35th CHAPTER: The Sabotage

22 1 0
                                    

35th CHAPTER: The Sabotage

Third Person’s POV

Ang lahat ay naghahanda na para sa taunang pagtitipon ng mga miyembro ng pamunuan ng Gakuen no Reiki Nouryoku. Isa ito sa mga pinakaaabangan ng lahat dahil pagkatapos nito ay ang pagdiriwang sa araw ng pagkakatatag ng akademiya.

Ngunit nang gabing iyon, magbabago ang lahat.

Marahan niyang pinihit ang seradura ng kwarto ng isang miyembro ng pamunuan.

“Ikaw pala mademoiselle.” Bati ng lalaki sa pumasok. “Naririto ka na pala. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” dagdag pa nito na hindi pa rin kumikibo sa pagkakayuko tanda ng paggalang.

“Naggawa mo na ba ang misyon mo?”

“Malapit na kaunting panahon na lamang at makukumbinsi ko na sila.”

Napataas ang kilay niya sa narinig. Hindi ito ang kanyang inaasahan.

“Masyado kang mabagal. Kung hindi mo kaya ang ipinagagawa sa iyo dapat sinabi mo na nang maaga. Pasalamat ka at ako ang ipinadala dito dahil kung iba, malamang nakahandusay ka na diyan sa kinatatayuan mo.”

Nagsitaasan ang balahibo ng lalaki sa narinig. Tama ang tinuran ng kanyang kausap. Kilala niya ang kanyang amo. Hindi ito magdadalawang isip na kitilin ang kanyang buhay.

“Ako na ang gagawa. Maghanda ka na lamang sa mga magaganap bukas. Siguraduhin mong walang makakahalata sa ating mga plano. Lalo na ang mga nasa Specialist Class.” Yun lamang at lumabas na ito.

“Masusunod po.” Mautal-utal na sabi ng lalaki.

-----------

Nagsimula na ang pagtitipon. Ilang mga miyembro ng pamunuan na ang nasa kani-kanilang upuan at hinihintay na lamang ang pagdating ng presidente. May sari-sarili na silang usapan.

Isang tikhim ang nagpatahimik sa kaninang maingay na silid. Dumating na ang presidente. Nagsipagtayuan ang mga ito at bumati sa lalaki.

“Hindi na po kami magpapaliguy-ligoy pa.” sabi ng isang matandang lalaki. Kinakabahan ngunit may diin sa pananalita nito.

“Nais po naming magkaroon ng mga pagbabago sa akademya.”

Napataas ang kilay ng presidente sa narinig. Sa ilang taon niyang pamumuno ay ngayon lamang nagkaroon ng pagtitipong nais mapag-usapan ay ang pagbabago sa akademya. Sa mga nakaraang taon ay puro papuri at pagpapasalamat ang nagiging paksa ng taunang pagtitipon.

“Sabihin niyo ang inyong nais.” Maikling tugon nito.

Agad namang tumugon ang isang lalaking nakasuot ng lab coat. Makintab ang kulot nitong buhok na kulay tsokolate na kulay din ng kanyang mata sa likod ng malalaking salamin. Isa siyang siyentipiko. Ipinaliwanag nito ang mga kaganapan nitong nakaraan, binibigyang-diin ang kakulangan ng ilang estudyante ng akademya sa kanilang misyon.

“Sinasabi mo bang hindi naging matagumpay ang misyon ng Specialist Class?” mahinahon ngunit may diing turan ng presidente.

“Hindi naman po sa ganun. Ang sa amin lang, dapat pinag-isipang mabuti kung kanino ibibigay ang misyon na iyon. Class A po iyon at sa palagay ko’y hindi nararapat ibigay sa mga estudyanteng kapapasok pa lamang ng Gakuen.” Malumanay at may pag-iingat na sagot ng lalaki.

Nagsimula ang mga bulungan sa loob ng kwarto.

“Doktor Matsuyuki. Kinekwestyon mo ba ang desisyon ng ating pinuno?” isang matandang babae ang nagsalita. Kulay abo na buhok nito ngunit may pagkasopistikada pa ring gumalaw at manamit.

“Mrs. Han. Hindi naman po sa nagmamarunong ngunit sa tingin ko ay kailangang baguhin ang sistema ng pagbibigay ng mga misyon sa mga estudyante.” Magalang pa ring tugon ng doktor.

“At base po sa mga naganap, kailangan na din pong baguhin ang pamunuan.” Mariing pagtatapos nito na ikinagulat ng matanda.

“Ngunit—“ bago pa makatugon si Mrs. Han ay pinigilan siya ng presidente.

“Anong gusto niyong mangyari?” sabi nito at saglit nagpaalam na lalabas muna sandali.

Nagkaroon ng bulungan. Sari-sariling diskusyon. Hindi naman mapakali si Mrs. Han. Sinundan nito ang presidente. Ipinagpipilitang hindi kailangan ng pagbabago sa pamunuan dahil lamang sa isang hindi matagumpay na misyon.

“Iyon lamang at pinababa ka nila sa puwesto?! Hindi iyon tama Ferdinand!”

“Hindi natin sila mapipigilan sa anumang gusto nila Mrs. Han. Parte sila ng pamunuan. May kapangyarihan silang gawin ito. Hindi naman siguro sila magluluklok ng pinunong ipapahamak ang Gakuen.” May paniniguradong tugon nito.

“Isang botohan ang magaganap at isa pa rin ako sa mga pagbobotohan.” Yun lamang at pumasok na muli ito sa silid.

Naging tahimik ang lahat pagpasok ng presidente. Nagsitinginan sila dito at inaantay ang sasabihin. Muli itong tumikhim bago nagsalita.

“Kung nais niyo ng pagbabago, handa ako. Ngunit idadaan natin ito sa legal at nararapat na pamamaraan.
Pagbobotohan ng mga miyembro ng pamunuang ito ang dapat maging president ng Gakuen.” May pinindot siyang buton sa ilalim ng mesa at nagsilabasan ang mga projection screens na gagamitin sa magaganap na botohan.

---

Tahimik ang lahat sa silid ng nagsimula na ang botohan. Lahat ng miyembro ay kasali sa mga pagpipilian. Tig-iisang miyembro mula sa bawat Class. Tig-iisa ding miyembro mula sa Technology,Weapons, and Intelligence Departments. Kasama ding bomoto sina Mrs. Han at Mr. Shou na natitirang miyembro ng Senior Board.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang natatagong ngiti ng doktor. Ito ang kanyang inaasahan. Agad niyang pinindot ang kanyang larawan mula sa projected screen.

Hindi nagtagal ay natapos na ang botohan. Muli ay may pinindot na buton ang presidente para simulang bilangin ang boto. Dalawang larawan lamang ang lumabas sa malaking projected screen sa harap nila. Hindi niya inaasahan ang sumunod na naganap.

**CONGRATULATIONS DR. ATSUMU MATSUYUKI. YOU ARE NOW THE NEW PRESIDENT OF GAKUEN NO REIKI NOURYOKU**

-------------------

Read. Comment. Vote.

Gakuen no Reiki NouryokuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon