CHAPTER 26

2.6K 124 10
                                    

"But with trill, I'll eat ice cream with your Juice." bulong ko sa kaniya.

Kahit madilim dito sa pinag istopan namin kita ko pa rin ang pag pula ng mukha n'ya, siguro napunto n'ya ang sinabi ko.

Hinawi ko ang buhok n'ya na nakaharang sa mukha n'ya at nilagay sa tenga n'ya.

Tinignan ko s'ya ng diresyo, ganon pa rin ang mukha nya naka tulala pa rin.

Nagulat ata sa sinabi ko?

"Gabb" mahinang tawag n'ya sa'kin.

"Hmm?"

"You always- ah wala." sabi n'ya at umiling iling pa.

"Ano nga?" tanong ko pa.

"Ano ahhhh..." parang kinakabahan pa s'ya, inayos n'ya ang upo n'ya at nilapag muna yung ice-cream na hawak n'ya.

"Ano?" tanong ko ulit.

"You" nakaturo pa s'ya sa'kin.

"Me?" tinuro ko rin sarili ko ang gulo n'ya kasi.

"You..." sabi n'ya pa ulit habang kinakamot ang ulo n'ya.

"You? Me?" tanong ko.

"Sinong Yumi? babae mo?" what the?

"I said You, Me not Yumi the freak." sabi ko sabay turo sa'kin.

"Ano ba sinasabi mo kanina? hindi pa kasi sabihin." sabi ko ng medyo may inis.

"Ewan ko sayo." sabi n'ya at parang naiinis din.

"Ano ba? ano meron?" tanong ko, kinuha ko naman saglit yung phone ko para tignan kung anong oras na, 7 palang naman ng gabi.

"Wala mag drive ka na nga." tignan mo itong babaeng 'to may sapi.

Napa irap nalang ako at hindi kona s'ya pinansin, pinaandar ko na ulit ang sasakyan papunta sa Resthouse.

Anong oras na rin kasi baka pagalitan pa kami, tinakas ko lang naman si Coleen kagabi eh.

Tinuloy n'ya naman ang pagkain ng ice-cream, malapit lapit naman na rin kami saka parang inaantok na ako agad kahit maaga aga pa.







Bababa palang ako para pag buksan s'ya ng pinto pero inunahan n'ya na akong lumabas.

May sapi nanaman yung babaeng 'yon, s'ya itong kung ano ano sinasabi s'ya magagalit, sinapian nanaman ng demonyo 'to.

Hinayaan ko nalang at lumabas na rin ako.

Then i grabbed the ice-cream we bought earlier at sumunod na sa kaniya papasok.

Kumatok s'ya at pinag buksan s'ya ni ate Alice ng pinto.

Dirediresyo lang siyang nag lakad paakyat papuntang kwarto namin kaya nag tatakang tumingin naman sakin sila ate.

"Hindi ko alam." bungad ko sakanila at pumunta sa kusina para ilagay yung mga ice-cream na binili namin, dadalhin ko nalang ito pag uwi ng manila iba kasi ice-cream dito kesa roon, masasabi kong mas masarap lalo na pag may kasamang ano ay wala gegeg.

"Nag away kayo?" tanong sa'kin kaya nilingon ko sila, lahat sila naka dungaw sa kusina para itanong ako haynako kung alam n'yo lang ate.

"Hindi, may sapi." sabi ko natawa naman sila at sabay sabay nag takip ng mga bibig nila nang dumaan si Coleen at may kinuha sa ref, syempre ano pa ba edi ice-cream.

"Coc- may sapi nga." tawag sa kaniya ni Cole pero hindi s'ya pinansin nito at dirediresyong nag lakad paakyat ulit.

"Hayaan n'yo na 'yon ako na bahala doon." sabi ko at nag hugas ng kamay.

MNL48 Book : After / UNICOCOWhere stories live. Discover now