29th CHAPTER: It's Over

184 13 1
                                    

29th CHAPTER: It's Over

Rin's POV                      

"Sh*t. Napupunit ang dimensional wall behind Millia!" rinig kong bulalas ni Ice.

"What?" baling ko sa kanya.

"The dimensional wall behind Millia. May force na pilit nagbubukas dito." Tugon sa akin ni Ice.

Tiningnan ko naman ang kinalalagyan ni Millia na wala pa rin sa katinuang tumatawa. May portion sa likuran niya na parang nagkakaroon ng butas. Kitang kita ang paghigop ng butas na yun sa maliliit na bagay na katabi nito.

"If that hole became large enough, hihigupin nito lahat ng bagay na malapit dito na parang black hole. And what's worst? Lahat ng bagay na mahihigop na nito ay hindi na kailanman maibabalik pa." pagpapaliwanag ni Ice.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Ice. Ibig sabihin pati kami mahihigop ng dimensional hole na yun at hindi na makakabalik pa?

"I think Chase is doing it." Sabi ko habang pinagmamasdan ang madilim na mukha ni Chase na nakatitig lang sa luka-lukang si Millia.

"I think so. Part yun ng teleportation reiki niya. Teleportation opens a part of the dimension space and closes it in split seconds. Masyadong mabilis ang pag-open at close ng dimension space kaya nakakalipat-lipat sa ibang lugar ang teleporter na gaya ni Chase. But forcefully opening a dimensional hole is a different story. I don't know but I think anger ang nagtutulak sa kanya kaya nagagawa niya ito." Pagsang-ayon ni Ice.

"Then we have to do something to stop him." Sabi pa ni Jiro.

Magkakalapit ang mga steel crosses na pinaglagyan sa amin ni Millia kaya kami nakakapag-usap.

"Rin can you reach him? You have to tell him to stop dahil kapag lumaki pa ang dimension hole na yun lahat tayo mahihigop nun." Baling ni Ice sa akin.

Tumango ako. I look at him. I can see his pain and anger from the looks of her face.

"Aaah!" daing ko. Isang matining na tunog ang narinig ko nang subukan kong makipagcommunicate kay Chase telepathically.

"Are you okay?" si Gaven.

"Yes."

"Mukhang blocked na ang mind niya dahil sa galit." Seryosong sabi ni Ice.

"I will try again." Sabi ko at pinilit muling magfocus.

*"Chase, stop. Kailangan mong pahupain ang galit mo."**

Nakaramdam ako ng matinding hilo after nun.

"Rin your nose is bleeding." Sabi ni Jiro.

"I'm alright. I have to stop him."

*"Chase, lahat tayo mapapahamak kapag nagpatuloy ka pa."** then naramdaman kong tumulo muli ang dugo sa ilong ko.

"Sh*t patuloy na lumalaki ang dimensional hole. Kung kaya ko lang makawala rito." Frustrated na sabi ni Gaven. Umiiyak na siya.

"We all did our best sa mga laban natin. Lahat tayo nagwiwish na sana may magawa pa ngayon. Pero pare-pareho na din nating nareach ang limits natin." Si Jiro.

Hindi ko na muna pinilit pang makipagcommunicate kay Chase. Nahihilo pa ako.

"What the—?" rinig kong sigaw ni Millia. Nakaharap na siya dun sa dimensional hole at napapaatras. Mukhang natatakot siya dahil kasya na ang isang pusa sa butas na iyon at hinihigop na nito ang mga maliliit na bato at mga kahoy at bakal na magkakasya na sa butas.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon