A/N
Sorry po sa sabaw na Chap 13. Huhuhu.
Rin’s POV
Nandito kami ngayon sa Tech Room na nasa parehong floor sa aming Dorms at Training Halls. Medyo mas malayo lang ito ng konti at maraming paliko-liko pagkapasok mo sa Training Halls.
Ewan ko ba kung anung silbi nung mga rooms na iba pero isang room lang ang ginagamit namin sa Physics, Logic at History subjects namin. Bakit hindi na lang ginawang computer lab yung iba? Ayt. Stupid me. Malamang hindi na nila kailangan ng computers dahil sa sobrang advance ng technology dito. Kanina pa nagdidiscuss si Sir Cross ng tungkol sa technology ng GRN. Maging ang meaning ng technology ay diniscuss din niya sa amin pero sa tuwing magtatanong siya si Ayu lang ang nakakasagot. Or should I say nagpapansin lang. Crush niya kasi yung si Sir Cross.
---------------------------------------
“So what do you mean by the word technology?” Sir Cross.
“Uhm Sir! Technology, derived from the Greek words techne meaning ‘art, skill, cunning of hand’ and –logia, is the collection of tools, including machinery, modifications, arrangements and procedures used by humans.”
“Thank you Ayu. Engineering is the discipline that seeks to study and design new technologies. At ang GRN ay nagtataglay ng mga magagaling na engineers na siyang nagpapatakbo ng lahat ng nandito sa campus. Usually ang mga nasa Tech Division ay mga Manipulators na nagtataglay ng Technopathy Reiki. Being able to modify and enhance technological things, ano pa sa tingin niyo ang kayang gawin ng mga technopaths?” si Sir Cross.
“They can interact directly to any technology-related bodies and manipulate them at will. Kaya nilang maginvent ng mga bagay na gamit lang ang isip.” Si Ayu again.
-------------------------------------
Ganun lang ang takbo ng sagutan nila ni Sir Cross. Malay ko ba dito sa propesor na to kung talagang manhid lang sa pagpapansin ni Ayu.
*”Ayy grabe ang boring naman. Puro technology at science at kung anu-ano pa. wala akong maintindihan eh.”**, si Gaven na naghihikab pa pero itinatago ito.
Napapangiti na lang ako.
*”Hayy forever ba boring tong subject na to? Kala ko pa naman exciting at magdedeal kami with technology pero anung nangyare? Psh.”** si Chase naman na bagot na bagot na nakahalumbaba sa desk.
Tumingin siya sa akin at biglang ngumiti. Yung ngiting pagkatamis-tamis na parang in any moment lalanggamin na. Ang gwapo pala niya.
Hey! San nanggaling yun? Erase. Erase. Nakakaasar siya.
*”Anung nginingiti-ngiti mo dyan?”** I telepathically asked him.
*”Wala lang. Ang cute mo kasi.”** yun yung nasa isip niya. Tinitigan pa niya ako at mas lalong tinamisan ang ngiti. Kung may ganun man.
*”Seriously? Makinig ka na lang kaya.”** sabi ko na lang at iniiwas na ang tingin sa kanya.
Feeling ko pulang-pula na ako ngayon. Teka anung sinabi ko? Namumula ako? No. Sa galit o inis marahil. Yeah tama sa inis nga.
Nagpatuloy pa ang one-on-one na klase nila Sir Cross at Ayu. Ewan ko pero parang kakaiba ang nasesense ko ngayon. Dati ko pa namang napapansing may pagkaweird nga itong bestfriend ni Ice pero parang mas weird siya this past few days.
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Fiksi IlmiahSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...