Masayang masaya akong nakatingin sa salamin habang suot suot ko ang aking wedding, abot langit ang ngiti ko dahil sa wakas ilang oras nalang ay magiging isang ganap na Mrs Yuan na ako.
Tapos na akong ayusan, hinihintay ko nalang ang brides car.
"Mommy, you look so very pretty" Kia said, she's already 5 years old, and she's very smart like me and a talkative too.
"Yes baby your mom is very beautiful, kaya let's go downstairs with me because your tita's are waiting for you, let's just wait for your mommy at church" sabi ni adi atsaka niya hinawakan ang kamay ni Kia.
"Okay po tita ganda" sabi ni Kia.
"Osige na mars kitakits sa simbahan" sabi naman ni adi, nginitian ko lang siya atsaka sila lumabas ni Adi sa kwarto, at muli kong tiningnan ang sarili ko.
I'm wearing an elegant wedding gown na, at ang buhok ko naman ay nakapusod pero mayroong natitirang buhok sa magkabilang gilid ng tainga naka curl ito, at nakasuot din ako ng maliit na crown na kulay white, at siyempre ay suot suot ko narin ang mahabang belo na karaniwang sinusuot kapag ikinakasal.
"Aisla anak? Ready ka na ba?" napatingin naman ako sa mama ko na ngayon ay kakapasok lang sa kwarto, pinagmasdan niya pa akong mabuti mula ulo hanggang paa. "Anak, napakaganda mo" pagpupuri ni mama sa akin dahilan para mapangiti ako.
"Of course ma, saan pa ba ako magmamana? Sayo lang naman hehe" sabi ko atsaka ko nilapitan si mama, bahagya naman niyang hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Anak masaya ako para sayo, dahil natupad mo yung mga pangarap mo, hindi lang para sayo, kung hindi para sa anak mo, ang magkaroon siya ng buo at masayang pamilya" emosyonal na sabi ni mama. "Parang kailan lang pag aaral lang ang inaarupag mo, ngayon ito ka na ikakasal ka na, at bukod ay isa ka ng ganap bg veterinarian, sobrang proud ako sayo anak" sabi ni mama atsaka niya pinunasan ang luha niya bago niya ako niyakap.
"Thank you mama" ang tanging nasabi ko.
"O siya halika na, nandoon na ang sasakyan at hinihintay na tayo" sabi ni mama atsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin, inalalayan naman niyang bumaba sa hagdan pagkatapos ay sinalubong naman kami ni papa at inilahad ni papa ang kamay niya para alalayin din ako sa pagpasok sa brides car, inabot ni Papa sa akin ang aking wedding bouquet at si mama't papa naman ay tinabihan nila sa pag upo dito sa likod ng passenger seat and driver seat.
Sa puntong ito, naghalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko, hindi na ako makapag hintay na maikasal sa lalaking pinakamamahal ko.
Tumigil ang sasakyan sa pintuan ng simbahan na ngayon ay nakasarado, muli akong inalalayan ng magulang ko na makalabas sa brides car, at nang makalabas ako ay muli kong tiningnan ang simbahan atsaka ako bahagyang napangiti.
Sa wakas ito na!
Pumwesto na sila mama't papa sa magkabilang gilid ko, at hinawakan ni mama ang kamay ko.
(Insert beautiful in white)
Dahan dahang bumukas ang pinto ng simbahan at doon ay nakita ko ang napakaraming taong nakatingin sa akin habang ako ay dahan dahang nag lalakad sa aisle kasama ang aking magulang, sa magkabilaang gilid ay nakita ko ang mga kaibigan ko gayon din ang mga kaibigan ni Raze na ngayon ay masayang masayang nakatingin sa akin, kung kaya't nginitian ko silang lahat.
Ngayon ay diretsyo na akong nakatingin sa direksyon ng aking mapapangasawa sa gilid niya ay nandoon ang aking in-law's na ngayon ay masayang masayang nakatingin sa akin habang ako ay papalapit sa gawi nila.
At nang makarating na ako sa altar ay bumeso ako sa mga magulang ni Raze, pagkatapos ay humarap na kaming dalawa ni Raze kay father.
"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, and to cherish the words which shall unite, Aisla Xyceria and Raze Yuan in marriage. Marriage is the promise between two people who love each other, and who trust in that love, who honor each other as individuals, and who choose to spend the rest of their lives together. Groom and bride we are gathered here today to celebrate your marriage, this day you chosen to affirm your love for each other With spoken words and wish of sharing of symbols" mahabang sabi ni Father, sabay naman kaming napatingin ni Raze sa isa't isa at mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay. "Raze Yuan share your vows to your bride" sabi pa ni Father atsaka muling tumingin si Raze sa akin at inaabot naman sa kanya ni Father ang mic at agad naman niya itong kinuha at muling tumingin sa akin habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Ficção AdolescenteMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...