TOS 9

117 38 10
                                    

Aisla's POV

'Will you be my girl?'
'Will you be my girl?'
'Will you be my girl?'

Nag paulit-ulit ang salitang iyon sa isip ko, sinampal ko pa ang sarili ko para matukoy ko kung panaginip ba ito o hindi? Pero nasaktan ako ibig sabihin hindi ito panaginip.. Totoo itong lahat ng nakikita at naririnig ko.

Tiningnan kong muli ang mga estudyanteng nasa paligid namin, lahat ay naghihiyawan na tila ba kinikilig sa aming dalawa ni Raze, tiningnan ko naman si Raze na nakaluhod sa harapan ko.

Hindi ko malaman ang gagawin ko dahil.. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Raze?

"The day I first met you, I can't explain how I feel for you, until I am always with you, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo, and I realize that I love you, my day is not complete when I am not with you, I love you Aisla Xyceria please be my girl for the rest of my life" mahabang sabi ni Raze habang hawak niya ang isa kong kamay tsaka niya ito hinalikan. Mas lalo namang nagsigawan ang schoolmate namin.

Ramdam ko ang saya na namumutawi sa aking puso, dahil kahit ako gustong gusto ko rin siya kahit hindi pa ako pwede sa ganitong set up.

"Yes, Raze Yuan, I can be your girlfriend" dahil sa sagot ko nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Raze at mas lalo namang nagtititili ang mga estudyante.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay bumalik na ang mga schoolmate namin sa kani-kanilang ginagawa.

Napansin ko Rynx na dali daling lumakad palayo nang makita niya ako, hindi ko alam kung bakit?

"Hoy Raze Yuan, pakiusap lang ah wag na wag mong sasaktan si Aisla kung ayaw mong masampal ka ni Xylene" sabi ni Ayu.

"Pangako, hinding hindi ko sasaktan si Aisla" nakangiting sabi ni Raze habang nakatingin sa akin.

"Phew! Promises are meant to be broken kaya!" Maarteng sabi naman ni Reuxe kaya natawa nalang kami.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Xylene yung tungkol dito pero alam ko naman na susuportahan naman niya ako no?

"So paano Aisla, mauna na kami sa room namin. You Raze, take care of Aisla, okay?" Paalam ni Edmarie.

"Bye couple, stay strong" masayang sabi ni Reuxe, pagkaalis ng DS girls natahimik lang kaming dalawa ni Raze,  tila nagkakahiyaan kaming dalawa.

"Tara hatid mo na ako/hatid na kita" nagkatinginan pa kaming dalawa dahil sa gulat kasi sabay kaming nagsalita, hinawakan naman niya agad ang aking kamay atsaka niya ito hinalikan na para bang ako ang kanyang prinsesa.

"I love you my home" napamaang pa ako dahil sa word na binitawan niya,  ramdam ko na tila may kung anong lumilipad sa tiyan ko.

Pagkatapos niya akong ihatid sa room namin ay hinalikan niya pa ang aking noo, dahilan para tumingin sa amin ang mga estudyanteng dumadaan dito sa hallway.

Oh my gosh!! PDA pala itong ginagawa namin!

"Bago ako umalis nasan muna ang response mo sa I LOVE YOU ko?" Tanong niya na ikinagulat ko.

K-kailangan bang mag I love you din ako sa kanya?

"I-i love you?" Wala sa sarili kong sabi,  parang ang tanga ng pagkakasabi ko hahahaha bakit patanong?

Tf aisla!

"Hahahaha! Ang cute naman ng girlfriend ko" sabi ni Raze atsaka niya pinisil ang aking pisngi, napasimangot naman ako dahil ang sakit ng pagkakapisil niya.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon