CHAPTER 45

1.1K 71 2
                                    

COLEEN POV

I still don't know what to do, after that night. Masiyadong naapektuhan itong buong pagkatao ko, hindi ko alam. ang hirap gusto ko mamahinga.

Kaso yung pahinga ko mas lalo akong pinagod.

---

This is the first time na tamadin akong makinig sa klase, usually kasi ako lagi yung nag sasagot o kaya ay uuwi akong may naaral, pero ngayon? ewan ko bagsak itong katawa ko, sobrang hirap.

Yung tipong you tried to listen about the lesson pero na tutulala ka, tapos bigla nalang tutulo luha mo, sumasakit na nga rin mata ko kakaiyak, minsan feel ko wala ng lumalabas na luha kasi naiyak kona lahat, pero meron pa rin pala, kaya mas masakit lalo sa mata.

Tapos na yung klase kaya i fix my things muna, wala na pala akong kasama sa loob ng room kundi ang guro namin.

Palabas na sana ako pero agad akong napatigil.

"Coleen, someone wanting to give this to you kanina, walang siyang name na sinabi eh." nag tataka naman akong kinuha ito, tumango naman ako at tuluyan ng lumabas ng room namin, dumiretso na muna ako sa cafeteria dahil nakaramdam ako ng gutom.

Sinosolo ko ang isang table, wala rin naman akong makakasama rito, may klase pa sila Frances, hindi rin naman nila alam yung nang yari sa akin nung weeks ago, yeah it's been a week pero sobrang apektado pa rin ako, who should not?

Sinilip ko naman yung envelope na brown, maliit lang s'ya pero parang may naka lagay na things kasi naka lobo s'ya ng konti.

Ramdam ko namang may umupo sa harap ko pero hindi ko ito pinansin, ang sabi ko kakain ako pero pinapaikot ikot ko lang sa tinidor yung pasta na binili ko kanina.

I sigh deeply.

"Wanna talk to something?" inangat ko naman ang tingin.

It's Jan.

---

We decided to sit here on the grass, like a school park na ewan ko basta pwede s'ya tambayan.

Nakakabingi ang katahimikan, tanging mga tao lang at yapak nila ang naririnig namin.

Binasag naman ni Jan ang katahimikan.

"What's happened?" she asked, hindi agad ako naka sagot, every time kasi na bumabalik parang mas lalo akong nasasaktan.

"Okay i won't force you to tell me kung anong nangyari, pero nandito ako lagi for you ha?" aniya sabay tapik sa balikat ko, nginitian ko naman ito ng pilit, wala ako sa panahon para ngumiti.

Bumaba naman ang tingin nito sa envelope na hawak ko, bumalik naman ang tingin n'ya sakin, tingin na nag tatanong kung ano ito.

"Kahit ako hindi ko alam kung kanino galing." tugon ko, tumango tango naman s'ya.

"Yon! nag salita rin." masigla niyang sabi, tinignan ko naman s'ya, inayos n'ya uli yung mukha n'ya, parang ang saya saya nito ngayon, tapos nandito s'ya sa tabi ko pinipilit akong panginitiin.

"You want to rest or something? samahan na kita pauwi." she offered, umiling naman ako.

"Dito nalang ulit ako sa dorm ko, may gamit pa naman ako rito." pilit kong ngiti sa kaniya, tumango naman s'ya at tumayo, inilahad n'ya ang kamay sa'kin, agad ko rin namang tingap.

She gave me cute smile, so i smiled back pero saktong ngiti lang, bumusangot naman ito at agad akong niyakap.

"Nakakainis hindi ako sanay na gan'yan ka." pag mamaktol n'ya, usually kasi pag mag kasama kami madaldal at lagi kaming nag tatawanan, sorry but this is not the right time para mag panggap ako.

MNL48 Book : After / UNICOCOWhere stories live. Discover now