CHAPTER 56

751 52 3
                                    

Huling araw na ito ng pagiging dalaga ni Coleen at Gabb. Tuwang tuwa naman si Gabb ng makapasok sila sa isang silid na puro alak, halos nag sigawan silang lahat dahil ito nalang ulit ang araw na kompleto sila at sama samang mag iinom.

"Nice! masarap tulog nang gumawa nito!" sigaw ni Ecka at kumuha agad ng isang bote ng beer.

"Tara na simulan na natin 'to!"

"Hindi ko na alam ate naguguluhan ako..." Cole said between her sob, hindi naman alam ng mga kasama niya kung matatawa ba sila o maawa sa kaibigan, ang pangit kasi nito umiyak at ito rin ang unang beses nilang nakitang umiyak si Cole dahil sa babae.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin iyang nararamdaman mo, if she'll reject you accept it pero ka pag gusto ka rin niya pabalik mas maganda 'yon." ani Alice sabay inom ng beer, nag punas naman ito ng mukha at kumuha ulit ng isang bote, parang walang naririnig itong bata na 'to.

"Huwag ka kasing masanay na lagi babae ang aamin sa'yo, matuto ka rin." sabi naman ni Gabb sa kaibigan, hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kaibigan niya ngayon at halos hindi na alam ang ginagawa sa kabaliwan, ano ba kasing ginawa ng Yzabel na 'yon.

"Tama, wala kang mapapala kapag hinintay mo pa siyang umamin at baka maunahan kapa." pag sang ayon naman ni Daryll.

"Sige, Gabb sa akin mo ipa bato yung bulaklak bukas at itatakas ko si Yzabel, walang hiyang babae yon nababaliw ako sa kaniya." natawa naman sila sa sinabi nito, mukhang seryoso na ang kaibigan niya at totoo na ang nararamdaman nito, napa iling nalang siya.

"Kayo Daryll? ang gulo ng buhay niyo ah." tanong naman ni Lara rito, hindi na kasi nila maintindihan itong si Daryll at laney.

"Ewan ko ba, naka ilang beses na kaming nag break pero bumabalik pa rin, siguro kami nga talaga sa isa't isa." anito. "Paano naman si Rianna?" agad na tanong ni Gabb at diretsong tinitigan si Daryll.

"Kilala mo?" tanong nito. "Oo." maikling tugon niya.

"Gabb umayos ka." bulong sakaniya ni Alice.

"Paano?" kunot noong tanong ni Daryll.

"My parents and her parents are friends, so bali nakakabatang kapatid ko na rin, so ano kumusta ang kapatid ko? hindi mo ba siya sinaktan?" gusto niya ng kotongan si Daryll yung tipong aalog ang utak nito, dahil halata sa mukha nito na kinakabahan siya.

"No Gabb, siya ang nanakit sa akin. iniwan niya ako sa pinas dahil pinapalayo na raw ako ng parents niya sakaniya." walang gana na sabi nito. "Bakit daw?" nag bago na ang isip niya hindi niya na pala kokotongan si Daryll.

"Mukha raw kasi akong adik na naka brace." Agad naman tumawa si Jaydee na parang walang bukas kaya nahawa na rin sila.

"Hindi nga Daryll?" tanong ulit ni Gabb ng mahimasmasan sila.

"Hindi nag work, balak ko na nga siyang ligawan noon kaso may pumipigil sa akin. Binibigyan niya rin ako ng rason para hindi ko matuloy ang balak ko." seryosing sabi nito.

"Hindi pa yata ganon ka matured iyon, makikipag flirt ka nalang kasi sa mas bata pa sa'yo." sabi naman ni Alice.

"Sa totoo lang matured na siya, ang bait nga eh. Kaso hindi talaga kami para sa isa't isa kaya hindi na namin pinilit, bago siya umalis ng pilipinas nag usap kami ng maayos kaya no worries ate Gabb hindi ko sinaktan ang little sis mo." paliwagan nito kaya binato niya ang isang beer kay Daryll at nag apir pa sila.

"Oh tama na 'yan mag walwalan na!" sigaw niya naman kaya nag tayuan sila at nag sayawan na parang mga teenagers.

On the other hand Coleen and her ate's are talking about Yzabel, kanina pa kasi ito nag rarant sakanila at halos wala na silang mabigay na advice.

MNL48 Book : After / UNICOCOWhere stories live. Discover now