26th CHAPTER: The Search for Truth

308 16 2
                                    

A/N:

Eto na po ang update. Pasensya na kung natagalan. Busy din po akong estudyante. Sorry na. :( Anyway, magcomment naman po kayo kung anung nararamdaman niyo sa story. For motivation. :)

Jiro’s POV

Matiim kong pinagmamasdan ang mga nagaganap sa paligid. Ramdam ang tensyon sa pagitan ng grupo namin at ng grupong tinatawag ang sarili nilang Elementaire Seix. Iniisip ko pa rin na ano kayang mangyayaring sunod? Funny right? I should’ve known what will happen. Alam ko sana ang bawat detalye ng magaganap ngayon. Kung may magaganap bang labanan o whatever pero hindi. Ayokong makita. Not that I’m afraid of seeing the future, it’s just that I’m not yet ready to face it. Hindi pa ako handa sa mga makikita ko. Kung may mangyayari mang masama, na sana hindi mangyari, mabuti nang sabay-sabay naming masaksihan ngayon. Not in advance. Hindi yung sure na kami sa magaganap. Wala na kasing excitement.

Tumingin ako kay Ice na sa kasalukuyan’y nakikipaglaban kay Sera. She’s as graceful in battle as ever. Yung mga galaw niya na dala ng omniscience reiki niya ay talagang precise and accurate.

.

“Huwag mo nga siyang hawakan Stan!” nagulat ako ng sumigaw si Chase.

Napatingin ako sa gawi nila at nakitang sinipa niya yung lalaking may yellow na buhok. Si Tristan. Mukhang sila naman ang magsisimulang maglaban. Hmm. Ex-Bestfriends?

Napatingin ako sa dating kinatitirikan ng building ng bangko. Sirang-sira na ito. Parang nilindol dahil sa guho at halos din a makilalang bangko ito kanina lang. mabuti na lang wala pang ‘inactives’ na nakakaalam nito. Medyo liblib rin nga kase ang lokasyon ng bangko. Kahit may plasa sa tapat ay matumal din ang tao. At ngayong oras na ito ay wala talaga. Wala ring kalapit na residential buildings ang bangko.

Napakuyom na lang ako ng palad sa isiping ang mga taong nasa harapan namin ang may kagagawan nito. Ano ba talagang gusto nila? Manira? Manggulo? Manakit?

Kailangang matigil na ang mga ginagawa nila. Kailangan na namin silang pigilan. This is our first mission and we must accomplish this.

.

“Aaaaahhhhh!” sigaw ni Rin. Napatingin ako sa kanya at nakitang may nakapulupot na whip na gawa sa tubig sa katawan niya at puno pa ito ng galos.

“Rin!” sigaw ko at akmang tatakbuhin ang kinaroroonan niya.

.

“Hoy nerd boy wag kang mangialam!” rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Tumingin ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ang lalaking may berdeng buhok na nagstomp sa lupa at nagsitalsikan ang mga bloke nito.

.

*”I’m okay. Sarili mo isipin mo.”** rinig kong sabi ni Rin telepathically. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako.

She’s strong. I know that.

I dive then roll side ways para maiwasan ang mga bloke ng lupa. Wala na akong dapat alalahanin pa kung hindi ang sarili ko.

“What did you just say?” sabi ko na sapat na para marinig nung may berdeng buhok.

“Uulitin ko pa?” sagot niya.

Tumayo na ako at inalis ang hand gloves ko. Nilagay ko ang mga yun sa bulsa bago humarap sa kanya.

Ngumisi naman siya. Ang weird lang ng sudden change ng personality niya. I saw him awhile ago and he looked like scared of something but now, he’s a different person. Ibang-iba.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon