CHAPTER 12

1.9K 98 6
                                    

THIRD PERSON POV

5th months na sila Gabb sa US okay naman sila, lagi lang talaga silang nag aaway ni josh, pero mas sanay sila sa ganon. Napapadalas ang alis nila, pinakilala pa nga ni Josh yung kaibigan niyang si Stell eh. Wala sa pilipinas dati to at hindi kasama sa mga kalokohan ni Josh, kaya mas madalas mag usap si Gabb at si Stell kaya lagi nalang inaasar ni Josh si Gabb.

Si Dana naman ayun okay na s'ya, may pilay nalang yung kanang braso n'ya pero kaya n'ya naman. Bali lima sila laging mag kakasama, iisang University lang din ang pinag aaralan nila kaya mas lalo silang napalapit sa isa't isa.

"Nga pala Josh bakit mo naisipan mag aral dito?" tanong naman ni Gabb nandito sila sa Siesta Key beach. Kahit malayo sa tinutuluyan nila pinupuntahan parin nila ito. Kasama nila yung tatlo pero umalis saglit para bumili nang pag kain kaya silang dalawa lang ang natira.

"Wala lang, daming chix dito dude hanapan kita mamaya sa bar." sabi nito sabay taas baba ng kilay kay Gabb natawa naman nag kaonti si Gabb sa inasta nito.

"Sira." ayun nalamang ang nasabi n'ya.

"Ikaw bakit pala nandito ka?"

"Dahil kay Dana saka par- para mang babae haha." palusot n'ya dito, hindi pa s'ya handa mag sabi sa kahit kanino kaya sinasarili n'ya nalang muna.

"Sige mamaya bar tayo ah, may malapit na bar dito sulit bayad don dude." sabi naman ni Josh sabay ngiting pang loko, so Gabb just chuckled.

"Ayun na yung mga ungas, buti dumating pa yan akala ko patay na eh." sabi naman ni Josh habang papalapit yung tatlo sa pwesto nila.

"Tagal niyo ah nabili niyo na ata yung buong store." taray na sabi naman ni Gabb.

"Chill ka lang, ito kasing si stell akala mo sinong maamo yung muka babaero naman." inis na sabi ni Dana.

"Eh sila yung lumap-"

"Kapal mo naman nakita mo lang yung legs nung babae nilapitan mo na manyak ampota."

"Parang ikaw hindi ah, kayo rin naman ni kielle akala mo din kung sinong hindi ng babae kanina eh." barahan nila napakamot nalang yung dalawa sa ulo nila.

"Pareparehas lang kayo ang ingay niyo pa, handa niyo na yan nagugutom na ako." utos naman ni Gabb.





"Tara bar na tayoooo!" sigaw naman ni Josh kahit kalapit niya lang mga kaibigan niya.

"Alak na alak amp." sabi naman ni Kielle.

"Wag kang ano dyan ikaw din naman. */smirk. pinopormahan mo nga yung kumakanta don eh, ikaw ahh. Mamaya may lalaruin tayo HA HA." asar ni Josh kay kielle, tapos umiral nanaman yung ka demonyohan n'ya.

"Ayan ka nanaman puro ka kalokohan." sabi naman ni Gabb sabay kain nang Nutella. lagi siyang may dala nito kahit saan siya pumunta.

"Ano tara na babagal niyo naman." sabi ulit ni Josh. Hindi naman s'ya pinansin nang mga kasama n'ya kasi inaayos pa yung mga ginamit nila kanina. si Gabb naman ayon nandoon na sa kotse n'ya natutulog.

"Stell dala mo kotse mo?"

"Oo bakit?"

"Sayo mo na isakay yang dalawa, tulog si Gabb eh una na kayo sa bar sunod kami, gisingin ko lang." sabi naman ni Josh tumango nalang si Stell at tinawag na ang dalawa para maka alis na sila.

Nag lalakad na si Josh papunta sa kotse ni Gabb para gisingin n'ya ito pero nagulat s'ya sa nakita n'ya.

"Tangina mo ka akala ko natutulog ka!!" Sigaw ni Josh sa labas nang kotse ni Gabb sabay katok sa bintana, nagulat naman si Gabb kaya agad nyang pinatay yung selpon n'ya saka binaba yung bintana n'ya.

MNL48 Book : After / UNICOCOWhere stories live. Discover now