Rin’s POV
“Its about your first ever mission.” Panimula ni Ms. Sato sa amin habang kami’y nasa isang room na tinatawag nilang RIO. Research and Investigation Office daw. Sounds legit?
Kahapon niya ininform sa amin ang about sa meeting na ito. Nasa park kami sa City nun at busy sa pagmamasid sa paligid-ligid. Mukha namang normal na park yun kasi nga may mga namamasyal at kung anu-ano pa.
Sabi kasi ni Ice, yung ibang graduates ng GRN ay nagreside na dito sa loob ng campus. Hindi naman masama kasi napakalawak ng vicinity at nasasakupan nitong GRN. Nakakapagtaka nga kung bakit hindi ito nakikita daw sa mapa. Kahit daw igoogle map to walang lalabas kasi mapapagkatiwalaan lahat ng mga lumalabas na hindi ileleak ang tungkol sa school.
Marami pang naikwento sina Ice at Ayu sa akin nung nagbobonding kami sa park. Ang pangunahing rason daw ng GRN sa pagtatrain ng mga may activated reiki ay ang makatulong sa pagsugpo ng krimen. Naging layunin na ito simula pa lang ng maitatag ang paaralan. Siguro napakagandang layunin noon. Hindi na naman kasi lingid sa kaalaman ng mga “inactives”, yan ang term nila para sa mga taong hindi activated ang reiki, na may mga hindi maipaliwanag na nagaganap sa mundo. Some of them referring to these instances as supernaturals, fantasy, or something beyond reality. Lately daw kasi mas nagiging bold na ang mga hindi maipaliwanag na nagaganap sa mundo. Noon daw kasi, hindi ito masyadong lumalantad. Pero ngayon, siguro paraan na din daw ng mga mad scientists, na ibulgar sa publiko o mga “inactives” na may mga nabubuhay at nag-eexist na mas malalakas at mas makapangyarihan sa kanila na maaring magtrigger ng isang digmaan.
Isang digmaan ng hindi pagkakaunawaan. Isang digmaang nag-ugat sa pagkagahaman at kawalan ng bukas na pag-iisip. I know that I’m not being fair here kasi hindi ko naman naririnig ang side nung mga ‘inactives’ na scientist pero to think na halos lahat gagawin nila para lang maisakatuparan ang selfish nilang layunin na pag-aralan at gawing mga lab rats ang mga tulad naming activated ang reiki, sino pa ang gustong maging fair? I’m taking sides na kung yun ang gusto nila. But I’m not going to take their side.
“Hindi na makayanan ng pulisya sa labas ang mga nagaganap na nakawan sa mga bangko.” Pagpapatuloy ni Ms. Sato.
“Dahil walang records o video feeds na nakukuha kasi laging nagbablackout sa tuwing may magaganap na nakawan. Nagiging mahirap para sa mga imbestigador itrace kung sinu-sno ang may kagagawan. Hindi lang yun kasi after ng nakawan, its either nasusunog ang bangko o nasisira ang foundation nito na dahilan sa pagkasira ng establisyemento. I think we’re not dealing with normal fugitives now. Siguro kagagawan to ng mga brainwashed reiki user.”
“So its really serious Ms. Sato. Pero bakit kami ang gusto niyong maghandle nito? I mean we’re newbie here. At wala pa kaming masyadong alam sa mga ganito ganyan. Di ba magstart muna kami sa mga light missions?” sabi ni Jiro.
“Uhuh. I understand your point Jiro. Pero ang mga light mission na sinasabi mo ay ito na ngang ipagagawa sa inyo. Saka hindi ba mas magaling na maexposed agad kayo as early as now para naman sa mga darating na missions ay equipped na kayo with experienced?”
Napatango na lang si Jiro sa mga sinabi ni Ms. Sato. Kahit ako naman ganun ang iniisip eh. Hindi pa man kami nagtatagal dito ay bibigyan na agad kami ng isang mission? Hindi nga ba masyado pang maaga? Paano kung hindi namin yun magawa? Paano kung hindi namin yun malutas?
“You will be having two days to prepare for your upcoming mission. So sa Thursday na ang alis niyo.” Si Ms. Sato.
“Alis Ma’am?” si Gaven na kakamut-kamot pa ng ulo.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...