31st CHAPTER: The Seventh Specialist
Jiro's POV
As far as I remember, there were only the six of us sa Specialist Class. I mean sabi nga ni Mr. Monteguado nung sumilip ako sa past ni Ice nung time na tinest niya ang mga will namin ay anim lang talaga ayon sa mga researchers ng GRN ang nag-emerge na Specialist ang Reiki Classification as of the present time.
Masyado nga kasing maliit ang percentage of birth ng mga Specialist. 1% lang sa bawat pagbubuntis ng tao ang possibility na iyon. I don't know if we're lucky enough na pinanganak kami sa Classification na ito pero ano pa ba ang magagawa namin? Is it possible na may bagong panganak na Specialist? If that's the case hindi pa siya pwedeng mag-enroll sa GRN.
"It's about the seventh member of the Specialist Class."
Yun ang sinabi ni Ms. Sato kani-kanina lang. Natahimik kaming lahat after niyang sabihin yun. Dead air. No one dared to utter a word just to break the silence.
Tulala pa rin kami hanggang sa magsalita muli si Ms. Sato.
"I know what you're thinking guys. Kahit di ako mind reader evident from the looks on your faces na shocked kayo. Ako nga rin nagulat nung nalaman ko yun. "
"Miss hindi kaya naoverlook lang ng system ang nangyari? I mean Da—Mr. Monteguado told me that there were only the six of us na Specialist." Si Ice. Nakwento nga pala niyang hindi siya dapat tumawag na Dad sa President ng school. No special treatment para sa mga may kamag-anak na member ng board ng GRN ayon na din kay Ayu.
"Minamaliit mo ba Aeasha ang Technology Department?"
"I'm sorry Miss. That's not what I meant." Napayuko na lang si Ice.
"No, no I didn't mean to be rude Aeasha. Ang gusto ko lang sabihin ay maingat ang Technology Department sa pag-analyze ng mga reiki ng mga bagong students na papasok sa campus. Hindi pa nagkakamali ang system." Nagcross siya ng legs bago nagpatuloy. "May bagong batch ng students ang inorient kanina lang and that's where I found out na may isang naclassify as Specialist."
Katahimikan na naman ang bumalot sa buong lobby.
So I guess we have to accept kung sino man ang bagong member namin. Sino nga kaya yun? Babae kaya o lalaki?
Third Person's POV
Samantala habang nag-uusap-usap ang mga member ng Specialist Class kasama si Ms. Sato ay nanlalamig na ang mga kamay ng taong naghihintay sa isang room sa ground floor ng Main Building.
Doon muna siya pinatigil ni Ms. Sato matapos ang sectioning na naganap kaninang umaga.
*flashback
Habang busy siya sa pag-aayos ng mga libro sa library ng paaralang kanyang pinapasukan ay tinawag siya ng isang estudyante.
"Pinatatawag daw po kayo ni Mr. Principal." Sabi ng estudyante sa kanya. "Nasa office niya po siya."
Nginitian niya ang estudyante bago nagsalita. "Sige susunod na ako. Tapusin ko lang ito."
Umalis na ang estudyanteng tumawag sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos at nang matapos na ay nagtungo na nga siya sa opisina ng principal.
"Pinapatawag niyo daw po ako?" nahihiya niyang sabi matapos kumatok at pumasok ng opisina.
Nakangiting iginiya siya ng may katandaang principal sa upuan katapat ng mesa nito. "Maupo ka."
Ipinaliwanag naman ng principal ang mangyayaring paglilipat sa kanya sa ibang paaralan. Hindi na siya nagulat sa narinig bagkus ay napangiti pa nga. Matapos iyon ay naghanda na siya sa paglipat.
Manghang-mangha siya nang makapasok sa loob ng campus ng GRN. May mga nakasabay siyang ilang estudyante na rin ng iba pang paaralan na hindi niya na makilala ang iba.
"Ang ganda dito 'no?" lumapit siya sa isang babae. Makikitang medyo pale ang kulay ng balat nito ngunit may hubog ang katawan.
Nginitian siya nito ng matipid. "Oo nga nakakamangha."
"Anong pangalan mo?"
"Uhm, Elizabeth Crain. Ikaw?"
Sinabi niya ang kanyang pangalan.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. May mga nakasalubong silang mga estudyante na mukhang nag-aaral sa pinasukan nilang campus. Nginitian niya ito ngunit inirapan lamang siya.
Ilang sandali pa ay sinalubong na sila ni Ms. Sato. Gaya ng ginagawa niya sa mga bagong dating sa campus ay itinour muna niya ang mga ito bago pumunta sa 5th floor ng Main Building para sa Reiki Divination at welcoming ceremony.
Sa una ay nagtataka siya kung paanong wala sa mga nabanggit na kulay ng ID ang kulay ng kanya. Gulat na nilapitan siya ni Ms. Sato.
"Miss, what's the color of your ID?"
"Transparent crystal white po." Nahihiyang tugon niya.
"Oh my God." Napatakip ng bibig ang guro. "Are you sure iha?"
Tumango siya.
"Follow me."
Jiro's POV
"So that's all about it guys. Tatawagin ko lang siya." Sabi ni Ms. Sato matapos ikwento ang mga naganap kaninang orientation ng bagong students. Umalis siya at may pinuntahan. Mukhang tatawagin niya yung bagong student na naclassify as Specialist.
Minabuti kong magbasa na lang.
"Geez. Sino kaya yun?" sabi ni Ayu.
"I don't know. Hindi ipinaalam sa akin ng president." Tugon naman ni Ice.
"Sana babae." Nakangising tugon ni Gaven. Sinamaan siya ng tingin nina Ice. "What? I'm just saying a probability?"
"Probability your face." Sabi ni Rin.
"Baka lalaki?" tugon pa ni Gaven.
"Shut up already." Sabi ni Ice.
Kita ko sa peripheral vision ko na napanguso si Gaven.
"Ikaw Jiro? Ano hula mo?" baling niya sa akin.
"Kahit anong gender. Whoever it is."
"Guys." Napaagwat ako sa pagbabasa ng kuhanin ni Ms. Sato ang atensyon namin. "I want you all to meet Raishell Milo Lee."
Napatayo ako sa inuupuan nang makita ang isang pamilyar na babae na kasama ni Ms. Sato.
Raishell?
—————————————————————————————————-
Read. Comment. Vote.
A/N:
Kilala niyo pa siya? Tanda niyo pa ba siya? Comment!!! XD
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...