TOS 11

102 35 6
                                    

Nagising ako ng maaga, ewan ko kung bakit, basta ang alam ko masaya ako at excited akong makita ang lalaking bumubuo ng araw ko.

Dumiretcho na ako sa CR para maligo, at gawin lahat ng routine ko, pagkatapos kong gawin ang lahat mg dapat kong gawin ay tumingin ako sa salamin at sinuot ko na ang eye glass ako, at bahagya akong ngumiti habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin.

Naisip ko, bakit kaya ako nagustuhan ni Raze? Samantalang wala namang maganda sa akin. Pero hindi na bale basta ang mahalaga mahal niya ako.

Dumiretso na ako sa baba at naabutan ko si mama na nagtitimpla ng kape kung kaya't lumapit ako sa kanya, nagulat pa siya ng makita ako. Siguro nagtatakha siya kung bakit ang aga ko.

"Aba! ang aga mo anak ah? anong meron?" Lumapit ako kay mama atsaka ko siya inakbayan, nagtatakha pa siyang tumitig sa akin kung kaya't bahagya akong natawa.

"Mama, mas mabuti ng maging maaga kesa malate sa klase" sabi ko habang nakaakbay sa kanya.

"May boyfriend ka na ano?" Kunot noong tanong ni mama dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.

"Mama naman eh! Diba nag promise po ako na hindi ako magboboyfriend hangga't hindi po ako nagtatapos ng college?" Sabi ko atsaka ako ngumuso.

"Dapat lang anak na magtapos ka muna ng pag-aaral" sabi ni mama atsaka niya pinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.

Maaga sigurong pumasok si papa sa trabaho niya, kasi wala siya dito eh.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama, dahil makikipagkita pa ako kay Raze, pero hindi yun alam ni mama dahil baka pagalitan pa ako nun hahahaha.

Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan dito sa waiting shed at kung minamalas ka nga naman, biglang bumuhos ang ulan ng hindi ko inaasahan saan ako sisilong nito?.

Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko para humanap ng masisilungan ng biglang huminto ang pagdaplis ng tubig ulan sa balat ko, tumingala ako at nakita ko ang payong na nagsisilbing protection para hindi ako mabasa ng ulan. Tumingin naman ako sa may hawak ng payong, at laking gulat ko nang makita ko si Rynx na seryosong pinagmamasdan ako.

"Basang basa ka na" seryosong sabi ni Rynx habang tinitignan ako mula paa hanggang ulo, kung kaya't napatingin din ako sa suot ko.

Basang basa na nga ako buti nalang at waterproof ang bag ko at hindi nabasa ang gamit ko sa loob.

"T-thank you ha" naiilang na sabi ko.

Nagtatakha lang kasi ako kung bakit nandito siya, at kung bakit niya pinayungan.

"Sabay na tayong pumasok" pag aya niya sa akin, nagulat pa ako ng ilahad niya ang kamay niya sa akin, tinitigan ko lamang iyon ngunit mabilis rin naman niya itong binawi. "Okay lang kung ayaw mong hawakan ang kamay ko" sabi pa niya.

Pumayag na akong na sabay kaming pumunta sa school.

Naalala ko ang usapan namin ni Raze na magkikita kami sa coffee shop, muntikan ko ng makalimutan..

"Ahh Rynx ibaba mo nalang ako diyan sa may coffee shop" sabi ko, nagtatakha namang tumingin sa akin si Rynx. "Magkikita kami ni Raze hehe" sagot ko kahit hindi naman niya ako tinatanong. Napataas naman ang isang kilay nang sabihin ko yun.

"Are you sure?" Paninigurado ni Rynx. sunud-sunod naman ang pagtango ko para malaman niyang sure na sure ako..

Pinagbuksan niya na ako ng pinto sa may passenger seat habang hawak hawak niya ang payong malakas parin kasi ang ulan.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon