18th CHAPTER: Ending Resolve and Jam

837 25 0
                                    

Ice’s POV

Wait lang.

Am I already dead? Sh*t bakit ang dilim everywhere? Purgatory? No. Hell? Of course not! Hindi masama ugali ko noh. Hmp. Ok ok. Sa shungaers na P.A. ko lang sumasama ugali ko. Grabe kayo makajudge!

Pero seriously I’m in an empty space right now. At dahil nandito na ako. Hindi na 'to empty space. Corny. Ok.

Teka nga lang. How in the world did I came to this place? Paano ako nakarating sa isang dark place na walang makita kahit ano?

I started feeling myself. Ouch! Sakit ng face ko parang pinagsasampal ng ilang beses. No not only that. My body feels like its been tortured or what.

Hell no. I remember now. I’m fighting with Ayumi the alter ego of Ayumu. Matapos niyang bugbugin ang mga kaibigan namin I started to feel like I have to do something. I have to get her back. I have to get my bestfriend back. Pero alam kong wala akong magagawa. She’s a Reiki Nullifier. At napatumba niya agad sina Rin at Chase. Pati si Gaven at Jiro walang nagawa.

Bakit naman kasi napakawalang kwenta kong bestfriend?

I never asked how she feels. I am clueless about what had happened to her in the past. All I think about was—was me. Sarili ko lang ang iniisip ko. Sarili ko lang ang ibinibida ko sa kanya. I always tell her how beautiful I am. How gorgeous I am. My experiences as a model.

Pero siya? Di ko man lang natanong kung anu ang mga naexperience niya. Kung ano ang gusto niyang maachieve. Kung anong nangyayari sa araw-araw niya. Kung okay lang ba siya. Kung-- .

Ayy grabe nakakaiyak na. Hindi naman ako actress. Model ako.

“Konti na lang po. Medyo naghihilom na po ang mga sugat niya. Don’t worry po mga 10 minutes na lang fully healed na siya. Hindi naman po ganun ka-fatal ang mga natamo niyang sugat at galos.”

Wait. Sinu yun?

“Nako Dra. Riza sina Jiro po? Si Chase? Si Rin? Si Gaven po? Kumusta po sila?”

Ayu?

“They’re ok. Nagpapahinga na sila. They need sleep na lang para makarecover.”

Dra. Riza? Head yun ng Health Division ah? So that means nasa ospital ako ng GRN? I’m being healed using Dra. Riza’s Regeneration Reiki?

Unti-unti ko ng nararamdaman ang epekto ng healing process. Nawawala na ang sakit sa mukha ko. My body aches were vanishing. Unti-unti ko na nareregain ang energy ko.

I close my eyes. Hoping na pag-iminulat ko ito hindi na blank space ang masisilayan ko.

Slowly Ice.

Take it slowly.

Breath.

Concentrate.

I slowly opened my beautiful soft brown eyes. At nakita ko siya. Si Ayu ang bestfriend ko.

“Ice!. Huhuhu. I’m so sorry!” sabi niya at niyakap agad ako.

“I’m so sorry na nasaktan kita. Kayo.” Patuloy lang siya sa pag-iyak.

“Aray. Ayu. Medyo masakit pa mukha ko.” Sabi ko.

“Ooops. Sorry!” at bumitiw na siya sa pagkakyakap.

Pinilit ko namang bumangon.

“Ikaw kaya ang sampalin ko ng ilang beses? Tapos suntukin sa sikmura ng pagkakalakas-lakas.” Sabi ko at pinilit tarayan ang itsura ko kahit medyo namamanhid pa ang mukha ko.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon