22nd CHAPTER: First Encounter: Wind and Water

362 20 2
                                    

Chase’s POV

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall. Etong si Ice may pasabi-sabi pang mission daw ang uunahin tapos ngayon puro shopping naman. Sabi pa niya.

“Ok guys, since we’re out of the campus we have to focus on our mission. But of course it will be hard if we don’t have anything for our daily needs. So let’s start this day by shopping for all the things that we will be needing like clothes, toiletries and everything.” Pangangaral niya ng makalabas kami ng campus ng GRN.

Haist. Ayun nga at matapos kami paalalahanan ni Ms. Sato about the mission ay lumabas na kami ng campus ng GRN. At heto nga, nakakapagod na ang paikot-ikot dito sa Mall of Asia.

Ang daming pinamimili ni Ice. Nakasunod lang si Ayu pati si Rin na nahahawa na sa kanya. Si Jiro naman as usual serious. Si Gaven? Wag niyo na itanong. Ako? Nagdadala ng mga pinamili ni Rin. Medyo marami rin siyang pinamimiling mga damit. Yung totoo hanggang kalian kami dito at parang ayaw na nilang bumalik sa GRN?

Ilang stores ang napag-ulian namin. Merong bumili sila sa Bench, sa Penshoppe, sa Human at kung saan-saan pa. Buti naman at nagstostop over kami sa mga food stores para kumain. Akala ko kasi puro shopping gagawin ng mga ‘to.

“Hey guys, si Ice ba yun?” si Gaven habang nakaturo sa isang billboard na nasa may highway. Natapos na kami sa pamimili at tutungo na sa aming titigilan for the mission here.

“Yeah its me. I’m a supermodel remember?” sagot ni Ice.

“Uhuh. Kaya pala andaming nagpapicture sayo kanina sa mall. Sikat ka pala. Wow famous!” si Gaven na napangisi.

“Paautograph ako sa famous mamaya!” sabi pa niya.

Napatawa naman sina Ayu at Rin. Si Jiro busy pa rin sa kung ano mang business ang ginagawa niya.

“Whatever.” Nagroll ng eyes pang sabi ni Ice.

Halos mapuno nga pala yung back part nung sasakyan namin sa mga pinamili nitong mga kasama ko. Nakakapagtaka nga’t nagkasya yung mga yun dun. Bukod sa mga personal needs, namili pa sina Ice ng mga make-up, pabango, shoes, heels, accessories at kung anu-ano pa. San kami kumuha ng pera? Ewan ko rin. Basta hindi naman kami kinapos.

Hay mga babae nga naman. Daming arte sa katawan.

Marami-rami din kaming nadaanang billboard na may malaking picture ni Ice na iba’t ibang endorsements. Grabe pala kasikat ang babaeng ‘to.

Nakarating na kami sa tutuluyan namin for some days para sa mission. Bungalow type lang na bahay. Medyo may kalayuan sa siyudad pero okay lang naman.

Ibinababa na namin ang mga gamit at since wala namang makakakita, ako na ang nagpasok sa bahay para mapabilis. Within seconds ko natapos ang pagbababa ng mga shopping bags pati na rin ng groceries.

“Ay grabe nagpapasikat yung isa oh.” Si Gaven na bitbit yung mga pinamili niya.

Ilang sandali pa ay natapos na kami sa pag-aayos ng mga pinamili namin. May dalawang kwarto yung bahay at isang double-deck bed at isang single bed sa bawat kwarto. Kaya napagdesisyunan na magsasama sa isang kwarto ang boys at sa kabila ang girls. Common sense?

“Nakakagutom na. Tara magluto?” si Gaven na nakaupo sa single bed at hawak ang tiyan.

“Marunong ka ba?” tanung ni Jiro.

“Hindi.” Sabay ngisi ng loko.

“Baliw.” Sabay na tugon namin ni Jiro.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon