Tinawag na yung mga players para maumpisahan na ang laban, nasa gitna na sila ng court kitang kita nila kung pa'no ngumisi ang mga kalaban nila na parang alam nila kung anong ibig sabihin non pero hindi nalang nila pinansin.
Si Abby yung tatalon para isapa sa kakampi niya yung bola, binato na ng referee yung bola agad namang tumalon si Abby para mapalo niya sa kakampi niya, nag tagumpay naman siya ro'n kasi nasalo agad ni Cole yung bola, mabilis ang galaw ni Cole kaya hirap maagaw yung bola sa kaniya, pero hinarang siya ulit dahilan para hindi na siya maka galaw ng maayos kasi dalawa na yung humaharang sa kaniya, kaya pinasa niya yung bola kay Jaydee agad namang nasalo ni Jaydee yung bola, malapit lang siya sa ring kaya tumalon na siya at shinoot yung bola, na shoot ito kaya naman napalibutanan nanaman ng ingay ang buong court.
Tumagal yung laban napaayos naman sila kasi hindi marumi ang laro ngayon kumpara dati. tinawag na sila para mag break muna, umpisa palang grabe na ang laban seryosong seryoso silang lahat, lamang naman sila '18-15' ang score.
"Hindi ako kampante sa mga kalaban niyo, kaya ayusin niyo pag naka ramdam kayong na hindi tama make a move okay? i trust you guys do your best and i got your back." Sabi naman nung coach nila, tama naman siya hindi siya kampante kasi alam niyang sa umpisa lang ganyan yan pero pag tumagal dudumi na yung laban.
"Yes sir!" sabay sabay nilang sabi. Kaniya kaniya ring punas sa mga bebe nila, si Gabb naman ayon naka upo pa kumakain ng Nutella hindi pa siya sinasalang kaya chill chill lang sya.
"BALIK NA MGA PLAYERS READY FOR 2nd QUARTER!" sigaw nung mc kaya naman agad silang bumalik sa loob nang court at nag umpisa na ulit ang laban.
Sa kalaban ang bola ngayon, nag dridribble naman yung isang matangkad sa kalaban, si Ecka naman yung humaharang syempre ayaw nilang matalo kaya ginagawa nila yung best nila, aagawin niya na sana yung bola dahil open naman kaso nung aagawin niya na bigla syang tinulak nung kalaban dahilan para matumba siya, napatayo naman sila Coleen pero nginitian lang sila ni Ecka para sabihin na okay lang sya. Sa kalaban yung score. Hindi muna siya umimik kasi okay lang naman siya.
Nag patuloy lang yung laro nila pero patagal ng patagal dumudumi na, kanina si Ecka ngayon naman si Cole imbis na yung bola yung tabigin yung braso niya ang natamaan kaya napa luhod siya sa sakit, na pag disisyonan na mag break muna dahil halata na rin sa kanila na pagod na sila.
"Sir ang daya parang binayaran yung referee hindi manlang na foul kanina si ate Ecka." Reklamo ni Jaydee, tama naman siya kaso lang hindi gaano nakita yung pag tulak kaya wala silang magagawa.
"Magaling sila mandaya kaya hindi nahahalata na mali sila, 'yan tandaan niyo kaya ayusin niyo lang, kung may mali na bumawi na kayo ako bahala." Sabi nung coach nila. "Gabb pasok kana sa 3rd Quarter, dapat your moves are still the same like before pakita mo sa akin." dagdag pa nito kaya naman tumango si Gabb, actually dapat si Gabb yung leader ng team magaling siya at mabilis yung galaw niya, hindi umuubra sakanya yung mga pang dadaya kasi alam niya ang gagawin, kaso umayaw siya wala lang ayaw niya lang tamad nga kasi.
"Alright 3rd Quarter na, may mga bagong papasok na players get ready!!" sabi nung mc kaya nag sigawan nanaman. Kaya pumasok na sila Gabb, Lara at Daryll, pahinga na sila Ecka Jaydee at Gia. Napuno nanaman ng sigaw ang buong court dahil sa mga bagong pasok na players pero most of all kay Gabb yung pinaka malakas.
"GOO GABB!"
"POGI MO GABB GALINGAN MO!!"
"SURE WIN NA UE!"
Sigawan ng mga tao sa court, hindi na nila pinansin 'yon ang iniisip lang nila makaganti sila, hindi sa maduming paraan kundi sa maayos at tama.
Na kay Lara ang bola ngayon todo sigaw naman si Brei kaya ngumiti naman si Lara, mabilis yung galaw niya at isa pa matangkad siya mas malaki siya sa nakaharang sa kaniya ngayon kaya hindi siya nahirapan ishoot yung bola sa Three points kaya naman nag sigawan nanaman.
YOU ARE READING
MNL48 Book : After / UNICOCO
FanfictionWARNING!!! MATURED CONTENT!!! I WARNED YOU ALREADY, ENJOY READING! COMPLETE MNL48 Ship: UniCoco MNL48 Series Book : After This story is work of fan fiction and imagination, place, character, etc. Read and you'll figure how strong they are to fight...