Character Profiles #7 and 8

273 13 2
                                    

Here it is. Your Characters!!!

Character Profiles #7 and 8

Nakatunganga ako sa kawalan habang nagtuturo ang aming professor ng kung anu-ano. Ewan ko ba pero boring na boring talaga ako. Napasulyap naman ako sa mga pinakita niyang picture mula sa kanyang laptop na nakaproject sa white board ng aming silid. Ibinaling ko na muli ang tingin sa kawalan.

Kalian ba kasi kami matatapos dito?

"Miss Crain."

Wala pa bang mangyayaring matino ngayong araw?

"Miss Crain!"

Napaigtad ako nang marinig ang pagtawag ni Mr. Torres.

"Bakit po Sir?" mukhang galit na galit siya.

"Kanina pa kita tinatawag. You're not paying attention. Now tell me what am I discussing earlier?" tinakpan niya ang lens ng projector.

Napaisip naman ako sa sinabi niyang yun. Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang mga mapanghusgang mata ng mga kaklase ko. Kung bakit naman kasi lumipat ng school si Cloud.

Si Cloud ang bestfriend ko. Magkaklase na kami since grade school. Ewan ko ba kung bakit siya inilipat ng school. Sabi lang niya sa akin noon na nakatanggap daw sila ng scholarship mula sa Stonebridge. Well masaya naman ako para sa kanya because I know that he's a very good guy. Kahit maloko at very makulit pa ang lalaking yun. kaya nga lang. eto na naman ako ngayon. Alone.

"Now what Miss Crain?" nakacross arms pang sabi ni Mr. Torres.

I cleared my throat before talking. Naaalala ko ang pictures na nagflash sa screen kanina.

"You were discussing about the different systems of the body. First of is the skeletal system which is the internal framework of the body. Next one is the muscular system that permits movements of the body, maintains posture and circulates blood throughout the body. Third one is the nervous system that coordinates its voluntary and involuntary actions and transmits signals between different parts of the body. And I supposed Sir you are going to discuss the digestive system that is responsible for the digestion as the name suggest." Sabi ko at nakatingin sa kanya ng diretso. I said everything I remember about the pictures I saw earlier. Every little detail about it.

Kitang kita ko kung paano napaawang ang bibig niya.

"I-impressive. Miss Crain. You can now take your seat." Mautal-utal niyang sabi.

Nilibot ko ang paningin sa mga kaklase ko at nakitang ganun din ang pagkagulat nila. Ano bang ikinagugulat nila?

Elizabeth Crain. 17. I'm not a nerd neither a genius. I'm just a nobody able to memorize anything I saw in a glimpse. Photographic memory I guess?

—————————————-

"KC! Gising! Guymising ka KC!"

Bigla akong napabalikwas sa aking higaan. Butyl butyl na pawis ang patuloy na namumuo sa aking buong mukha.

"Nagsisisigaw ka kanina. Binabangungot. Ano bang napanaginipan mo?" ang aking roommate.

Kinapa ko sa bedside table ang aking salamin at sinuot ito. Lumabas muna ang aking roommate para ikuha ako ng maiinom.

Bangungot na naman. Iyong masamang panaginip. Napaluha ako. Ang pamilya ko.

*flashback

Masayang namumuhay noon ang pamilya namin. Mahirap lang kami kaya sa isang kubo lang kami nakatira nina Nanay at Tatay. Pero dahil nga sa mahirap kami, hindi kayang tustusan nina Nanay kami ng kakambal ko. Masakitin siya kaya napagdesisyunan daw nina Nanay na dalahin na siya sa isang ampunan. Ako ang naiwan kay Nanay at Tatay.

"Oh KC huwag kang maglaro dyan sa harap. Baka may makakita sayo." Pagtawag sa akin ni Nanay. 5 years old lang ako noon. Tuwang tuwa habang pinagmamasdang umikot-ikot sa ere ang aking manika.

Wala pa akong kamalayan noon. Laro lang nang laro.

Araw-araw akong pinaaalalahanan nina Nanay na huwag maglaro sa harap ng aming bahay. Hindi ko pa alam kung bakit noong mga panahong iyon. Hanggang sa isang gabi.

"Ayun. Dun ang bahay ng mga mangkukulam. Dalian niyo!" rinig kong nagkakagulo sa labas ng bahay. Sumilip ako sa bintana at nakita ang maraming tao na may dala-dalang mga sulo. Ang ganda ganda pagmasdan ng mga ilaw na iyon sa kadiliman ng gabi.

"Nandiyan na sila! Kailangan na nating tumakas!" rinig kong bulalas ni Nanay.

Dali-dali akong binuhat ni nanay habang dala ni tatay ang mga kagamitang maari pa naming madala. Wala akong kaalam alam sa nangyayari ngunit pakiramdam ko nasa panganib kami.

Kitang kita ko kung paano sunugin ng mga taong iyon ang aming kubo. Nag-iiyak ako.

"Ayon sila! Tumatakas!" pagturo sa amin ng isang tao na may dala ng sulo. Matapos yun ay nagmadali sina nanay sa pagtakbo.

"Maabutan nila tayo! Rose! Umuna na kayo. Pipigilan ko sila! Magmadali kayo."

"Pero baka mapahamak ka!"

"Iligtas mo si KC." Yun ang huling sinabi ni tatay bago tumakbo para salubungin ang mga taong may hawak na sulo.

Wala nang nagawa si nanay kung hindi ang ipagpatuloy ang pagtakbo. Tumago kami sa isang kulumpon ng matataas na damo at pinanood kung paano salubungin ni tatay ang mga galit na taong bayan. Umiiyak ako habang pinapanood kung paano bugbugin ang aking tatay.

"Tatay!" patuloy lang ako sa pag-iyak. Lumalakas ang hangin sa bawat pag-atungal na ginagawa ko.

"Shhh. KC. Makikita nila tayo kapag nag-ingay ka pa." luhaang sabi ni Nanay.

"Pero Nanay. Si Tatay." Mautal-utal kong tugon.

"Shhh. Tandaan mo ito ha anak. Huwag mong ipapakita sa kanila ang kakayahan mo. Dahil kapag nangyari yun, may gagawin silang hindi mabuti sayo." Huling sabi ni Nanay bago niya ako iniwan para saklolohan si Tatay.

Hindi na ako nakaibo sa kintatayuan ko habang pinapanuod kung paano itali sa kahoy ang aking mga magulang habang pinalilibutan ng mga sulo. Sigawan. Puro sigawan ang aking naririnig.

Hanggang sa nakita ko na lamang na nagliliyab ang kinatatalian ng aking mga magulang. Hindi ko na kinaya ang sakit hanggang sa mawalan na ako ng malay.

"Umiiyak ka na naman. Eto na ang tubig uminom ka muna." Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng aking roommate.

Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang kinukuha ang baso ng tubig at uminom mula dito.

Kelly Crysstina Villena. 18. Now I know why they tried to kill us. Because I can manipulate the wind.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon