Jiro’s POV
Andameng naganap ngayong araw. Sa sobrang pagod ay nahiga na ako sa aking kama. Nasa loob na ako ng room ko sa dorm ng boys. Nasa gitna yung room ko. Kay Chase yung una, tapos kay Gaven yung nasa dulo. Si Chase ang nilagay namin sa first room kasi hindi na nya kaya pang maglakad dahil sa pagod sa nangyaring laban nila ni Ice. Si Gaven naman mukhang alert na alert pa at nagawa pang ihatid si Rin sa room niya sa dorm ng girls. Grabe lang.
.
Ang cool ng Reiki ni Chase, kaya niya magteleport sa kung saan niya man maisip. Si Gaven din na ngayon lang namin nalaman ang Reiki. Kaya niya palang kopyahin ang Reiki ng iba kung mahahawakan niya ito. Kaya pala ewan yung sagot niya sa amin ni Rin kanina lang sa coffee shop.
.
Haist. Ano pa ba ang magagawa ng Reiki ko bukod sa maghalungkat ng nakaraan o hinaharap ng mga bagay na nahahawakan ko? Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko habang nakahiga pa rin sa malambot na kama. Inalis ko muna ang gloves na binigay ni Raishell.
.
Si Raishell nga pala. Kumusta na kaya siya? Grabe mga ilang oras pa lang kami nagkakahiwalay miss ko na agad siya. I still remember nung sa coffe shop kami kanina. Binigay niya sa akin tong bracelet na navy blue. Gawa din daw niya to as remembrance sa pag-alis ko. And this is what I like about my Reiki. I can always go back to my happy memories. Hinawakan ko yung bracelet and as what I’ve expected…
.
.
.
.
.
.
.
.
“Sana magustuhan to ni Jiro.” Si Raishell na nakaupo sa study table niya habang hawak-hawak ang bracelet. Nasa room siya na kulay pink at punung-puno ng stuffed toy. Room niya siguro. Ay oo room niya nga kasi may malaking portrait ng mukha niya na ipininta pa sa dingding niya. Ang ganda niya talaga.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong room niya. Ang girly pala nito. May mga stuffed toy ni Hello Kitty in different national costumes. May whole cast din ng spongebob siya na nakahilera sa sahig. May mga pink Stitch ba yun? Blue ang alam kong color ni Stitch eh sa Lilo and Stitch pero pink yung kanya. Ala ewan. Hindi talaga ako nahilig manuod ng cartoons. Mas gusto ko pa magbasa kesa manuod ng mga cartoons.
.
Mga 7:30 am na pala. Usapan kasi naming magkikita kami ng 8 sa coffee shop para naman makapagpaalam ako sa kanya. 8:30 naman ang usapan naming ni Rin kaya may allowance kaming 30 minutes para makapag-usap ng kami lang.
Pumasok na siya sa banyo niya. Maliligo na ata. Pinuntahan ko yung table niya at nakita ang isang scrapbook. Kaya ko nga palang hawakan ang mga bagay dito pero hindi nun magugulo ang ayos ng oras at hindi rin makikita ng ibang tao yun. Kinuha ko yun at binuksan.
.
Picture ko to nung Grade 1 ah? Nasa may puno ako sa school grounds at binabasa ang libro ko. May caption pang nakalagay na “Si Jiro Forever na lang nagbabasa.”
Yung next na picture ay nung Grade six na kami. Nasa room ako mag-isa at hawak pa rin yung book. May caption na “Hanggang ngayon ba naman Jiro?”
Napapangiti ako sa mga sumunod pang picture. Hindi ko alam na since nung grade school pala napapansin na niya ako. Gaya na lang ko paano ko siya kaagad napansin ng magtransfer siya sa school naming nung grade 1.
.
Ibinalik ko na yung scrapbook na may title palang “Memories of Him”.
Maya-maya pa’y lumabas na rin siya ng banyo at nakatowel lang. Oww sh*t! napatakip ako ng mata ng magsimula na siyang magbihis. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mga pisngi ko at pulang-pula na ito. I’m not a perv! Jiro you’re not a perv.
![](https://img.wattpad.com/cover/25412535-288-k508784.jpg)
BINABASA MO ANG
Gakuen no Reiki Nouryoku
Science FictionSci-Fi|| A story of friendship, love, hatred, greed, power. ------------------------------------------- She can read your mind. He can peek into the past or the future. She's invincible. He can go anywhere. She knows everything. He can do anything. ...