanyang ID.

Matapos nila iyon gawin ay nagbukas na ang gate sa tabihan nung projected monitor.

*Enjoy your stay in Gkuen no Reiki Nouryoku!* bati nung babaeng 3D at nagbow pa.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon