CHAPTER 27

2.6K 111 7
                                    

"Paki kuha naman no'n." utos ni Alice kay Jaydee na kunin ang tali agad n'ya naman itong kinuha at inabot kay Alice.

"Ate pwede ba mamaya mo na gawin 'yan? mag lunch na muna tayo anong oras na oh." reklamo ni Jaydee.

Nandito kasi sila ngayon sa loob ng office ni Alice, dalawa lang sila nag papatulong lang si Alice na maki abot ng kung ano ano.

"Mauna kana, matatapos na' to." utos sa kaniya, kaya agad siyang tumango at lumabas na ng office ni Alice, Dumeretso s'ya sa Restaurant at nakita n'ya naman ang mga ate n'ya.

JAYDEE POV

Lagi nalang ganito nakikita ko ang sakit sakit sa mata.

Pag pasok ko sa Restaurant nakita ko naman agad sila ate Sela kaya lumapit na ako sa kanila at umupo sa tabi ni kuya Stell.

Kumpleto na pala, kami nalang pala ni ate Alice ang hinihintay nila.

"Oh bakit ikaw lang? saan si capt?" tanong naman ni ate Abby ng makaupo ako.

"Nandoon pa matatapos na raw s'ya, mauna na raw tayo." sabi ko, tumango naman s'ya at nag umpisa na kaming mag dasal bago kumain.

Saglit lang ay natapos din, kaya kaniya kaniyang kuha na kami ng pagkain namin.

Dapat pala hindi ako dito pumwesto, sa harapan ko pa talaga nag susubuan 'tong mga ito.

"Huyyy yung kutsara masisira na." sabi ni kuya Stell kaya nilingon ko s'ya at sinamaan ng tingin, tinawanan n'ya lang ako ng mahina at tinuloy ang pagkain n'ya.

Aish nakakawalang gana kumain araw araw nalang, bakit ba hindi pa ako masanay na ganito lagi ang bubungad sa akin.

"Kung ako sayo mag moveon kana." bulong pa nitong ni Cole sa tabi ko.

"Wag mo akong kausapin." sabi ko at sinubo ang pagkain na nasa kutsara ko.

"Kesa gan'yan ka araw araw, kulang nalang mawalan kana ng gana, wala ng laman d'yan sa katawan mo ang konti mo kumain." sabi n'ya at tumingin sa'kin, tsk porket okay na sila ni Laney.

"Edi ikaw kumain oh sayo na." sabi ko at inilagay sa plato n'ya ang pag kain ko.

"Parang sira to kunin mo 'yan." sabi n'ya pero hindi ko s'ya pinakinggan.

"Akala ko ba gusto mo 'yan na." sabi ko naman at tinarayan s'ya.

"Kayong dalawa pag untugin ko kaya kayo? nasa harap kayo ng hapagkainan." saway ni ate Abby sa'min.

"Eh paano 'tong kaibigan natin hindi la-" hindi oo na pinatapos si Cole mag salita at sinubuan ko s'ya ng pagkain namin dito.

Ieexpose nanaman ako nito baka sabihin hindi pa ako nakaka move on.

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni kuya Stell kaya nilingon ko s'ya at inirapan.

"Ano ba kasing pinag aawayan ninyo r'yan?" tanong ni ate Alice ng makarating s'ya sa table namin.

"Yang dalawa nag aaway nanaman." sabi ni ate Abby.

Yung iba naman walang paki kasi busy sa mga jowa nila.

Uminom na ako ng tubig at tumyo.

"Busog na ako, una na ako." sabi ko at nag lakad na palayo.

"Hoy diba pinipilit mo ako kumain kanina!" sigaw ni ate Alice pero hindi ko na s'ya pinansin at dumiresyo nalang sa dagat para tanawin ang asul na tubig at ang magandang buhangin dito.

Last day na pala namin ngayon at uuwi na kami bukas.

Umupo muna ako sa may duyan dito na naka kabit sa puno at pinag masdan ang pag anod ng tubig.

MNL48 Book : After / UNICOCOWhere stories live. Discover now