TOS 7

121 41 4
                                    

Aisla's POV

Makalipas ang ilang linggong pag-aaral ko sa SBIS ay mas lalo akong naging malapit sa mga kaibigan ni Xylene, minsan pa ay nakikisabay na ako sa mga biro nila, masaya pala kapag marami kang kaibigan, hindi tulad noon sa dati kong eskwelahan wala man lang akong kahit isang kaibigan, siguro dahil hindi ako mahilig makihalubilo sa mga kapwa ko estudyante noon kaysa ngayon.

Paminsan minsan din nakakasabay ko rin si Raze sa pag uwi kapag may importanteng pupuntahan si Xylene, hindi nga alam ni Xylene na kapag hindi ko siya kasabay umuwi eh si Raze ang kasabay ko pero hinahatid lang ako ni Raze sa may kanto namin, kasi hindi pwedeng malaman nila papa at mama na may kasabay akong lalaki kapag uwian.

*bzzzt, bzzzt* (Author; tunog yan ng nagvi-vibrate na cellphone HAHAHAA)

Tinigil ko muna ang pag kain ko atsaka ko tiningnan ang cellphone ko dahil nagvibrate ito, baka sila mama o di kaya si papa ang nagtext, napabuntong hininga nalang ako atsaka ko tiningnan sila Xylene na busy sa kakaselfie.

"You might want to take a selfie with us?" Tanong ni Reuxe sa akin habang hawak niya ang cellphone

"Boba! groupie ang tawag dito hindi selfie, ano sis? Kapag selfie sariling picture mo lang, pero pag kasama mo kami groupie tawag do'n" pag eexplain ni Ayu, bahagya akong napailing at natawa dahil pati ang term na selfie pinag-aawayan nila. "Ayan kasi puro si Kurt ang iniisip" dagdag pa ni Ayu

"Hoy foul yun!" Pang-aasar pa ni Prim.
"Shut up, Miss Ayu Fedelista!" Asar na sabi ni Reuxe kay Ayu. Natigil lang ang pagtatalo nila nung biglang tumunog ang cellphone ko, agad naman silang napatingin sa akin pagkatapos ay tiningnan nila ang pangalan ng tumatawag.

Razey Calling~

"Ohmygosh don't tell me si Raze Yuan yan?" Excited na tanong ni Ayu sa akin.

"Nakikita mo na nga yung pangalan diba? It means si Raze yan, bobita!" Ganti ni Reuxe kay Ayu

Sa aming magkakaibigan talaga sila Reuxe at Ayu talaga ang laging nagtatalo, minsan naman caring sila sa isa't isa pero mas okay na yung nagt-trash talk-an sila atleast totoo sila sa isa't isa.

"Ano nanaman bang kailangan ng impaktong yan sayo?" Mataray na sabi ni Xylene habang nakacrossed arms.

Napailing naman ako dahil hindi ko rin naman alam kung bakit tumatawag si Raze sa akin.

"Sagotin mo na sis, promise hindi kami mag iingay" sabi naman ni edmarie kung kaya't sinagot ko naman agad ang tawag ni Raze.

"Loud speak mo naman" Nakasimangot na sabi ni Yujin.

Kung kaya't ni loud speak ko naman agad ito.

"H-hello" nauutal kong sabi, siyempre kinakabahan parin ako kahit ilang linggo ko na siyang nakakasama kapag wala ang DS girls.

"Anong ginagawa mo ngayon?" Malumanay na sabi niya, teka nasaan ba siya? Bakit kailangan niya pang tawagan ako?.

Tiningnan ko naman ang mga kasama ko na tila ba parang pinipigilan nila ang kilig, maliban lang kay Xylene na nakabusangot habang nakikinig.

"A-ahh wala naman, I-ikaw a-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko sa kanya, parang tatalon na ang puso ko sa sobrang kaba, ewan ko ba? Sa tuwing kausap ko siya natatanga ako HAHAHAHAHA

"Tinitingnan ang mundo ko, kahit sa malayuan napakaganda mo" sabi ni Raze dahilan para lumingon lingon ako at nakita ko siya sa malayo, nakatayo siya at kasama niya ang mga kaibigan niya at kita ko naman na nagtatalon si Jake na tila mukhang baliw, habang sila Law at Rynx naman ay seryosong seryoso ang mukha.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon