GABB'S POV
Grabe ang tatagal nila kumilos, i mean bumili ng kung ano.
Nandito pa rin kami sa Strawberry Farm, namimitas pa rin sila, ako nandito lang ako sa upuan nakaupo, alagang naka tayo upuan nga eh.
Si Coleen din nandoon nakikimitas na rin, niyayaya n'ya nga ako eh kaso ayaw ko nakakatamad.
Pinag mamasdan ko lang itong magandang tanawin dito.
Until i saw something selling.....
"Oh gush tahoo!!" sigaw ko sabay tayo, napalingon naman ang ilan sa'kin dahil sa sigaw ko, kakahiya kaya nag sorry ako.
Nilapitan ko yung nag bebenta, busy naman ang mga kasama ko kaya rito na muna ako saglit.
"Pabili mo." sabi ko ng naka ngiti.
"Magkano sayo iho?" tanong n'ya.
"Yung pinaka malaki po, how much po?" i asked.
"Yung isa 50 yung isa 80." he said and smile, i think nasa 60s na s'ya.
"Yung 50 po muna." ngiting sabi ko rin.
Tumango naman si manong at nilagayan yung isang medyo malaki na baso.
"Strawberry or yung normal lang nak?"
"Yung Strawberry nalang po."palihim naman akong napa ngiti dahil sa tinawag n'ya sa'kin.
"Ito oh." sabay abot sa'kin, kinuha ko naman ito at binayaran.
Agad ko namang tinikman.
"Hmmm ang sarap omaygush." sabi ko ng naka pikit pa.
"Kayo po ba mismo gumagawa nito?" tanong ko.
"Oo nak, kailangan eh wala kasing budget pag nag pagawa pa ako sa iba." sabi n'ya.
"Pero manong sa edad n'yo pong 'yan? okay lang sainyo?" tanong ko ulit, baka naman kasi may nakakasama s'ya bakit s'ya pag nag lalako n'yan.
"Kailangan talaga, may sakit kasi yung anak kong lalaki, kailangan ko ipagamot kaya nag sisikap kahit tumatanda na." sabi n'ya at lumungkot ang muka n'ya, shiii.
"Ilan po ba anak n'yo? kase dapat po sa age n'yo nasa bahay nalang." sunod sunod kong sabi, tama naman ako eh.
"Dalawa lang sila nak, isang babae isang lalaki. Yung babae nag aaral pa kaya double gastos, pero okay naman." sabi n'ya sabay ngiti pa, grabe ang swerte naman nila kay manong.
"Alam n'yo po ang swerte nila sa'yo." sabi ko sabay inom ng taho.
"Bakit naman anak?" tanong n'ya.
"My father never did that to me, i mean lagi nalang po iba yung iniisip n'ya, wala siyang oras sa'kin simula bata pa ako." mahabang sabi ko, habang naka tingin sa malayo.
"May ganyan talaga, pero mas maganda pa rin yung nag bobonding kayo mag tatay."sabi n'ya pa, may bumili naman kaya inantay ko muna umalis bago ulit ako mag salita.
"May bago na siyang asawa, paanokami mag bobonding." sabi ko, para akong batang nag susumbong, sakto naman ang pag alis ng mga bumibili.
"Ayaw ko mangimasok nak pero para sa'kin? mag bonding kayo kahit isang araw lang, sayang yung mga panahon." sabi n'ya pa.
"Salamat po tay ah, kahit papaano naramdaman kong nag ka tatay ako." sabi ko ng naka ngiti, tinapon ko naman yung cap na pinag lagyan ng taho kasi ubos na.
"Ano ka ba naman wala yon, turista lang ba kayo dine?" tanong n'ya kaya tumango tango naman ako.
"Sabi ko na nga ba, pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako lagi, dito lang ako naka pwesto." sabi n'ya pa at ngumiti, nakakahawa ang ngiti ni tatay, yung kahit ang hirap na ng buhay pero sa mga ngiti n'ya parang wala lang.
YOU ARE READING
MNL48 Book : After / UNICOCO
FanfictionWARNING!!! MATURED CONTENT!!! I WARNED YOU ALREADY, ENJOY READING! COMPLETE MNL48 Ship: UniCoco MNL48 Series Book : After This story is work of fan fiction and imagination, place, character, etc. Read and you'll figure how strong they are to fight...