TOS 20

114 30 19
                                    

Makalipas ang isang linggong ibinigay ni papa sa akin para pumasok sa SBIS, ay ito ako ngayon hinahanda na ang mga gamit ko, inilagay ko lahat ng mga damit ko sa isang malaking maleta.

Huminga ako ng malalim dahil ito na ang araw kung kailan mahihiwalay na ako sa mga kaibigan ko.

Inayos ko na ang suot kong Jumpsuit pagkatapos ay naglagay ako ng konting lipstick sa labi ko at naglagay din ako ng mascara at eyeliner, natuto akong maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko dahil kay Reuxe na mahilig sa make-up, binilhan pa nga niya ako ng isang set ng make-up kit, kumpleto na yun lahat.

Pagkatapos kong ayusan ang mukha ko ay itinali ko ang buhok ko, at sinuot ko na ang shoes na binili sa akin ni lolo dad nung nakaraang araw sa mall.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, ngayon ko lang narealized ang laki ng pagbabago ko.

Ang ganda ganda ko.

habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko.

Tiningnan ko naman kung sino ang nagtext sa akin.


From: Rynx

Can we meet now?

Pagkatapos kong basahin ang text message niya ay tinawagan ko ang number niya.

Bakit kaya gusto niyang makipagkita sa akin?.

Nasapo ko ang aking noo ng maalala kong hindi ako nakapag paalam sa kanya na aalis na ako.

Ilang segundo lang ay sinagot na ni Rynx ang tawag ko.

"Hello Rynx! bakit?" takhang tanong ko sa kanya. Anong meron at bakit gusto niyang makipag kita sa akin.


"Please Aisla I want to see you, I want to tell you something" bakas sa tono ng boses niya ang pagmamakaawa.

Naalala ko tuloy yung araw na pinapunta ako ni Raze sa bahay nila dahil may sasabihin siyang importante.

Napabuntong hininga ako dahil sa iniisip ko, dahil hanggang ngayon nasasaktan parin ako tuwing naalala ko ang araw na iyon, yung araw kung kailan nasaktan ako ng sobra dahil sa lalaking yun.

"Pero kasi Rynx-----"

"Sa katipunan, doon tayo magkita, take care okay?" putol ni Rynx sa sasabihin ko pagkatapos ay ibinaba niya na ang tawag.

Pano ba 'to? Pupunta ba ako?

Pero kasi may gusto daw siyang sabihin sa akin eh, nacucurious tuloy ako. Hayyy bahala na nga.

Kinuha ko ang shoulder bag ko atsaka ako lumabas ng kwarto ko.

Nasalubong ko naman ang isang maid na papunta ngayon sa kwarto ko.

"Ate Marie pakilabas nalang po yung mga gamit ko at pakisabi po kay lolo dad na may pupuntahan lang ako saglit" paalam ko kay ate Marie, atsaka ako nagmadaling bumaba sa hagdan. Sinalubong pa ako ni summer at kitty pagbaba ko ng hagdan.


"Hello babies" tawag ko sa aso at sa pusa, atsaka ko hinimas ang mga mabalahibo nilang katawan.

"Arf..Arf.." tahol ni summer..

"Huwag kayong mag-alala babalik din ako agad, mamimiss ko kayo" sabi ko na tila tao ang kausap ko.

Mahilig talaga ako sa mga hayop, tuwang tuwa ako kapag nakakakita ako ng mga aso at pusa lalo na kapag cute.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon