TOS 21

110 30 9
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula ng lisanin ko ang bansang pilinas, at simula ng dumating ako dito sa US ay sinubukan kong bagohin ang buhay ko, ngunit mayroon talagang mga bagay na hindi mo makalimutan sa past mo.

Mag-isa akong kumakain dito sa Restaurant, habang kumakain ako ay tinitingnan ko ang mga tao sa paligid ko na masaya habang kumakain kasama ang mga kaibigan nila. Hays namiss ko tuloy ang DS.

kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko iyon, nagchat ako sa GC ng DS.

Aisla Xyceria: Kumusta kayo? Miss ko na kayo.

Edmarie Patrocenio: Ito busy sa thesis.. Ang dami ring school project na pinapagawa hays nakakastress.

Reuxe Hudecca: Same here.

Prim Demonteverde: Buti ako tapos na sa thesis ko at sa mga project.

Edmarie Patrocenio: Edi sanaol masipag

Prim Demonteverde: Tamad ka kasi! HAHAHAHA

Xylene Takahata: Aisla, we miss you! Balik ka na.

Aisla Xyceria: Miss na miss ko narin kayo, babalik din ako.

Ayu Fedalista: Sana sa birthday ko next year nandito ka para kumpleto tayo.

Napabuntong hininga ako dahil sigurado akong hindi ako makakapunta sa birthday ni Ayu.

Inilagay ko na ulit ang cellphone ko sa loob ng bag ko, at pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at naglakad palabas sa parking lot ngunit sa hindi ko inaasahan ay bigla na lamang akong nahilo.

"Oh my gosh, miss are you okay?" tinig ng isang babae, hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha dahil bigla nalang ako nawalan ng malay.

"She is four weeks pregnant" Unti unti kong iminulat ang mata ko, bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ko kung nasaan ako.

"W-what happened to me?" takha kong tanong habang nakatingin sa doctor.

"You suddenly collapsed earlier so I took you here to the hospital" sabi ng babae. Tinitigan ko naman ito, maganda siya, balingkinitan ang katawan, maputi at mukhang yayamanin, nakasuot siya ng Croptop at maikling short at naka Louis Vuitton bag.

"Don't worry your baby is safe" nakangiting sabi ng amerikanang doctor.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng doctor.

A-ano daw?

Sabihin niyong mali lang ang pagkakarinig ko!

Ohmg!!

"W-what? Are you kidding me? I don't have a baby!" reklamo ko sa doctor na tila nagulat sa pagbulyaw ko sa kanya.

"Relax" pagpapakalma sa akin ng babae.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"No.. It can't be!" naiiyak kong sabi, agad naman akong niyakap ng babaeng nasa harapan ko, ewan ko pero parang kailangan ko ng karamay ngayon kaya kahit hindi ko siya kilala ay napahagulgol nalang ako sa iyak.

"Sshh don't stress yourself" sabi ng babae atsaka niya hinagod ang aking likod upang matigil ako sa pag iyak.

Ilang sandali lang ang may ibinigay na papel sa akin ang doctor. Halos gumuho ang mundo ko ng makita ko ang ultrasound.

Paano na 'to? Paano ko sasabihin kila mama at papa na buntis ako? Paano na yung pag-aaral ko! Paano na yung pangarap ko?

"Your baby's heartbeat is fine, you need a bedrest, and don't let yourself get tired, by the way this is the vitamin you need to take to keep your baby healthy in your womb"sabi ng doctor sa akin atsaka niya inabot sa akin ang vitamin na sinasabi niya.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon